Chapter 41

2.6K 57 2
                                    

       Marahas na napamura si Louie ng bigla nyang maramdaman ang mga kamay ni Maureen sa kanyang dibdib. Naglalakbay iyon pababa saka marahang humahaplos  pataas at naghahatid iyon ng mainit na sensasyon sa kanya subalit mabilis nyang kinontrol ang kanyang sariling libido. Napigil nya ang hininga at naipikit ang mga mata dahil ayaw nyang iintertain ang pang-aakit nito sa kanya.
Di nya namapaghandaan ang ginagawa nito dahil lumilipad ang kanyang isipan  ng mga oras na iyon. Tila gusto nya itong itulak palayo sa kanya ngunit di nya magawa sa kabilang banda.

Wala sa kaharap ang kanyang buong atensyon at pag-iisip kaya huli nya na lamang namalayan na inilapat na pala ng babae ang labi nito sa kanya. Marahan syang hinalikan.
     Pumulupot  ang mga kamay nito sa kanyang leeg at pinigil ang kanyang ulo na makahulagpos sa paghalik nito sa kanyang mga labi.
Tila sya isang tuod na di kaagad nakahuma sa ginawa ng babae. Mabilis ang kilos nito. Ngunit di sya nag-attempt na ibuka or tugunin ang halik nito. Hanggang namalayan nya na lamang na lumuwag ang pagkakayapos nito sa kanyang leeg at unti unti syang pinakawalan ng maramdaman nitong tila isang istatwa ang hinahalikan ng babae walang init at walang buhay.
     Nakatitig lamang sya rito. Di sya nagtangkang magsalita. Di rin naman umiwas ng tingin ang babae. Dahil nakipagtitigan rin ito sa kanya. Nagtagisan ang kanilang nga tingin sa isat isa. Naghahamon ang tinging ibinigay ni Maureen sa kanya. Tila sya hinahamong ipalabas nya ang tunay na nararamdaman nito ng mga oras na iyon.
"So, you really don't enjoy my kisses anymore huh? Before you like a hungry bull waiting for me to make you hot"Ang may halong pang-iinis at pag-iinsultong saad nito.
"Yes. Your kiss is different from my real wife! "Ang madiinan at malamig  nyang wika kay Maureen. Mahina lamang ang pagkakabigkas nya noon ngunit tagos hanggang buto ang mensahing pinapahiwatig nya sa babaeng kaharap. Nagtitimpi lang sya sa kaharap.
"Oh! Really? So my little bitch sister already give her V card  to you, I guess! "Ang mapaklang wika nito saka napahalakhak.
Pinakatitigan sya sa mga mata.
Tila gusto nya nmang sakalin ang babaeng minsan nya din nmang minahal na ngayo'y pinagsisihan nyang nakilala nya pa ito!.
"It's not necessarily if she did or not. It's not good  damn business anymore! What's important is our relationship is better now. So back off and don't try to ruin it! "Ang medyo napataas ang boses na wika nya sa kaharap. Nakatayo pa rin sya sa kanyang pwesto. Di sya nag-attemp lapitan ito ni isang hakbang. Dahil baka magdilim ang kanyang paningin at masakal nya lamang ito.
Bahagya itong napaatras ng pansilikan nya ito ng mga mata.
Nanlalaki ang mga mata nito at napaawang ang bibig dahil sa ipinakitang galit nya sa babae.
Walang salitang nakipagtitigan lamang ito sa kanya. Kung nakakamatay lang ang kanyang titig bumulagta na sana ito kanina pa sa kanyang harapan.

"Louie! How dare you treat your wife like that! We didn't raise you to become rude and disrespectful to your wife! "Ang galit na boses na wika ng ama nya.
Pareho silang napabaling na dalawa sa bungad ng pintuan.  Nakatayo doon ang kanyang mga magulang. Malalaki ang hakbang ng kanyang ama palapit sa kanila. Kasunod nito ang kanyang ina na nakapukos nman ang atensyon kay Maureen na biglang nagdrama pagkakita rito.
     Umiiyak itong napayakap sa kanyang ina. Na agad nmang inalo ng ginang. Niyakap ang babae at bahagyang iginiya paupo sa sofa na malapit sa dalawa.
Napabuntong -hininga na lamang sya at di na umimik sa amang halatang nabubulagan sa nman sa kadramahan ni Maureen.
   Hulog na hulog ang kalooban ng kanyang mga magulang sa babae. Di nya alam kung anung nais mangyari nito ngunit kapag nakaharap ng babae ang mga magulang nya. Tila ito isang anghel na di kayang gumawa ng anumang gulo.

"Dad, it's between me and Maureen! You don't need to be involve here! She's a lying bitch! "Ang inis na wika ni Louie sa kanyang ama.
"Louie! "Ang napamaang na wika ng mag-asawa.
Di akalaing maririnig ng mga ito ang mga katagang iyon sa bibig nya. Nagulat ang mga ito sa kanyang inasal sa harap ng mga magulang. Ito ag unang beses na pinagtaasan nya ng boses ang kanyang ama dahil sa personal nyang problem.
"Mom, please don't get yourself fooled by this lying witch in front of you. She's -"aniyang pinutol ng galit na ina.

"Don't you dare--"ang di rin naituloy na sabi ng kanyang ina dahil biglang sumabad ang kararating na abuela.
"Enough! "Ang dumadagundong na boses na agaw  ng kanyang abuela.
Sabay-sabay pa silang napabaling sa matandang nakatayo na pala sa tarangkahan ng bahay nito.
Walang kangiti -ngiti sa mukhang nagpalipat lipat ang tingin sa kanyang mga magulang at sa kanilang dalawa ni Maureen.
Sa tantya ni Louie may ideya na ito kung anu or sino ang pinagtatalunan nilang mag-anak.
Napahugot si Louie ng mahabang buntong hininga bago sinalubong ang tingin ng kanyang lola.
Ayaw nyang sirain ang gabing iyon dahil sa maliit na bagay na pinapalaki lalo ng kanyang mga magulang. Ngunit sa sitwasyon nilang iyon na nadatnan ng matanda sigurado syang di iyon mapapalampas ng kanyang lola. At di sya nababahala sakaling isawalat nito ang anumang kelangan malaman ng mga magulang nya.
Di nya ito  pipigilan sakali mang ipagtagtanggol sya nito sa mga kaharap. Mas importante sa kanya ang relasyon nilang mag-asawa kesa sa anupamang problemang maging sanhi noon sa kanyang pamilya. He wanted to have his own family. He's been longing for it for a long time. And all Maureen did was cause him pain.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon