Chapter 9

2.8K 81 0
                                    

Dinala sya ng lalaki sa isang restaurant na alam nyang de-klase. Bigla syang nakaramdam ng hiya dahil naka simpling white shirt lamang sya at faded skinny jeans saka sapin sa paa na doll shoes.
    Napahinto sya sa paghakbang papasok sa loob dahil tila nag-alangan sya sa kanyang ayos. Naramdaman nya  ang paghawak ng di pa nakikilalang lalaki sa kanyang siko. Kaya napapitlag sya sa kinatatayuan.
"Whats the problem?"tanong nito sa kanya.
"Dont worry they dont have dress code in this place."napangiti nitong wika ng mabasa ang nasa isipan nya.
Di nya napigil pamulahan ng mukha. Talagang nahiya sya sa sinabi nito. May sa ala manghuhula pa pala ang lalaking kasama.
"Come on."yakag nito saka sya iginiya papasok sa loob.
"Welcome sir,maam..."magalang na bati ng butcher ng nasabing restaurant. Saka nya napagtantong hotel pala ang taas noon. Di na sya nagtaka kung bakit may Butler syang nakita.
    "Table for two sir?"magalang na salubong nman ng isang lalaking matangkad at may magandang ngiti sa mga labi.
Tumango ang katabing lalaki.
Napatutok ang mata nya sa kanang dibdib nito. Nandun ang name tag ng lalaki at isa pala itong manager sa restaurant.
   "This way maam sir..."anito at nagpatiunang naglakad patungo sa pandalawahang mesa.
Pinaghila pa sya nito ng upuan.
"Thank you. "Tipid nyang wika.
"We haven't introduce ourselves. Am Lewis Anderson."nakangiti nitong pakilala ng sarili ng makaupo na din ito sa harap nya.
"Pauline Cruz."tipid nyang wika saka pilit itong nginitian.
Nagkamay silang dalawa at agad ding nagbawi ng pakikipagkamay dahil lumapit na ang isang magandang waitress na may dalang menu book na ang tingin ay nakatutok sa dayuhang kaharap nya sa mesa.
  Lihim nyang pinagmasdan ang dalagang nakatayo sa tabi ng mesa nila. Di nito naitago ang paghanga sa lalaking busy sa pagtingin ng menu na binigay nito sa kanilang dalawa.
Kaya nagulat pa sya at napapitlag ng maramdaman ang palad ng lalaki sa likod ng kamay nya na nakapatong sa taas ng mesa.
"Pauline,whats you gonna have?"masuyo nitong wika na bahagya pang pinisil ang palad nya para makuha nito ang pansin nya.
"H-huh? Ahm..sorry wait."aniyang pinamulahan ng pisngi. Napatingin muna sya sa babaeng nakatayo na ngayon ay nasa kanya na din nakatingin pala ganun din si Lewis.
"Carbonara and carrot shake."wika nya na di tiningnan ang menu. Nagbakasakali lamang sya na meron sila sa menu ng pagkaing binanggit nya.
Sinulat iyon ng babae sa hawak na order slip saka nakangiting bumalaling sa kaharap na lalaki.
Napapailing iling nman sya sa hayagang pagpapacute ng babae sa kasama nya.
Basta kano talagang takaw-pansin sa mga babaeng pinay.
"Is that all sir?"malambing nitong wika.
"Do you want something to add in your order Pauline?"baling nman ng lalaki sa kanya. Tila close silang dalawa kong makatawag sa kanya.
"No thanks. My order is enough."aniya.
Agad namang umalis ang babae sa mesa nila.
"She likes you."komento nya ng makaalis sa mesa nila ang kinikilig na babae.
"Pardon?"anitong napakunot noo pa ng magtaas ito ng tingin sa kanya,di nagets ang sinabi nya.
"I said the lady who take our order likes you a lot."aniya, napatawa nman ito sa kanyang sinabi.
"Why are you laughing ? Im just stating what i observed"aniyang tinaasan ito ng kilay.
"I cant blame those girls...its not unusual for me to always get their attention whenever i go."kibit balikat nitong saad saka sya binigyan ng nakakalokong tingin.
"I didnt know you are conceited man on earth!"palatak nya na ikanatawa pa nito ng malakas.
"By the way why you are crying when you bump me accidentally?"anitong bigla naging seryoso ang mukha at tinitigan sya ng mariin sa mata.
"Its so personal."aniya na ayaw ng pag-usapan ang nangyari kanina.
Lumarawan sa mukha nya ang sakit na naramdaman. Naisip nya ang asawa at ang kanyang kapatid na magkasama ngayon.
"Am sorry. I know i dont have the right to ask you am just concern."hinging paumanhin nito sa kanya.
"Its ok. Am fine now. Thanks." Sabi nya na nginitian ito.
Naputol ang pag-uusap nila ng dumating ang kanilang order.
"Do you still want something sir?"narinig nilang malambing na wika ng babaeng ang mata ay nakatutok sa mukha ng lalaki.
"No thanks . We will call you if we need something."wika ng kaharap na bakas na ang iritasyon sa kausap.
Pinandilatan nya ito ng mata. Kaya napangiti ito sa kaharap.
"My girl is very possisive miss. She dont want someone talking to her man. So please leave i dont want  her to make a scene in your restaurant later on if you wont stop flirting with me!"direktang saad nito sa babaeng kausap na nakaramdam ng pagkapahiya sa harapan nila. Pinamulahan ito ng mukha saka yuko ang ulong nilisan ang mesa nila.
"You are so mean Lewis!"di makapaniwalang saad nya rito.
"I just want her to stop flirting. I dont like women like her. Its so disgusting and annoying!"anito saka nagpatuloy sila sa pagkain.
"How about me?"curious nyang tanong sa lalaki.
"You didnt flirt with me. And i feel something thats why i did not hesitate to invite you here."wika nito.
Natahimik sya sa sinabi nito. Malakas ang sense ng lalaking kaharap nya napahanga sya sa kakayahang iyon ng lalaki.
   Nagkwentuhan sila ng matagal. Nabanggit nito na naparito ito sa bansa dahil nagre-research ito ng mga native dishes ng Filipino.
  Nang malaman nitong taga bicol sya lalo itong natuwa. Iyon raw ang lugar na gusto nitong puntahan. Isang week pa lang pala ito sa pilipinas. Wala raw itong kaibigan rito kaya naghahanap sana ito ng makakatulong rito.
  Napag-alaman nyang isa itong Austrilian-spanish. Kaya pala ang gwapo ng lalaking bagong kakilala. Pero para sa kanya mas gwapo pa rin ang kanyang asawa. Kakaiba kasi ang kagwapuhan ng asawa nya. Malakas ang hatak ni Louie sa mga kababaihan. Iyung tipong mapapalingon ka kapag nagsalita ito dahil sa buo at baritono nitong boses. Matangkad din ito gaya ni Lewis. Six footer ito kung di sya nagkakamali samantalang sya ay 5'6 lamang. Pareho ding maganda ang pangangatawan ng dalawang lalaki. Makapal ang mga kilay. Parehong may clip chin at medyo pangahan at matangos ang mga ilong. Medyo moreno nga lang ang asawa nya maputi kasi si Lewis.
  Nang mabanggit nya ritong uuwi sya  kinabukasan sa bicol nakiusap itong sumama sa kanya. Dahil naawa syang baka maloko lang ito pumayag na rin syang isama ito. Nang araw ding iyon ay nagpabook sila ng flight pa bicol.
      Matapos syang ihatid nito sa kanyang tinutuluyan bumalik ito sa restaurant na pinagdalhan sa kanya. Doon pala ito naka check-in sa hotel na nasa taas ng resturant.
Napag-usapan nilang susunduin sya nito four hours bago  ang flight nila. Ipapakuha pa raw nito ang rented car na nirent nito sa  hotel.
   Bago sya bumalik ng bicol naisipan nyang dalawin sa huling pagkakataon ang asawa kahit ipagtabuyan sya ng kapatid ok lang makita nya lang ito sa huling pagkakataon sapat na iyon sa kanya.
   Papasok na sya sa silid ng lalaki ng may magsalita sa kanyang likuran.
"Miss kaanu anu mo yung pasyente dyan?"ani ng lalaking nasa mid thirties na ata ang edad.
"Bakit po?"takang tanong nya.
"Kasi ibibigay ko lang sana ang phone ng lalaking hinatid ko  sa hospital ng madisgrasya sya. Heto oh dahil mukha mo ang nandyan sa screen ng phone sayo ko na lang ibibigay ito."wika nito saka inabot ang phone ni Louie.
Pagkasabi nya ng pasalamat sa lalaki agad din itong umalis dahil may lalakarin pa raw.
Tiningnan nya nga ang phone screen ng lalaki. Mukha nya nga talaga ang nakalagay sa lockscreen ng phone ng kanyang asawa.
Wala iyong password kaya malaya nya iyong nabuksan tumambad nman sa wall ng phone nito ang picture nilang dalawa noong araw na kinasal sila sa bahay nila sa bicol.
   Napangiti sya sa kabila ng kalamigan ng lalaki. Pinahahalagahan din pala nito ang relasyon nila. Kaya nman may nabuong pasya sa kanyang isipan.
Marahan nyang pinihit ang pinto ng silid ng asawa. Napatulala sya sa kanyang nadatnan magkalapat ang mga labi ng ate nya at ang asawa.
Masakit man iyon sa kanya walang ingay nyang nahila pasara muli ang pinto at mabilisang nilisan ang lugar na iyon. Ang pag-asang biglang umusbong ay nawala na ng tuluyan. Nawalan na din sya ng pag-asang ipaglaban ang karapatan nya sa lalaki.Tama nga sigurong kalimutan nya na ang lalaki dahil di nman talaga naging kanya ang asawa. Tanging sa papel lamang naging pag-aari ang nobyo ng kapatid

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon