Nakatulugan ng dalaga ang paghihintay kay Louie. Kinabukasan na sya nagising, masyadong napagod ang isip nya kakaisip ng sitwasyon na wala nman syang magawa para mapigil ang nalalapit nyang pag-iisang dibdib sa lalaking ewan nya ba.
Maliban sa tipid itong magpakita ng ngiti, masungit din ito at parating seryoso ang pagmumukha kapag kaharap nya. Di nya pa ito nakitang ngumiti. Siguro kung di lang ito gwapo baka lalo lang itong tatanda sa pagiging bugnutin nito. Tila ba pinagkaitan ito ng pagkakataong ngumiti.
Paiba-iba pa ang takbo ng isipan nito.
Napaunat sya ng katawan kahit nakapikit pa sya tinatamad syang bumangon. Kaya nanatili syang nakahiga matapos mag stretch ng katawan.
Naglalaro pa rin ang gwapong mukha ng boyfriend ng kanyang ate sa kanyang isipan kahit na nga ba masungit ito at di ngumingiti.
Napangiti sya ng maalala ang mukha nitong tila pinaglihi sa sama ng loob. Naisip nya anu kaya ang nakita ng ate Maureen nya rito kung bakit pumayag itong magpakasal rito?
"Silly! Eh di yung pagmumukha nyang iyon! Anu pa ba?! "Kausap nya sa sarili.
Still nakapikit pa rin dahil nasisilaw sya sa sinag ng araw na pumapasok sa loob ng kanyang silid.
'Sandali! Di pa nman ako nagbubukas ng bintana ah. Bakit nakapasok ang sinag ng araw sa room? 'Ang tanong nya sa isipan.
Nagtaka sya, di pwedeng ang ina dahil di ginagawa ng ina nya ang pumasok sa kanyang silid at buksan ang kanyang curtains.
Wala sa loob na napalanghap sya sa hangin. May nahagip ang kanyang ilong at mabango iyon. Pabango! Oo nga! Tama isang panlalaking pabango-- teka! Wag nman sana magkakatotoo ang nasa isip ko. Pero napakaaga pa nman yata para pumunta sa kanila ang lalaki. Nasa Manila pa ito at baka ngayon araw ang biyahe nito patungong bicol. Aniya sa isipan.
Pinakiramdaman nya muna ang paligid tila may kasama sya sa loob ng silid. Kakaiba ang kanyang nararamdaman. Kinakabahan sya na di mawari habang nakahiga pa rin sa kama.
Idinilat nya ang mga mata ng kaunti lamang tama lang na makita nya ang palibot ng silid. Pero naisip nya malalaman rin naman ng kung sino man ang nasa loob ng silid na gising na sya at nagsisiyasat sa kanyang paligid.
Dahil gagalaw ang kanyang ulo pero wala na syang pakialam pa roon. Ang importante masiguro nyang sya lang ang nasa loob ng kanyang silid.
Tiningnan nya ang kaliwang side ng bed, wala syang nakita kaya pinalibot nya iyon papunta sa gitna hanggang sa kanang side ng bed. Nang muli nyang ibinalik ang tingin sa nadaanang mukha ng lalaki sa gitna ng bed.
Natatarantang nagmulat sya ng mata kasabay ng panlalaki noon at napaawang pa ang kanyang bibig.
Tulalang nakatingin sa lalaking nakatayo sa harap ng bed nya at mataman syang pinagmamasdan.
Amused na itong nakatingin sa kanyang reaksyon.
Kinusot nya ang mga mata baka namamalikmata lamang sya sa kanyang nakita. Pero kahit anung kusot ang gawin nya sa kanyang mata ay naroroon pa rin ang lalaki. Di nawawala ang balintataw nito.
Kumilos ito at naglakad patungo sa kanya saka pa lang sya tila na tauhan na talagang di sya dinadaya ng kanyang paningin na naroroon nga ang lalaki sa loob ng silid nya.
"A-anung g-ginagawa mo sa silid ko? "Pautal-utal nyang tanong sabay hila ng kumot na agad nyang nahablot sa tabi sabay takip sa kanyang katawan hanggang ulo.Di nman napigilan ni Louie ang mangiti sa reaksyon ng dalaga. Tila ito isang pusa na di mapaanak ng makitang naroroon nga sya sa silid nito.
Ang kaninang pigil na ngiti ay naging halakhak na ikinabalikwas nman ni Danna.
"What so funny huh Mr?! "Ang mataray nyang asik rito ng tanggalin nya ang pagkatalukbong ng kumot sa ulo.
Umaalog-alog pa ang balikat nito ng tingnan nya ito ng pakasama-sama.
Pinigil nito ang matawa uli ngunit lalo lang itong napatawa ng malakas kinalaunan. Kaya lalong umusok ang kanyang bunbunan dito.
'Nabaliw na ata ang lalaking kaharap at di na matapos ang tawa nito. 'Tsk! Sayang nman kung tuluyan na itong mabaliw dahil sa ate nya. Speaking of her ate inis syang tumayo sa kama at nakapamewang na hinarap ang lalaki. Uminit ang kanyang ulo dahil sumagi na nman sa isip nya kung bakit ito naririto sa kanila.
Natigil nman ito ng makita syang nakatayo kaharap ito. Bigla itong nagseryoso ng mapagmasdan sya sa taas ng kama. Mabilis nman napasunod ang mata nya sa tinitingnan nito. At ganun na lamang ang panghilakbot nya ng makitang tila wala na syang saplot sa katawan dahil sa suot na pantulog. Bakat doon ang kanyang tinatago-tago na alindog!
Nakalimutan nyang nagsuot lamang sya ng isang manipis na sando na tama lamang pumatong hanggang bewang at short na manipis rin na hanggang sa taas ng hita nya.
Wala syang suot na panloob tanging silk panty lamang at ang manipis na ginawang pantulog!
Namumula ang mukhang naitakip nya ang mga kamay sa dibdib saka biglang napaupo para di sya lalong makadama ng panliliit sa sarili ng oras na iyon.
Humakbang ito palapit sa kanya kaya mas lalo pa syang namula at kinabahan.
"Stop right there Mr! "Maagap nyang pigil sa lalaki.
Napataas lang ang kilay nito ngunit patuloy pa rin sa paghakbang hanggang marating nito ang tabi ng kanyang bed.
"Bingi ka ba sabi ko wag kang lumapit! "Sigaw nya rito.
"Do you need to shout? "Ang may babala sa tinig nitong wika na biglang nawala ang ngiti sa labi at bumalik ang seryosong pagmumukha nito.
Naumid nman ang kanyang dila. Naunahan sya ng gulat kaya nasigawan nya ito.
Bigla syang kinabahan baka kung anu ang gawin nito sa kanya. Sya lang mag-isa sa kanyang silid.
"Make yourself beautiful. Do it faster. I hate waiting! "pasupladong Ani nito saka sya iniwanan. Lumabas ito ng silid ng di sya nililingon.
Para nman syang nahahapo at napasapo sa kanyang kabadong dibdib.
Gosh! Malapit na talaga! Usal nya sa sarili.
Napasulyap sya muli sa pintuan ng may mahagip sa tabi ng tokador nya. Isang malaking box na puti. Curious nya itong pinuntahan at binuksan.
Napanganga sya ng makitang isa iyong dress na dirty white at mahaba. Wala sa loob na kinuha iyon at itinaas.
Isang dress na pangkasal, simple lamang iyon ngunit nagustuhan nya ang pagkakatabas.
Sumikdo ang dibdib nya ng maisip na ngayong araw na pala talaga sya ikakasal. Wala ng atrasan iyon dahil naroon na lahat sa kanyang silid ang kelangan nyang susuotin sa balalapit nilang kasal.
Nanginginig ang kamay nya ng pumasok sya sa loob ng banyo para naligo. Pagkalabas agad syang nagbihis ng wala sa sarili. Lumakbay ang kanyang isipan ng sandaling iyon. Magpaganoon pa man inayos nya pa rin ang kanyang hanggang balikat na buhok. Nilagyan ng hair clip saka naglagay ng simpling make up at natural lipstick.
Isinuot nya rin ang 3inches close shoes na beige. Tinitigan nya ang sariling repleksyon sa malaking salamin sa silid tila sya nagising sa isang panaginip ng makita ang babaeng kaharap nya. Wala na talagang urungan iyon dahil ito na ang araw kung saan ikakasal sya sa lalaking nobyo ng ata nya. At anuman ang gawin nya panakip butas lang sya rito. Napahugot sya ng pagkalalim -lalim na hininga saka kinalma ang sarili at napagpasyahang lumabas na ng kanyang silid at harapin ang kanyang kapalaran sa piling ng magiging asawa nya.
Nadatnan nyang magkausap ang kanyang ina at si Louie.
Napako ang paningin ng dalawa sa kanya ng mapansin ang presensya nya.
Namamalikmata ata sya ng makita ang paghanga ng lalaki sa kanya. Ngunit agad din iyong nawala at pumalit ang mukha nitong bugnutin! Naiinis nyang napatirik ang mata sa kisame ng may tumikhim sa bungad ng main door nila. Dito napatuon ang kanyang pansin.
Isang lalaking kalbo na may dalang attache case ang nakangiti at nakatingin sa kanya ng masalubong nya ang mata nito.
"So,the bride is ready I guess! Let's proceed? "Mungkahi nito sa nakaupong ina at lalaki.
"Sure,judge Fermin! "Nakangiting sagot ni Louie sa lalaki. Sabay pang napatayo ang ina rito na nakabihis rin ng maganda.
Doon nya lang napagmasdan ang lalaki.
Nakasuot ito ng puting long sleeve saka black slacks na teneRnuhan ng black shoes.
Ang gwapo nito para itong si Richard Gomez ng ngitian sya sa unang pagkakataon. Doon nya napagtantong ang lakas pala ng sex appeal nito at aaminin nyang nakadama sya ng kilig ng gagapin nito ang dalawang palad nya sabay hila sa kanya patungo sa harap ng jugde. Tila nawala lahat ng panlalait nya rito ng ngitian sya nito.
Nawala na rin ata sya sa sarili dahil wala syang naintindihan sa anumang pinagsasabi ng kaharap na judge. Tila sya nasa cloud nine at nananaginip.
Lutang ang kanyang isipan dahil sa labis na katuwaan na naramdam nya, ang maiinit na palad ng lalaki sa kanyang kamay. Ang pagpisil-pisil nito sa kamay nya ay naghahatid ng ibayong kasiyahan sa puso nya.
Kahit nagpalitan na sila ng singsing na isusuot sa kanilang daliri lutang pa rin ang dalaga. Sunod-sunuran lang sya sa sinasabi ng jugde maging ang katabing lalaki.
Kung di pa sya masuyong binulungan ng katabing lalaki di nya pa malalaman na tapos na pala ang kanilang kasal!
"Are you alright Danna? "Bulong ni Louie sa bandang batok nya.
"H-huh? A-am ok! "Agap nyang sabi at lihim na binatikos ang sarili.
"Now iha, sign here so that you're officially married to Louie Montemayor! "Malawak ang pagkakangiting turan nito na ikinapula ng kanyang pisngi.
Agad nyang iniyuko ang ulo para itago ang pagkapahiya.
Matapos syang pumirma sa marriage contract nila ang lalaki nman ang pumirma.
"Now I pronounced you as husband and wife! You may now seal the Contract with a kiss! "Ngitig ngiti pa rin nitong sabi.
Kabadong napaharap sya sa lalaki ng kabigin sya nito paharap at gawaran ng magaan na halik sa labi.
Tila di nga iyon lumapat sa labi nya.
Kinamayan pa sila ng judge maging ang ina at kaisa isang witness nila maliban sa judge.
"Congrats to both of you Louie. Sana maging maayos ang pagsasama nyo bilang mag-asawa. "Maluha-luhang wika ng ina nya. Niyakap nya ito ng mahigpit kaya napaiyak na ito ng tuluyan.
"Nay, ok lang ako wag na po kayong umiyak nakakahiya kay Louie" aniya sabay linga sa nakamasid lamang na lalaki.
"We'll celebrate outside. "Narinig nilang wika nito ng lapitan silang dalawa.
"I think di na kelangan Louie. Parating si tatay baka walang madatnan rito. Isa pa di nya rin alam na nagpakasal na ako. "Aniya ng lapitan ito.
Biglang napaseryoso ang gwapong mukha nito.
"Ok, if that's what you want. I'm going back to Manila today. I have lots of work to do. I'll check you from time to time. "Anito saka nagpaalam sa kanyang ina na aalis na rin.
Nagtaka man sa mabilisang pagbalik nito sa Manila at pagbabago ng mood ng lalaki di nya na lang iyon pinansin di nya rin naringgan ng pagtutol ang ina.
Matapos magpaalam umalis na ito kaagad tila gustong magwala ni Danna. Araw ng kanyang kasal tapos iiwanan lang din nman pala sya ng lalaki? Well, anu pa bang aasahan nya sa isang panakip-butas na gaya nya bibigyan nito ng espesyal na attention? Wow! Daig nya pa ang ate nya kung ganun! Sarkastik na susog ng bad side sa isipan nya.
Ang buong akala nya ay... Shit! Bakit ba ako umaasa na mababaling ang atensyon nya sa akin na dapat ay kay Maureen lang!himutok nya sa isip. May inis sa dibdib na pumasok sya sa kanyang silid at nagkulong roon. Iiling-iling nmang napasunod ng tingin ang ina sa kanya.
BINABASA MO ANG
$LOVING YOU SECRETLY
Romance#1-denials #1-selfish #1-giveaway #1-giveup #1-confrontations #1-strange #1-loneliness #1-givenup #5-forced #6-familyproblems #6-missing #7-selfish #8-attractions " Ok, I won't chased her anymore. "Anito na tila ibinitin pa ang iba pang sasabihin. ...