Chapter 17

2.9K 72 0
                                    

Dumating ang oras ng pagclose ng kanilang shop. Napagpasyahan nilang kumain sa restaurant para eh celebrate ang pagdating ng dalaga. Malapit lang doon sa shop nila pagkatapos magbabar hopping sila, treat ni Danna sa anim na lalaki at best friend.
  Kaya nman excited ang mga itong nagligpit at nagsara ng shop. Kahit sila ni Katrina excited din nmang magbonding sa bar. Matagal na silang di nakapagbonding kaya ngayong gabi nila susulitin ang pagsasama nilang magkaibigan.
  Nasa labas na silang lahat isinasara na lamang ni Dark ang labas ng shop nila. Nakapalit run ng jeans at shirts ang mga lalaki ng kasama.
Nakatayo lamang sila ni Katrina sa tabi ng shop habang hinintay matapos ang pagsara ng kanilang shop.

Samantalang may dalawang pares ng mga mata nman ang nakamasid sa kanila. Naririnig nila ang biglang tilian ng mga students na napadaan sa harap ng shop.
"Guys! Si chef Auline! "Sigaw na matinis ng isang student na kasama sa malaking group ng mga students na dumaan.
"Oo nga! "Sigaw ng iba pa sabay lapit sa kinaroroonan ng babae.

"Chef Auline ikaw nga! "Tili ng isang babae sa tagiliran nila ni  Katrina kaya gulat silang napalingon sa mga iyom.
Gusto pa sanang takasan  ito ni Danna ngunit agad na silang napalibutan ng mga students. Kahit ang anim na lalaki ay isinama ng mga itong hinarang.
"Ang saya nman! Nakita na nmin si chef Auline in person! "Sabi ng isang lalaki.
Di nman agad nakahuma ang magkaibigan. Nagkatinginan lamang na may pagkamangha sa mga mata.
"Ah eh guys di ako iyon"napapangiwing pagkakailang wika ni Danna.
"Wag na po kayong magdeny chef. Ito po yung video nyo sa airport "sabi ng isang babae sabay pakita ng video nya.
"Wala talaga akong lusot nito. Oo na ako nga yan! "Napangiti nyang wika kaya naman nagulat sya ng bigla na lamang syang sunggaban  ng mga ito ng yakap.
"Hey! Wait isa isa lang. Mapapalaban ako nyan eh. "Aniya nyang napapatawa sa mga ito.
"Autograph and pictures will do chef. "Sabi ng iba mga students.
"Ok. But di tayo matatapos kapag isa-isahin ko kayo. "Aniya.
"Group pictures na lang po. "Suhestyon ng iba.
Kaya pumayag na lamang sya para matapos kaagad ang mga ito sa pangungulit.
Pati ang anim na naggagwapuhang kasama nila isinama sa pictures ng mga ito. Kasama din si Katrina na napilitan na lamang magpakuha ng pictures ng hatakin nya iyon dahil balak syang iwanan doon. May plano itong tumakas kaya bago pa ito nakalayo hinatak nya na iyon.
Nanakit ang mga panga nilang walo kakangiti  matapos silang kunan ng pictures at magpaalam na ang mga makukulit na students.

"Sya nga yan boss! "Ani ng katabing lalaki.
"Chef Auline.... "Nanulas sa bibig nya.
"Yun nga lang boss kilala sya sa ibang pangalan kaya siguro di natin yan mahanap noon pa man. "Narinig nyang sabi ng katabi.
"Siguro nga. Dito lang pala sya sa pinsan ko nagtatago. "Aniya. Di inaalis ang tingin kay Danna na ngayon nga ay naglalakad na patungo sa sasakyan nito.
Kaya nman mabilis ang naging kilos nya papunta sa kinapaparadahan ng sasakyan ng babae habang nag-iisa pa ito at walang kasama.

Samantalang habang isinusuksok ni Danna ang car key nya napalundag sya sa gulat ng may magsalita sa kanyang likuran.
"How are you Diane? "Ang sabi ng boses sa kanyang likuran.
Bigla syang nanigas sa kinatatayuan ng marinig ang familiar na boses ng lalaki.
Bigla bumilis ang pintig ng kanyang dibdib ngunit pilit nyang kinalma ang sarili. Marahil nagkakamali lamang sya ng dinig kaya nagpagpasyahan nyang lingunin ang lalaking nagsalita.
Dahan dahan syang lumingon rito. Gayun na lamang ang panlalali ng kanyang mga mata ng masalubong nya ang matitiim na titig sa kanya ng lalaki at seryoso ang mukha nitong nakatunghay sa kanya di nya iniexpect pang makikita ang mukhang iyon. Ni sa hinagap di nya inakalang makikita nya iyon ilang araw pa lang syang nakakabalil mula sa labas ng bansa dahil noon mang umuwi sya rito never magcross ang kanilang landas but why now? When she's not expecting to see him.
Pinigil nyang huwag mapasinghap at manulas ang kanyang bulalas sa mga labi. Napatikhim sya ng makabawi sa pagkasorpresa sa lalaki. Pinakunot nya ang kanyang noo at biglang pinablanko ang emosyon sa mukha.
Di nya pa sigurado kong naaalala sya ng kaharap na lalaki dahil sa tawag nito sa kanya.  Never sya syang nitong tinawag na Diane noon.
"Yes? "Pilit nyang pinakaswal ang boses ng makabawi sa pakabigla rito.
"Don't you know me? "Salubong ang kilay nitong tanong at medyo nag-alangan sa pagsalita.
"Am sorry Mr. ....I really don't know you. So, if you excuse me now I gotta go. "Aniyang may pagmamadaling pihitin pabukas ang kanyang car key para bumukas iyon. May pagmamadali din syang sumakay at agad naglock ng pintuan na tila may papatay sa kanya sa labas ng sasakyan.
Pagkastart ng sasakyan pinasibad iyon ni Danna at inihinto sa harap ng shop kung saan naghihintay ang tatlong lalaking isasabay nya. Abot-abot ang kabang lumukob sa kanya. Nanginginig pa ang kanyang mga kalamnan dahil sa di maipaliwanag na kabang bumundol sa kanyang dibdib. Ang isa sa dalawang lalaki ay sa likuran nya pinapwesto kasi di na sila kakasya sa loob niyon. Di sya nagpahalata sa tensyong nararamdaman ng oras na iyon. Ni ayaw nya ngang lumingon sa takot na baka nakatingin pa rin sa kanya ang ekstrangherong asawa.
"Chef, sino yung kausap mong lalaki bago lang? Mukhang sumama ata ang mood mo matapos kang lapitan at kausapin ah. "Sabi ni Red ng tabihan sya.
"Nanggugulo ba yun chef? Gusto mo upakan na nmin nina Red at Dark eh! "Sabad ni Gray.
"No! H-he's.... He is just asking for direction. "Payak syang napatawa ng pilit kahit medyo na rattle ang kanyang dila sa pagsagot.
"Ah.... Ganun ba yun chef, sabihin mo lang sa amin kapag ginulo ka niyon dahil kami na ang bahala sa kanya. "Sabi nman ni Dark.
"Kalimutan na nga natin yun.  Tara na sakay na at gutom na ako. "Reklamo nya sabay iba ng usapan. Tawa lang ang sagot ng tatlo at agad ng sumakay sa sasakyan nya.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon