Chapter 1

9.5K 157 2
                                    

Nakaupo si Danna sa isang upuan sa dakong kusina nila doon sya tumambay habang nagpapalipas ng oras. Weekend nman at nasa bahay lang sya ng araw na iyon.
Naglalakbay ang kanyang diwa sa ginawa ng ate Maureen nya. Bigla itong dumating sa kanilang bahay sa bicol ng wala lang man pasabi.
Sa Manila na kasi ito naglalagi kaya madalang nya na lang ito nakikita. Di rin sila close na magkapatid. Maarte at ambitious masyado ang kanyang ate Maureen. Maluho at mahilig sa mga expensive na mga gamit dahil maganda at sexy ang kanyang ate kaya siguro napakaarte din nito. Matangkad ito sa katunayan nga marami ang nagkakagustong mga taga lugar nila sa kanyang ate kahit madalang itong makauwi sa kanila.
Tatlong taon na itong nagtatrabaho sa manila bilang isang nurse sa isang private hospital. Tanging ang kanyang ina lamang ang dumadalaw rito sa tuwing maiisipan nitong lumuwas. Di sya sumasama kahit wala syang pasok kapag napapaluwas ang ina. Di sila magkasundong magkapatid sa lahat ng bagay. Parati silang pinagkokompara ng mga nakakakilala sa kanila na pinakaaayaw nya.
Paborito ito ng kanilang ina samantalang sya nman ay sa kanyang papa nman malapit. Di nman sumasama ang kanyang damdamin o nagtatampo sa atensyong binibigay ng ina sa kapatid. Minsan makakadama sya ng hinanakit ngunit agad nya rin iyon inaalis sa isipan at pilit nilalawakan nya na lamang ang kanyang isipan ukol sa bagay na iyon. Imbes na magtanim ng galit sa kapatid, iniintindi nya na lamang ang ate at kanyang ina. Spoiled kasi ito sa ina, kahit sa kanyang mga lolo at lola. Sya nman ay malapit sa mga kapatid ng ina at ama. Ayaw ng mga ito sa kanyang kapatid dahil suplada nga raw at medyo masama ang ugali into compare sa kanya.
Pagkaraan ng ilang minuto habang nakaupo pa rin sya soon may naulinigan syang tunog ng sasakyan sa labas ng kanilang bahay.
Ipinagkibit-balikat nya lamang iyon wala nman silang expected visitors sa araw na iyon kaya di sya nag-abalang labasin pa iyon. Alam nyang nasa sala ang kanyang ina at nagpapahinga, galing kasi ito sa kanilang grocery sa bayan.

"Why you let her go without informing me first! "Ang galit at dumadagundong na wika ng isang lalaki.
Napapitlag sya sa kanyang narinig may bisita ba sila?ang natanong nya sa isipan. Dahil di mapakali sa kinalalagyan sinilip nya ang direksyon ng kanilang sala para malaman nya kung tama ba yung narinig nyang galit na boses ng isang lalaki.
Nakita nya ang isang lalaking nakatalikod may matikas na tindig at kausap ang kanyang ina. So tama pala ang narinig nya may bisita talaga sila. Pero bakit tila galit ang kaharap na bisita ng kanyang ina habang kausap ito?.
Dala ng curiosity nakinig sya sa pag-uusap ng ina at iyong bagong dating na bisita nila. Mukhang di ito simpling tao dahil sa tingin nya may mataas itong posisyon sa lipunan. Kapag babasihan ang suot nitong polo na alam nyang mamahalin ay di maipagkakamaling mabibili nga mga mayaman lamang. Marunong syang kumilatis ng taong may kaya sa buhay at wala. Basi na rin sa kilos ng mga ito at pananalita.
"So,what are you going to do now? "Ang timping wika ni Louie sa ina ng fiancé nya.
Di nakapagsalita kaagad ang ina nya. Naintindihan nya na kung anung ikinagagalit ng bisita nila. Ito na pala ang dapat papakasalan ng ate nya sa susunod na buwan. Kahit nga sila di alam ang bagay na iyon kung di umuwi ng biglaan ang kapatid noong isang araw at muli ding umalis uli.
Nagpaalam lang ito sa mga magulang na aalis ito patungong Amerika dahil na approved na raw ang mga papers nito patungong states. Pangarap iyon ng kapatid kaya di na napigilan pa ng mga magulang na lumayo ito sa kanila at ngayon nga at may naiwang galit na
galit na lalaki na sumugod pa sa kanila dahil sa kagagawan ng ate nya. Ngayon nya lang din nalaman na may iniwan itong supposed to be husband nito at magiging soon to be kuya nya na rin. Dahil sa nalaman nitong umalis papuntang Amerika ang ate nya ng di nito nalalaman kaya ito galit na napasugod sa kanilang probinsya? Ang tanong sa isipan sa sarili. Malay ba nilang mag-aasawa na pala sana ang kanyang ate eh di nman nabanggit iyon ng babae sa kanila bago ito umalis. Kung di pa ito napasugod sa kanila di pa nila malalaman iyon.
Malihim ang ate nya sa mga nangyayari sa buhay nito. Siguro may alam rin ang ina ngunit tikom din ang bibig nito sa bagay na iyon.
Bigla syang napatayo sa upuan ng may maalala kaya lumikha iyon ng ingay na nakaabot sa matalas na pandinig ng bisita nila.
Naalala nya kasing may sulat palang ibinilin ang ate nya sa kanya bago ito umalis. Iabot nya raw sa taong maghahanap sa kapatid kapag nakaalis na ito at ngayon nga since ang lalaking ito pa lang nman ang unang naghanap at halos gusto na nitong pumatay ng kambing eh kelangan nya ng ibigay iyon dito. Baka para dito talaga iyung sulat ng ate nya ani nya sa isip.
Kunwari di nya alam na may bisita sila ng maayos ang pagkakatayo. Humakbang sya patungo sa kanyang silid para kunin ang sulat. Ngunit di pa man sya nakakadalawang hakbang ng muli nyang marinig ang boses ng lalaki.
"OK. I won't chase her anymore. "Anito na tila ibinitin pa ang iba pang sasabihin.
Narinig nya ang relief na pagpakawala ng ina ng hangin mula sa dibdib nito.
"But, I want her to be my wife instead of your other daughter! "Ang matigas na tinig na wika ng lalaki sabay turo pa sa kanyang direksyon habang kaharap ang ina nya.
Napalingon sya bigla para masigurong tama ang kanyang narinig dito. Nakita nyang napanganga ang kanyang ina. Di agad nakahuma sa sinabi ng lalaki.
Sya nman shocked ang lumarawan sa kanyang mukha. Para rin syang itinulos na kandila sa kanyang kinatatayuan. Di nya maihakbang ang paa patungo sa silid para kunin ang sulat sa kanyang narinig.
Nagtaas sya ng tingin patitig sa lalaki. Nagtama ang kanilang mga mata. Walang emosyon ang mukha nito basta nakatitig lang din sa kanya ang lalaki. Di nito inalis ang tingin sa kanya tila ba sya hinahamon kung magpoprotesta sya.
"No! She can't be! She's too young to be your wife. And besides she's still studying. Please Louie, I beg you. Spare my youngest daughter.. "ang magmamakaawang wika ng kanyang ina ng makabawi sa pagkagulat.
Napabaling ang tingin nya sa kanyang ina. Nagkatitigan silang dalawa. Sinenyasan sya nitong pumasok sa loob ng silid nya para maiwasan ang galit ng lalaki na mabaling sa kanya.
Sinunod nya ito ngunit bago nya pa maigalaw ang kanyang paa pahakbang, muli nyang narinig ang mataas na tinig ng lalaki.
"Don't leave! Not unless I told you to leave! You'll going to take your sister's side whether you like it or not. You're going to be my wife,... soon! "Ang walang kaabog-abog nitong saad di lang para sa kanya ang linyang binitiwan nito kundi para na rin sa kanyang inang nanlumo ng marinig ang sinabi ng lalaki.
Napatulala sya sa narinig mula sa bibig nito. Tila namanhid bigla ang kanyang paa sa kinalalagyan at di nya iyon maikilos. Para rin syang na mental block dahil wala ng pumapasok pa na anumang ideya sa kanyang isipan tila na frozed iyon ng ilang sandali bago gumana kung di ito muling nagsalita di sya makakabalik sa tamang huwisyo.
"Come here. We'll discuss about our incoming marriage. "Ang utos nito sa kanya .
Kagat labi syang napahakbang na tila walA sa sarili. Para syang robot na biglang naging sunod sunuran rito. Naisip nyang sana nanaginip lang sya at ang lahat ng ito at di totoo pati na rin ang lalaking kaharap ngayon ay panaginip lang sana.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon