Chapter 15

3K 82 0
                                        

Pagkaalis ni Danna sa bangko nagpahatid sya sa car dealer na kinausap nya noong isang araw para ma-release ang sasakyang gusto nyang bilhin.
Habang lulan ng taxi di maalis sa kanyang isipan ang about sa statement of account na binigay sa kanya ng manager ng bangko.
Nakakalula ang laki ng perang naroon sa account. Malapit ng makaabot ng tatlong milyon iyon.
Di nya lubos maisip na patuloy pa rin pala iyong nilalagyan ni Louie ng pera.
Ipapaclose nya sana iyon kung sakaling kunti na ang laman.
Napahugot sya ng malalim na buntong hininga malabong mangyari ang nasa isip nya. Di nya nman kayang galawin ang pera ng lalaki dahil may sarili din nman syang pera sa bangko
Nang marating ang establishment ng sasakyan agad syang bumaba matapos iabot ang kanyang bayad sa driver. Pumasok sya sa loob ay kinausap ang taong kausap nya noong isang araw.

"Sir, naririto ako ngayon sa isang car dealer. Bibili ata sya ng sasakyan." Pagbigay alam sa kanya ng kausap.
"Ok. Dont lost her. Just follow her wherever she goes. I'm still here in the bank."tugon nya sa kausap saka nito ibinaba ang phone.

Nang maayos na lahat ng dapat maayos para agad nyang makuha ang biniling sasakyan napagpasyahan ni Danna na magpakita na sa kanyang kaibigan.
Isang mini-cab ang kanyang sasakyang napiling bilhin, kulay red iyon. Kasya lamang silang dalawa ni nanay Cedez.
Mabuti na lamang at nakakuha na sya ng driver license noong unang uwi nya sa pilipinas. Si Lewis pa ang nagturo sa kanyang magdrive ng car. Pinilit sya nitong mag learn magdrive ng car noong magbakasyon sya sa lugar ng lalaki.
Dahil di nya kabisado ang patungo sa east wood gumamit na lamang sya ng GPS para di sya maligaw.
Matapos maipark ang kanyang car. May ngiti sa labing bumaba sya at inilock iyon.
Mabuti na lamang nagsuot sya ng dark glasses na malaki. Tama lamang na maitago ang kabuuhan ng kanyang mata para na rin wag syang makilala agad ng ibang tao.
Marami pa syang mga kasabayan sa paglalakad patungo sa kanilang shop.
Dalawang palapag iyon. Refreshment sa itaas. Kumuha sya ng baresta para lamang maturuan nya panu gumawa ng drinks na ibibenta nila. TEACOFF TIME ang name ng drinks na pantapat nila sa starbucks. Na naging patok sa customers nila doon. At ngayon nga nakikipagsabayan na iyon sa mga kilalang refreshments sa syudad.
Nakuha nya ang ideyang iyon ng magtungo sila ni Lewis sa malaysia.
Malapit na sya sa bungad ng makita nya ang isa sa mga tauhan nila. Nakasuot ito ng apron na puti at may suot ding mahabang chef hat. Topless ito, tanging apron ang nagsisilbing tabing nito sa magandang katawan. Wearing only his jeans and sports shoes. Yun ang nagsilbing uniform ng mga empleyado nila na pawang mga lalaki lahat. Di sya kumuha ng babae mas maigi ang mga lalaking makatrab. Kaya nman parating puno ang kanilang refreshments sa taas.
Pati pangalan iba ang nilagay nya sa nameplates ng mga ito. Puro kulay ang naging pangalan ng mga tauhan nila. Di nya pina-allowed na sabihin ng mga ito ang mga real name nila para mas lalong maintriga ang mga customers nila sa kanilang mga boy's crew.
Lahat pawang matatangkad at may magandang katawan. Lalo na at mga di galing sa di marangyang pamilya ang na hired nilang mga tauhan. Ayaw nyang kunin ang mga may kaya na nag-aaply noon dahil di sila magtatagal sa trabaho.
Nakisunod sya sa mga pila ng teenagers na papasok sa loob. Magiliw nman itong binati ng posted guard nila sa araw na iyon. Cycle ang pagganap bilang gwardya sa labas ng shop nila kaya lahat sila ay makikita ng mga customers na pumupunta doon.
"Goodnoon maam-"anitong biglang natigil ang kasunod nitong sasabihin ng agad sya nitong makilala.
Huminto sya sa tapat ng lalaki at bahagyang itinaas ang kanyang salamin. Tama lamang makita nito ang kanyang mukha.
"Chef-"nasorpresa nitong bulalas na agad nyang natakpan ang bibig nito bago pa man masambit ang kanyang pangalan. Ayaw nyang makuyog na naman sya ng mga nakakakilala sa kanya na mga customer.
Inalis nya lamang ang pagtakip sa bibig nito sabay hila sa lalaki papasok ng medyo malayo na ang mga naunang customers sa kanila. Nang makaakyat na lahat sa taas saka nya ito inutusan na palabasin ang iba pa nyang kasamahan doon.
Nakangiti nyang pinagmasdan ang mga nakadisplay na products sa estante. Nandun ang old mcdonald cookies, devil muffins, bloody bread na may red fillings sa loob at kakaiba din ang mga pangalan na ginamit sa mga display nila doon. Kaya lalo iyong nakadagdag sa pagkuha ng atensyon ng kanilang mamimili.
"I thought nakalimutan mo na itong shop nation?!" Mataray na wika ng friend nya sa kanyang likuran.
"Tinay! I miss you so much" wika nya sabay yakap sa kaibigan.

"I miss you so much! "Panggagaya nito sa kanyang sinabi sabay irap.
"Hhmmp! Miss ka dyan pero now lang nagpakita dito kung di pa nagtrending ang video mo na papalabas ng airport di ko pa malalamang narito ka na pala sa pinas!"nagtatampo nitong wika.
"Sorry na best friend... Nagpaadapt pa kasi muna ako kay nanay Cedez ng ilang araw. You know to fatten me up daw eh" maarte nyang saad rito na may kalakip na lambing.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko!"napangiti nitong wika sabay hila payakap sa kanya. Halos maubusan sya ng hangin sa sobrang higpit ng yakap nito sa kanya bago sya nito pinakawalan.Nawala na ang tampo nito basta kusa sya nitong yayakapin ng ganoon ka higpit.
"Chef...!"halos magkakasabay na sigaw ng mga bagong labas na lalaki sa isang pintuan ng baking area.
"Hey guys! I'm back...!"masayang wika nya sabay buka ng kamay. Masaya silang naggroup hugs. Pamilya na ang turing nila ni Tinay sa anim na lalaki. Mas matanda sila ni Tinay ng dalawang taon sa mga ito at lahat ng iyon at puro single pa. Ayaw ni Danna na may susugod na mga selosang gf sa shop at awayin ang mga customers nila kaya bawal ang mga itong magkarelasyon o magkaroon ng girlfriend. Kung meron man be sure di manggugulo ang mga girlfriends nila dahil tiyak tanggal agad ang mga ito sa shop.

"Sir, pumasok po sya sa loob shop na iyan."sabay turo ng tauhan nya na sumusunod kay Danna.
"Ok. Dito ka lang baka masalisihan tayo nyan. Papasok muna ako sa loob niyon."aniya sa kausap.
Napakunot-noo sya, di yata ito ang shop ng kanyang pinsan. Matagal na ang business nito but ngayon lamang sya makakapasok roon.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon