Chapter 22

3K 78 2
                                    

"Katrina! "Nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat na naibulalas ni Danna ng malingunan ang kaibigang matamang nakatingin sa kanila ni Louie. Humarap sya sa direksyon ng kaibigan at gayon na lamang ang pagkadismayang nakikita nya sa maganda nitong mukha.
"God! This is so unbelieving! My best friend and my cousin is kissing inside my shops! "Di makapaniwalang bulalas nito.
Biglang uminit ang kanyang pisngi sa sinabi nito. Akmang hahakbang sya para lapitan ito ngunit bigla syang napabalik sa tabi ng lalaki ng di sya nito pinahintulutang makaalis sa tabi nito.
"Jesus! Aren't you are going to fill me up with your relationship? "Nakataas kilay nitong tanong sabay humulakipkip sa isang tabi habang nakasandal sa hamba ng pintuan at di inaalis ang pagkakatingin sa kanilang dalawa.
Pinilit nyang tinanggal ang mga braso ni Louie na nakapulupot sa kanyang katawan ngunit di iyon nagsilbi. Nakadama sya ng pagkahiya at inis at the same time dahil sa nadatnang eksena ng kanyang kaibigan.
Halatang gulat na gulat ito sa nakita kasi di agad ito nakahuma at nakapagsalita. Shocked itong nakatitig sa kanila ng di kumukurap ang mga mata.
"Anu ba! Bitiwan mo nga ako! "Inis nyang asik sa lalaki ng di pa rin sya nito pinapakawalan. Bahagyang nya itong nilinga at pinansilikan ng mga mata ngunit binigyan lamang sya nito ng isang mabilisang halik sa mga labi.
"Louie! "Inis nyang sigaw sa pangalan nito bilang pagprotesta.
"Really base on first name talaga ang tawag mo sa pinsan ko Pauline? Talagang naiintriga na ako sa tunay nyong kaugnayan at lalo lang iyong tumataas dahil sa hindi nyo pagsagot sa mga katanungan ko! "May pakayamot na sa boses ng kanyang kaibigan ng sabihin iyon.
"Sweetie, let her think whatever she wanted to think about us! "Nakangiting saad nito sabay muling hapit sa kanya.
"Don't sweetie sweetie me, I'm not your sweetie! "Inis at yamot nyang singhal dito. Pilit binaklas ang malabakal nitong kamay sa bewang nya.
Tumawa lang ang loko di sya binitiwan kahit na pilit nyang binabaklas ang mga kamay nito sa katawan. Inis nya itong hinarap at pinagsusuntok sa dibdib.
"Shush... Love. Don't hit me, my cousin will only think I'm harassing you here. "Wika nito na ikanagalit nyang lalo.
"I'll swear I'm going to kill you with my bare hands Louie!"galaita nyang pagpupumiglas sa lalaki.
Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya buong akala nya papakawalan na sya nito ngunit di pala.
Pinaharap sya nito sa kaibigan at muling yumakap ang mga bisig nito mula sa kanyang likuran. Hinapit syang lalo palapit sa katawan ng lalaki pasandal sa dibdib nito. At iniligay sabay patong ang baba nito sa kaliwang balikat nya. Napasinghap sya sa ginawa nito. Nakikiliti kasi sya sa hatid ng mainit nitong hininga sa batok nya.
"Jesus Louie! Bingi ka ba?! Bitiwan mo nga ako. Para kang sawa kung makapulupot! "Nayamot nyang singhal sa tumatawang lalaki.
Tinangka nyang muling tanggalin ang malalaking bisig nito sa bandang tyan nya ngunit never iyon pinahintulutan ng lalaki. I'll swear I'm gonna wring his beautiful neck if I get the chance! 'Sigaw ng isip nya. Naririndi na sya sa lalaki.
"See? Todo deny kang di mo ako kilala samantalang sa bibig mo mismo lumabas ang pangalan ko. Di pa naman ako pormal na nagpakilala sayo pero alam mo na ang pangalan ko sweetheart. It only means na talagang kilala mo nga ako noon pa! "Biglang pumormal at may halong sarcasm ang tinig ng lalaki.
Napatda nman sya sa nanulas sa sariling bibig ng lalaki. Ipinahamak nyang lalo ang sarili rito. Napipilan sya at di agad nakapagsalitang muli hanggang marinig nya ang muling pagsalita ng kaibigan.
"What's going on here? Aren't you two supposed to explain to me what's your relation? "Nakataas ang kilay at ubos na ang pasensyang wika ng kaibigan habang papalapit sa kanila. Lalong naguluhan ito sa kakapakinig sa dalawang nagbabangayan ba or naglalambingan pa rin.
Sya nman panay ang subok na tanggalin ang mga kamay ng lalaki sa katawan nya ngunit wala pa ring silbi iyon. Sa inis nya dahil talagang wala itong planong bitiwan sya. Hinampas nya ito ng ubod lakas sa kamay nitong nasa harap ng bewang nya.
"Ouch! "Napasigaw nitong sabi.
"Serves you right! Sabi na kasing bitiwan mo ako! Anu ba!"Hiyaw nya. Naiirita na talaga sya sa lalaki. At di sya natutuwa sa ginagawa nito.
"I won't let you go! Not this time. "Ang matigas na wika nito.
"Louie! "Nayamot at nairita nyang sambit sa pangalan nito.
"Anu ba?! Di pa rin kayo magsasalita kung anung meron kayong dalawa ha? "Ang naiinis na ring sigaw ni Katrina sa kanila. Wala lang man sa dalawa ang sumagot sa tanong nya kanina pa.
"Katrina, meet my long lost wife! "Walang gatol na wika ni Louie sa kanyang kaibigan. Nanlaki ang mga mata nito kasabay ng pag-awang ng bibig nito.
"O-my-God! She's your wife?! Are you kidding me kuya Dale?! How come?I don't understand it."Nanlalaki pa rin ang mga matang naibulalas ni Katrina.
"Yes, she is! It's a long story"Ang biglang naging seryosong tugon nito.
"H-how come? Paanu sya naging wife mo samantalang si Mau -"ang wika nitong di natapos dahil muling nagsalita si Louie.
"Asked your friend kung bakit iba ang nagpakilalang asawa ko noong panahong naaksidente ako. "Pormal at walang emosyon nitong wika. Napayuko sya ng ulo. Ayaw nyang salubungin ang nagtatanong na mga tingin ng kanyanh kaibigan kahit ang nan-uusig na titig ng lalaki.
Napatingin si Katrina sa kanya. Nag-iwas sya ng tingin sa kaibigan. Di nya masalubong ang nagtatanong nitong mga tingin ng sinilip nya ito. Di pa sya handang sumagot sa mga katanungan ng dalawa. Gusot pa ang relasyon nilang magkapatid. Kelangan nya munang ayusin iyon at itama ang nangyari sa pagitan nila ni Maureen. At isa lang ang kelangang nyang gawin, iyon ay gagawin nya sa lalong madaling panahon. Gusto nyang mamuhay ng walang iniisip na problema sa pamilyang kinabibilangan.
"This is not the right time to hear my reason. I'll tell you when the right time comes. "Wika nya patungkol sa magpinsan sabay iwas ng mga mata.
"Please lang bitiwan mo na ako Louie! "Malamig at tila pagod na pagod nyang wika sa lalaki.
Napapabuntong-hininga at napilitan sya nitong binitiwan.
Agad syang humakbang palayo rito sabay lagay ng malaking agwat sa pagitan nila.
"Now, please leave me alone! "Walang nababakas na emosyon sa kanyang mukha ng tingnan ang pintuan senyales na dapat na iyong umalis.
"Alright. I'll leave for now but don't think I'm gonna tolerate this hide and seek games of yours! You're my wife and I'll claim all my rights as your husband! Bear that in mind my strange wife! "Serious nitong wika saka sila tinalikuran at walang paalam na umalis palabas. Narinig na lamang nila ang malakas na pagsara ng pintuang nilabasan ng lalaki.

Nanghihinang napaupo sya sa isang stall chair na nasa tabi.
"Are you okay Pauline? "Nag-aalalang wika ng kaibigan sabay lapit sa kanya.
"Y-yes. Don't worry about me, am fine. "Aniya.
Naglalakbay ang kanyang isipan sa maaaring gawin ng lalaki. Alam nyang ito na ang araw na ikinatatakot nyang mangyari ang magdedemand na magsasama sila iisang bubong at kunin ang mga karapatan nito bilang asawa nya. Di pa sya handa sa bagay na iyon. Maraming bagay syang inaalala lalong-lalo na ang kapatid nya. Paano kapag nalaman nitong muli silang nagkita ni Louie at nagkaayos? Anung gagawin nya kapag muli itong gumawa ng mga bagay na makakasakit sa kanilang lahat? Ah sasakit ang ulo nya sa isiping iyon.
"Pauline bakit mo nilihim ang about kay kuya Dale? "Marahang tanong ni Katrina sa kanya.
Napaangat sya ng tingin sa kanyang kaibigan.
"I have my reason Kat"malungkot nyang saad rito.
"Noong time ba na na meet kita sa training school kasal ka na ba kay kuya noon? "Tanong nito.
Tumango lamang sya sa kaibigang at ngumiti ng mapait rito.
" Oh God! Bakit mo sya iniwan? Bakit ibang babae ang tumayong asawa nya? Di mo ba alam na naaksidente si kuya at ilang buwan syang nakahiga sa hospital bed? "Muling wika nito na may kasamang panunumbat.
Tumango-tango lang sya at di napigilan ang sariling luha na wag maglandas sa kanyang pisngi.
Impit syang napaiyak at napahaguhol. Niyakap ang sarili sa biglang pagbabalik ng masakit na nakaraan. Bumalik lahat lahat ng sakit na nadarama noong panahong iyon. Gustuhin nya mang manatili sa tabi ng asawa noon ay di nya magawa.
"Am sorry Pauline. Di ko nman sinasadyang sumbatan ka. "Pang-aalo ng kaibigan.
"It's ok kat,tama ka naman eh. May kasalanan din nman ako. "Sumisinghot-singhot nyang wika sa kaibigan.
Niyakap sya nito ng mahigpit. Pilit syang pinapayapa.
"Alam kong may mabigat kang pinagdadaanan noon. Di lang ako nangulit na tanungin ka kasi wala ako sa position. Iyong mga mata mo na kapag ngumiti noon di man lang umaabot ang kasayahan sa mga mata mo. Malungkot pa rin ang mukha mo kahit nakangiti ka. Parati kang napatulala at nag-iisip sa isang tabi. Nahuhuli kita kaso di lang ako kumibo at nagtanong noon. Gusto kong ikaw mismo ang kusang mag-open up sa akin ng problema mo. Kaya ka ba sumakay ng barko para kalimutan si kuya? "Tanong nito.
Tango lang din ang isinagot nya. Patuloy sa pagdaloy ang kanyang masaganang luha sa mga mata.
"Hush Pauline... Di ko alam ang pinagdadaanan mo ng time na iyon. Kung anuman ang rason mo hihintayin kong kusa kang magsabi sa akin. Gosh! Bet pa nman kita sa brother ko para maging sister in law na kita ng tuluyan di pala pwede kasi asawa ka na pala ng pinsan ko! "Ang masayang wika nito.
Kahit nalulungkot sya di nya rin napigilang wag mapangiti sa mainit na pagtanggap nito sa kanya.
Mabuti na lang ikaw talaga ang asawa ni kuya Dale at di ang bruhildang Maureen na iyon! Hmmmp! Kala mo kung sinong maganda at matalino. Geez! Di man lang nakapangalahati ang karisma niyon sayo ano?! "Pagtataray na wika nito.
Natawa sya kasi halatang ayaw talaga ng kaibigan nya sa kanyang kapatid. Well di nya rin nman masisi si Kat. Maarte kasi ang kapatid nya at mataas ang tingin sa sarili na pinakaayaw nman ng kaibigan nya sa isang tao.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon