Chapter 28

2.8K 68 1
                                    

"No way! It won't gonna happen! Let me go now! Wala na tayong pag-uusapan pa Louie. Dahil itutuloy ko pa rin ang pagpapaannull ng kasal natin sa ayaw at sa gusto mo! "Seryosong wika nya at tinapunan ng masamang tingin ang lalaki.
Napahigpit ang hawak  nito sa katawan nya kaya lalo lang sya naggalaita sa galit dito. Bakit ba kasi di ito makaintindi na ayaw nya na nga dito? Sigaw nya sa isip. Ows? Talaga ayaw mo na kay papa Louie eh baliw na baliw ka nga diba sa lalaking iyan? Pambubuska nman ng isang bahagi ng isip nya. Shut up mind! Hiyaw nya sa isip
"Walang annulment na magaganap Danna! Wala!! "Wika nitong madilim ang pagmumukha.
"Bakit ba di ka makaintindi? Ayaw ko ng matali pa sayo! So sa ayaw at sa gusto mo maghihiwalay pa rin tayo. Ipapaannul ko pa rin ang kasal natin. Malakas nman ang laban ko eh and I'm sure maga-grant kaagad iyon. It's for the best Louie. It's for your own good and to your children too. And also I got children  in another man that's why I wanted this annulment. "Ang wika nyang di kinukurap ang kanyang mga mata sa kanyanh kasinungalingan pinagtahi-tahi.
Gusto nyang makita ang reaksyon nito sa kanyang mga sinabi rito.
Naramdaman nyang binitiwan nito ang kanyang katawan ng di makapaniwala sa sinabi nya. Akala nya pababayaan na sya nitong makaalis roon. Ngunit laking gulat nya ng muli sya nitong hawakan sa braso sabay hatak sa kanya palayo roon. Mahigpit syang hawak nito na halos napaigik na sya sa sakit.
Dumukot muna ito sa bulsa ng suot nitong jeans saka niyuko ang driver sa unahan at sumenyas na patakbuhin ang taxi nito palayo roon.
Saka sya nito hinila ng isang kamay habang ang isa ay umagaw sa kanyang bagaheng hawak-hawak nya kanina pa.
"No! Hindi ako sasama sayo! Anu ba! Bitiwan mo ako ngayon din!!Sabi ng bitiwan mo ako eh! Anu ba nabibingi ka na ba?!"Ang pagpupumiglas nyang singhal sa lalaki.
Ngunit tila wala itong naririnig na nagpatuloy lang sa paghatak sa kanya. Napakaseryoso ng mukha nitong hinila sya sa kamay palapit sa sasakyan nito.
Pagkatapat nila sa isang magarang sasakyan agad nitong in-unlock saka walang salitang pinapasok sya ng pasalya sa loob ng car nito. Nilagyang ng seat belt saka isinara ang pintuan niyon sabay lock para di sya makatakas.
Napaigtad pa si Danna sa sobrang lakas ng pagkakasara ng pintuan.
Gustuhin nya mang takasan ito palabas ng sasakyan nito. Di nya ginawa dahil bakas sa kilos nito ang galit ng lalaki sa huling sinabi.
Matapos mailagay ng lalaki ang kanyang bagahe sa likuran ng sasakyan nito. Sumakay na ito at agad pinaharurot ng mabilis ang sasakyan.
Mabilis ang patakbo nito ng sasakyan kaya sinakmal si Danna ng kaba. Ayaw nya pang mamatay ng birhen pa. Di nya pa nga nakikita ang kanyang mga magiging cute na supling!
Napahawak sya sa handle malapit sa taas ng kanyang ulo.
"L-louie s-slow down. I don't wanna die young! Madidisgrasya tayo sa ginagawa mo! "Ang nahintakutan at nangangatal ang bibig nyang sabi rito.
Unang beses nyang makasakay sa sasakyan ang lalaki. At unang beses nya ring ma experience ang mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan.
Naramdaman nyang nag-iba ang takbo ng sinasakyan nila. Naging normal na lamang iyon kaya nakahinga sya ng maayos.
"I'm sorry. "Ang narinig nyang wika ng lalaki.
Manghang napabaling sya rito ng tingin. Di nya akalaing hihingi ito ng sorry sa kanya. Nawala ang mabalasik nitong expression kani-kanina lang. Bumalik na ang maamong mukha nito ngunit di sya nito sinulyapan. Nakatuon lamang sa front ang pansin nito.

Nakatutok ang mata ni Louie sa daanan nila ni hindi nya tinapunan ng tingin ang babaeng katabi.
Pero ng muling maisip ng lalaki na may lalaking nauugnay sa asawa lihim syang napatiim baga. Napahigpit ang pagkakahawak nya sa manubela, pilit nyang kinontrol ang kanyang selos at galit. Ayaw nyang matakot ang asawa sa kanya. Pero sa tuwing maiisip nyang may ibang lalaki sa buhay ng asawa at mayron pa silang mga anak di nya kayang tanggapin iyon. Ngunit ng painbestigahan nya ito wala nmang nabanggit na may anak na ito kaya dapat di pa rin sya maniniwala sa sinabi nito.

Pinili ni Danna  na tumahimik na lamang. Pareho silang galit kaya minabuti nyang
itikom ang kanyang bibig dahil iyon lamang ang alam nyang makakapahupa ng kanyang inis at galit dito.
Ibinaling nya na lamang ang paningin sa labas ng sasakyan. Napahugot sya ng malalim na buntong hininga saka napahalukipkip na inayos ang pagkakaupo sa tabi nito.
Di nya na ito muli pang sinulyapan ng tingin.

Samantalang halos sumabog na ang kaunting timping natitira kay Louie. Kahit anung pigil at pakalma ang kanyang gawin sa sarili  di nya pa  ring napigilang magpantig ang kanyang tenga ng inulit ni danna na may lalaki ito kanina.
Lalo syang nangalit at gusto nyang magwala ng mga sandaling iyon. Nagagalit sya sa kanyang sarili lalo na kay Maureen.  Gusto nya itong sakalin kanina nagpigil lamang sya.
Galit sya kaya di nya nakontrol ang sarili at napatakbo ng mabilis ang sasakyan.
Kung di  lamang sa takot na nakita nya sa mukha ng asawa ng sulyapan nya ito baka di sya kumalma.
Gusto nyang ihinto ang sasakyan at yakapin ito ngunit di nya ginawa. Nagulat sya ng sa kanyang pagdating sa bahay ng biyenan ay nandoon din si danna.
Sinundan nya si Maureen dahil sa kakaibang kilos nito kagabi.
May kausap ito sa phone kaya di nawala ang duda nya.
Mabuti na lang at sinundan nya ito pauwi rito. Isang beses lang sya nitong dinala rito at pormal na ipinakilala sa nanay nito noon.
Nasa bungad pa lamang sya ng gate ng marinig nya ang sigaw ni Maureen.  Histerikal na ito.  Papasok sana sya ng marinig nya nman ang boses ni danna. Napilitan syang pakinggan lahat para malinawan sa mga nangyari noon at hanggang ngayon.
Di nya akalaing magkapatid ang dalawa. Matapos marinig lahat saka nman biglang lumitaw ang alala nya kung paano sila unang nagkita ng asawa.
Bumalik lahat lahat kaya napagpasyahan nyang magpakita sa dalawa.
Gayon na lamang ang takot na rumihestro sa mukha ng ex girlfriend nya. Gusto nya mang sakalin ang babae pinigil nya ang sarili. In the first place may utang na loob pa rin sya sa dalaga sa pag-aalaga nito noon.
Ang di nya lang matanggap kung bakit sya binigay ni danna sa kapatid nito. At iyon ang gusto nyang tanungin sa babae. Gusto nyang marinig ang mga kasagutan sa mismong bibig ng asawa.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon