Chapter 33

3K 73 2
                                    

   Ayaw mang pumasok ni Danna sa shop ng araw na iyon ngunit wala syang mapagpipilian kundi ang pumasok. Dahil hindi sa lahat ng oras ay kaya nyang iwasan ang mga taong ayaw nya sanang makita or makausap man lang.
Di pupwedeng di nya  harapin ang dahilan ng mga takot at agam-agam nyang nararamdaman sa kanyang dibdib tuwing gabi bago sya makaidlip sa pagtulog.
   Napahugot sya ng malalim na buntong-hininga saka binuksan ang pintuan sa kanan ng kanyang sasakyan at bumaba. Kakarating at kakaparada nya lamang sa harapan kanilang shop. Maaga silang nagbukas ngayon dahil Monday at medyo busy dahil unang araw ng linggo.
    Patamad nyang kinaladkad ang sarili palakad patungo sa direksyong papasok  ng shop. Pilit nakikipagdiskusyon ang maliliit na boses sa kanyang isipan kung anu ang dapat nyang gagawin mamaya kapag nagkaharap sila ng lalaki. Maraming naglalaro na kung anu-anu sa kanyang isipan. Nahahati iyon kung nararapat  ba syang  magpakita sa asawa sakaling pumunta ang lalaki sa shop para usigin sya nito. Magpakita? O mas tamang makikipagtuos sa kanya!
  Di nya maiwasang makadama ng hiya at pamulahan ng pisngi sa tuwing maaalala nya ang naganap na tagpo bago nya ito tinakasan sa hotel room nito.
Alam nyang nagpupuyos ito sa galit dahil sa ginawa at ayaw nya sana itong makaharap or makausap kung sakaling posible nyang maiiwasang magkrus ang kanilang landas! Ngunit alam nyang never mangyayari iyon dahil kilala nya ito kung kaano ito ka determinado sa anumang bagay na gustuhin nitong makuha.
Sa huli pilit nya na lamang pinakalma ang sarili saka tinulak ang pintuan papasok ng shop ng nasa bungad na sya noon.
Napalingon lahat ng kanyang mga kasama na nag-aayos ng mga pastry nila sa kanyang pagdating. Sabay pang napatuon ang mga mata ng mga ito sa dakong pintuan kung saan sya pumasok at ngayon nga ay nakatayo doon. Kaya napapangiwing nginitian nya ang mga ito saka binati.
"Good morning guys! "Ang wika nya na pilit pinasigla at nilangkapan ng magandang ngiti ang mga labi.
'Well, sinong magsasabing di sya marunong mameke ng totoong nararamdaman? Ilang years nya kaya pinag-aralan kung paano maitago ang lahat ng emosyon nya sa mga taong di nakakakilala sa kanya ng lubusan para sabihing wala syang dinadalang mabigat na problema.
"Hi chef! "Ang panabay na wika ng mga kasamahan. Nginitian nya ang mga ito na tila isang inosenteng paslit. Well ayaw nyang masira ang kanyang araw kaya dapat nakangiti sya.
"How's your weekend chef? "Bati ni Red ng mapatapat sya rito. Ito ang malapit sa tabi nya.
"Not so exciting Red. "Aniyang ngumiti rito saka tinapik ito sa balikat at nagpatuloy sa paglakad papasok sa baking area.
Nagsunuran na rin ang iba pa  sa pagpasok roon.
Nagulat pa sya ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang kaibigan. Di nya inaasahang maagang pumasok si Tinay ng araw na iyon. Usually tanghali na ang dating nito.
"Hey Tinay! You're early! What's happening? You don't go in the shop this early. "Ang wika nyang pinagmamasdan ang kaibigan na may pagtataka. Malalaki ang hakbang nito palapit sa kanya.
"We need to talk. "Anito sabay hila sa kanya sa kamay palabas roon.
"Hey wait! Why you seems so serious? Anything wrong? Is there any problems here?"Aniyang  lalong napakunot ang noo at naguguluhan sa ikinikilos ng kaibigan.
"You really don't know? "Anito na biglang huminto sa paglalakad at hinarap sya.
"Do I need to ask you if I knew? "Balik tanong nya rito.
"Gosh! Pauline, your husband is furious you know! Why you leave him? "Anito
Napanganga sya sa sinabi nito.
She knew? May sinabi si Louie sa kaibigan kung ganun. Anas nya sa isipan.
"What he said? "Bagkus ang wika nya sa kaibigan di nya ito nilulubayan ng tingin. Dahil kahit sya ay curious din malaman ang sinabi ng lalaki rito.
Muli sya nitong hinawakan sa kamay sabay hila sa kanya papasok sa loob ng office. Pagkapasok hinarap sya nito.
"Di ko pa nakitang ganun ka aburido si kuya Louie, Pauline.  He seems distracted did you know that? What really happened back there in bicol? "Serious nitong wika.
"Nothing. "Pagkakaila nya rito.
"Pauline, am your friend for Pete's sake! "Wika nitong bahagyang napataas ang tinig.
Napatanga sya rito. Nagulat sa inasal ng kaibigan. Kahit ito ay nabigla rin sa ginawa kaya humingi ito ng paumanhin sa kanya.
"Am sorry. Am just worried. I can't help  not to think something's might happened to you. "Ang hinging paumanhin nito.
"It's ok.  I understand but I don't want to talk about it right now. Give me Time Tin"Aniya.
Napahugot ng malalim na bungtong hininga ang kaibigan saka nagsalita.
"Ok.  I respect your decision but if you're ready to tell me am just here... Pauline. I am willing to hear what's happening to you"Anito.
Tumango lamang sya at tumalikod. Pinihit ang seradura saka tuloy tuloy na lumabas at muling pumasok sa baking area. Napapailing nman syang sinundan ng tingin Ni Tinay.
Nang makaalis ang kaibigan napahugot sya ng malalim na buntong hininga sabay kinapa ang phone sa kanyang bag. Agad binuksan at walang inaksayang minuto para tawagan ang taong pinangakuan nyang tatawagan kapag dumating ang hinahanting nito sa shop nila.
Nakatatlong ring bago sumagot ang taong tinatawagan nya.
"She's here. "Aniya. Matapos marinig ang sinabi nito agad nya iyong tinapos saka naupo sa kanyang upuan sa opisina at hinarap ang mga gawain sa araw na iyon.

  Nasa ginagawa na ang buong atensyon ni Danna. Although mabigat kanina ang kanyang nararamdaman ngunit ng magsimula na syang magbake nawala na iyon.
Kaya ng may pumasok sa kanilang baking room. Di sya agad nakahuma ng kunin ng taong pumasok ang kanyang atensyon.
"W-what are your doing here? "Ang wika nyang bahagyang napatda at napaatras ngunit wala na syang mahakbangan pa palayo dito. Nakulong sya sa pagitan ng wall at baking cabinet nila.
"Waiting for you to come home. "Anitong malumanay. Walang kangiti ngiti sa mukha ng lalaki ng humakbang ito palapit. Expected nyang maghuhuramentado ito sa galit dahil sa ginawa ngunit iba ang ipinakita nito. Mukhang magiging mabait ang lalaki sa kanya. Di sya dadaanin sya sindak or dahas.
"Not now Louie. Am not ready. Can you give me one week for me to adjust to our situation? "Ang napatingalang wika nya rito. Nakikiusap ang kanyang mga mata sa lalaki.
Biglang lumamlam ang kanina lang ay puno ng galit nitong mga mata.
Napahugot muna ito ng malalim na buntong hininga at marahas na naibuga iyon sa kawalan.
"Ok.  If that's what you want I won't force you. But don't stop me from coming here just to see you honey. "Anito sabay tawid ng espasyo sa pagitan nilang dalawa.
Di nya kayang salubungin ang mga maiinit nitong mga tingin kaya naibaba nya ang tingin sa kanyang mga kamay na nakasiklop sa kanyang harapan.
Naramdaman nyang iniangat nito ang kanyang mukha pasalubong sa puno ng emosyon nitong mga mata.
"You don't know but I am so scared when you left the hotel. I didn't sleep for many days just thinking of you. Am thinking maybe something bad happen to you.  Don't ever do that again. Please danna. "Anito. Matamang nakatingn sa kanyang mga mata. Lumambot ang expresyon niyon at napalitan ng pag-aalala.
"Am sorry ....."ang tanging namutawi sa kanyang bibig.
Di sya nagpumiglas ng kabigin sya nito payakap. Maramdaman nyang hinalik-halikan nito ang kanyang buhok habang mahigpit syang yakap.
May kung anung nag-udyok sa kanyang tugunin ang yakap ng lalaki.
Nadismaya pa sya ng bahagya sya nitong inilayo sa katawan nito at nilagay ng dalawang palad sa kanyang mukha.
Nagkasalubong ang mga tingin nilang dalawa kasabay ng pag-unti-unting pagbaba ng mukha nito palapit sa kanya.
Wala sa loob na naipikit nya ang mga mata bago pa man lumapat ang mga labi nito sa mga labi nya.
Naghinang ang kanilang mga labi ng ilang minuto. Dinadama ang emosyong nakapaloob sa halik na iyon. Di pa sana sila magkakahiwalay kung walang disturbo na tumikhim sa bungad ng baking room.
"Hey! That's PDA  in my shop. I don't allow it here guys! Better stop yourselves or else take a room! "Ang napangising wika ni kristina na ikinapula ng pisngi ni danna.
Wala sa loob na naibaon nya ang mukha sa dibdib ng asawa dahil hindi lang so tinay ang nakamasid sa kanilang dalawa no Louie kundi kasama ang anim na lalaki.
Napapangiti na lamang na muling nagbalik ang mga ito sa kani kanilang ginagawa.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon