Chapter 13

3K 86 0
                                    

"Chef Auline!"sigaw ng isang lalaki habang hingal pang humabol sa kanya ng lingunin nya ito.
"Yes? What is it this time?" May iritasyon sa kanyang magandang mukha ng harapin ang matangkad na lalaking galing middle east.
"Chef, the captain wants you to see him right away!"anito habang pigil mapahingil.
Lalong nadagdagan ang kanyang iritasyon kung saan nya na planong  bumaba ng barko saka pa may mga taong nakakaantala sa kanyang pagbaba sana.
"Did you know its my day-off today?" Nakataas kilay nyang tanong rito.
"We know it but the captain said you need to see him first!"muling wika ng lalaking di lang man natinag ng pansilikan nya ito ng mata bagkus natawa pa ito ng lakihan nya ito ng mata nya.
"Hmmmp! You cant have your share in my bread later!" Inis nyang turan rito saka tinalikuran ito at naglakad palayo sa lalaki. Ngunit maagap nman syang nahabol ng lalaki. Nakisabay ito sa mabibilis nyang hakbang.
"Chef Auline.. I'll make your  crunchy salad! Trade for the bread, please?"anitong nagpacute pa sa kanya.
"I will think it. You spoiled my day!" Aniya at lihim na nangiti habang muling nagpatuloy sa paglakad patungo sa captain's office.
Agad nyang itinulak ang malaking pintuan ng opisina nito. Tumambad sa kanya ang elegant designed na opisina ng Kapitan ng barkong sinasakyan nya.
"I thought you wouldnt come!"may malawak na ngiti na sabi ng isang lalaking ang edad ay fifty five na. May matikas itong pangangatawan at di pa rin kumukupas ang kagwapuhan taglay nito.
"Do I have a choice?"kunway galit nyang wika rito, itinirik nya pa ang mata nya sa ere.
Natawa nman ang lalaki saka sya nilapitan at hinila paupo sa upuan  na nasa harap ng mesa nito kung saan ito nakatayo kanina.
"What is this all about and it cannot wait till i came back from my day-off?"direkta nyang wika.
"Its about my mother."anito may ngiti sa mga labi.
Tinaasan nya lang ito ng isang kilay ngunit di sya nagbuka ng bibig.
Kaya muli itong nagpatuloy magsalita.
"I want to give her advance birthday surprise!"nagniningning ang mga mata nito ng sabihin ito sa kaya.
"Gosh! Is that all?! I thought this is very important!"nanlalaki ang matang wika nya sa kaharap.
Off nya kapag dumudungka ang barko nila sa ibang bansa. Dahil ang mga guests nila ay bumababa rin para mamasyal at ganun din ang ginagawa nya.
Excited pa naman syang puntahan ang pastry house na na search nya sa internet sa lugar kung saan sila dadaung.
Iyon na ang kanyang routine kapag dadaong ang barko at bababa ang mga pasahero nila para mamasyal sya nman ay abala sa pagtungo sa mga kilalang pastry houses. Nagreresearch sya ng bagong bread na maaaring nyang gawin.
  Sa mahigit three years nyang pagsakay-sakay sa barko. Iyon na lang ang kanyang naging hobby ang libutin at bisitahin ang mga sikat na pastry houses ng ibang bansa. Bibili sya ng products ng mga ito at ini-evaluate nya ang product. Di nman taste ang habol nya kundi ang artistic designed ng mga pastry products.
    Dalawang beses pa lang syang umuuwi ng pilipinas. Noong nagpatayo sya ng sariling bahay sa antipolo sa pinakamataas na parte ng antipolo. Bumili sya ng lupa at pinatayuan nya ito ng bahay.
At ang pangalawa ay ng buksan naman ang business nila ni Katrina. Ang WORLD OF PASTRY SHOP.
Napatingin sya sa lalaki ng magsalita ito uli at muling naagaw nito ang kanyang atensyon.
"I want you to make her a cake!" Wika nitong larawan ang excitement sa tinig.
"Cake lang pala ang kelangan mo captain bakit di mo na lang ako hinintay na makabalik  mamaya?" Napasimangot nyang wika sa lalaki.
"I dont have time iha. Mamaya pag- akyat ng mga bisita natin yun din ang oras ng pagsakay ng mother ko. Kapag muli tayong dumungka sa sunod nating dadaungan bababa na rin sila uli at uuwi na ng tuluyan sa pilipinas. Dinadalaw lang ako ng mama ko at ng aking asawa rito."paliwanag ng kaharap.
"Anung klase ba ng cake ang gusto mo captain Wayne?"aniyang naging seryoso ang mukha sa lalaki.
"Any kind!"anitong pabulalas.
"Sir nman eh. You said it is suppose to be a surprise birthday cake and yet you dont know what kind of cake you want for your mother?"aniyang di makapaniwala sa sagot ng kaharap.
Muli napatawa lang ang lalaki sa sinabi nya para bang di iyon big deal sa kanya.
"I know you iha. You wouldnt disappointment my request. Do a cake that you think my mother will not be disappointed!"anito uli.
Parang gusto nya nman kutasan ang kapitang nasa harapan nya.
"Sir, me and your mother doesnt have the same taste that is why I need to know what cakes she will likes?"aniya.
"Gumawa ka ng cake na never mo pa naipakita sa ibang tao. A strange cake!" Palatak nito.
Nailing-iling nya na lamang ang kanyang ulo sa kaharap. Andito na na nman silang dalawa. Talagang parati sya nitong nilalagay sa isang sitwasyong  wala syang choice kundi gawin iyon.
"Aasahan ko bukas ang cake Auline"wika nito na pinakatitigan pa sya sabay kindat.
"Alright I will do it after I came back from my shopping adventure. Bye bye captain!" aniya na hindi na nya hinintay pa na idismiss sya ng kaharap.
Napapangiti na napapailing na lamang ang ginoo sa inasal nya. Alam nyang nainis na ang dalaga dahil sa pagcut nya ng oras nito sa pagbaba sa barko.
   Naalala nya pa ang unang pagsakay ng dalaga sa barko. Mahiyain ito at aloof sa mga lalaki. Mataray at laging mainitin ang ulo tuwing may magtatangkang manligaw sa dalaga. Mabuti na lang at medyo bumait na ito makalipas ang isang taon ng bumaba ito at umuwi ng pilipinas.
    Secretive ang head chef pastry na dalaga. Di nito tinanggap agad ang posisyon nito na maging head pastry chef noon. Pagsakay kasi nito uli tumaas ang position nito ng magretired nman ang head ng pastry department.
   Pinag-aralan ng board of directors ang position ng dalaga. Ang gawa kasi nitong mga breads at iba pang pastry products na siniserve nila sa mga guests nila ay kakaiba at very artistic ang hugis pwera pa ang lasa nito.
Di nila matutuklasan ang angking talento ng babae kung di nito pinagbake ang mga kasamahan nya. Nakatuwaan nitong gawaan ng kakaibang pastry ang mga iyon sa araw ng mga kaarawan ng kasamahan nya. May isa sa mga kasamahan nito ang nagdala sa kanyang office ng gawa nito at ng araw ding iyon ay nandun lahat ng board of directors ng company para pag-usapan ang nalalapit na pagpasa ng malaking tungkulin sa panganay na apo ng kanyang ina. Ang pamangkin nya. Panganay na anak ng kapatid nyang babae.
   Naimpress ang mga ito ng makita at matikman ang gawa ng babae.  Nag-iisip sila mga sandaling iyon ng pakulo na kailangan nilang gawin para lalong mas lumalakas ang kita nila dahil naaapawan na sila ng kanilang kakompetensya  sa Luxury cruise shipping lines. Kahit pa nga nagpapacommercial sila sa television mababa pa rin ang kanilang lists of guests sa barko.
   Ngayon kung di dahil sa talento ng dalaga di sila ang nangungunang luxury ship sa shipping world. Famous na ang kanilang ship sa kakaibang pastry products design ng dalaga. Mismong ang mga mayayaman nilang mga guests ang nagkakalat ng mga iyon sa ibang tao.
Naglagay rin sila ng bakeshops sa loob ng barko para sa mga guest na gustong mag-uwi ng pastry ng dalaga.
   
  "Hmmmmm, good luck na lang sayo cake!" Aniya habang tinatapos ang paglalagay ng decorations sa gilid noon.
"Para kanino yan chef Auline?" Tanong ni Zack ang isa ring pastry chef na kasama nila sa barko.
"Its captain's cake!" Aniya saka napakibit-balikat na pinagmasdan ang naging outcome ng gawa nya.
"Di kaya maisipan na no captain na itago na lamang yan kapag nakita nya sa sobrang kakaiba?"pilyong sabi ng kaharap.
"Di yan sa kanya sa nanay nya yan na nandito ngayon nakasakay sa barko!"aniya sa kaharap at kinuha ang kanyang smart phone saka kinunan ng pictures ipapadala nya iyon mamaya kay Tinay para makita nito ang new cakes design nya.
  "Chef Ad, paserve nman ito sa mesa nina Captain Wayne. Its time na."pakiusap nya sa kakapasok pa lang na lalaki.
Di nya kasi ugali ang lumabas or makiharap sa mismong guests nila maliban na lang kapag may nagrequests sa kanyang makilala sya ng personal.
    Tumango lamang ang inutusan nya at  may ngiti sa labing pinagmasdan ang cake na dadalhin nito.
"Woww! Kung akin lang ito di ko talaga kakainin tititigan ko na lang!"palatak nito saka maingat na iniaangat ang cake sa mesa.
Napatawang nagkatinginan sila ni Zack.
"Oh sya ikaw na ang bahala dito Zack, rest time ko na ngayon. Dont worry ipagbibake ko kayo mamaya ng Devil cookies "aniya saka ngumiti sa lalaki.
"Dapat lang ilang araw na kaya kami walang panghimagas na kinain dahil di ka gumawa!"anito.
"Kasi papaano ako makagagawa di ako nakabili ng sangkap noon!" Aniyang itinaas ang kamay sabay kaway ng makatalikod at lumabas doon. Nagtungo sya sa kanyang cabin para magpahinga sandali.
Kakatanggal nya lamang ng apron at mataas na chef hat ng may marinig syang kumakatok sa labas ng kanyang pintuan.
May ideya na sya na na di na nman sya makakapagpahinga dahil pinapatawag na nman sya ng kung sino basta nagmamadali ang mga katok sa kanyang pintuan.
"What is it?"walang ligoy nyang turan pagkabukas ng  pinto.
"Captain wants you to go in the dining hall right now"ang wika ng waiter na inutusan ng kapitan.
"Bakit? Di ba nagustuhan ng nanay nya yung cake na gawa ko?"ang kinabahang tanong nya.
"Easy...his mom wants to meet you."nakangising wika ng kaharap.
"Hmmmp! Kala ko kung anung problem sa cake. Wagas ka kasi kung makakatok sa pintuan ko."nainis nyang saad saka tinalikuran ito upang muling isuot ang mataas na chef hat at ang damit nyang puti.
Sabay na silang naglakad patungo sa dining hall ng barko.
Iginala nya ang mga mata sa loob ng eleganteng dining area. Nagkikislapan ang mga damit at alahas ng mga bisita nila. Iba-iba ang accesories na suot ng mga mayayaman nilang guests at nasisilaw sya doon.
   Iginiya sya ng waiter sa mahabang mesa na kinaroroonan ng kapitan. Nakita nya ang isang babae na nasa mid sixties na ang edad. Base sa mukha nito mukha itong istrikto. Kaya may kabang bumundol sa kanyang dibdib. May kahawig ito pero di nya maalala kung saan nya nakita ang kahawig nito.
Tumayo si Captain Wayne ng makita syang papalapit. Sinalubong sya nito saka siya hinila sa tabi ng dalawang babae. Mas bata ang babaeng katabi ng matandang may istriktong mukha.
"Mom, honey..meet our very own head pastry chef, Miss Chef Auline."pagpapakilala ng lalaki sa kanya sa dalawang babaeng bisita.
"So at last we meet the talented chef onboard!"nakangiting wika ng isang ginang na mas bata sa katabi nito.
"Am Alexa,Wayne's wife. And this is my mother in-law. Sianara Montes Samaniego."malambing ang boses na sabi nito sa kanya na may magandang ngiting nakapagkit sa labi nito.
"Nice meeting you maam."masigla ang boses na wika nya sa wife ng kapitan nila.
Inilahad nya ang isang kamay sa ginang na agad nmang tinanggap  nito  saka sya hinila at hinalikan sa pisngi sabay yakap. Nabigla man di nya iyon pinahalata sa babae.
"Nice meeting you too Maam Sianara." Magalang nyang baling sa matanda. Tumaas ang sulok ng labi nito. Seryoso iyong nakatitig sa kanya ng bigla na lamang mapunit ang ngiti nito sa labi.
Para syang nabunutan ng tinik sa dibdib. It just mean wala itong problema sa cake na gawa nya.
"You have a strange talent iha. You amazed and surprised me when I saw my cake!" May tuwa sa boses nitong saad at nagningning pa  ang mata ng sulyapan ang katabing cake na gawa nya. Tila ito isang bata na muling pinagmasdan ang gawang cake. May isang candle syang nilagay  sa dakong bunganga ng bulkan.
    Ang design lang nman niyon ay Erupting Mayon Vulcano na may yellow-reddish color na syrup na nagsilbing lava ng vulcanic cake.
Nilagyan nya rin ang  baba ng bulkan ng mga plastics trees and grasses gaya ng nasa picures ng mayon volcano. Pahirapan nyang ginawang semi pyramid ang cake. Ini-slice nya at pinagpatong-patong para maging bulkan talaga. May butas pa iyon sa gitna kung saan lumabas ang lava syrup. Tanging lava lamang ang ginaya nya di nya na nilagyan ng magma kasi wala syang nakitang maaaring magsilbing magma ng vulcanic cake.
"Thank you po." Aniya sa matanda na medyo nahiya. Dahil nakatitig na ang mata nito sa mukha nya.
"Kung wala pa sanang asawa ang apo ko baka inireto ko na sya sayo!" Napangiting wika nito.
"Mama, Chef Auline doesnt entertain any suitors here! Di nga nakaligaw ang apo mong Si Arthur dyan!"ang napapatawang wika ni Wayne sa ina.
"Oh talaga hon? Bakit iha di ba pumasa sa standard mo ang anak nmin?" Nangingiting tanong ng maybahay ni Wayne sa kanya.
"I dont have standards in choosing a man to love ma'am. Its just that am not allowed to have a relationship with any man because I'm already married."wika nya sa kaharap.
Pili lang ang nakakaalam na married sya sa barkong iyon. Iyun ay ang mga makukulit nyang suitors. Dinidirestsa nya na kaagad. Gustuhin nya mang bigyan ang mga ito ng atensyon di pwede hanggang nakatali pa sya sa kanyang asawa. At iyon ang aayusin nya pagkababa nya ng barko.
"Oh!"bulalas ng tatlong kaharap sa gulat.
Kimi syang ngumiti sa mga ito.
"If you are married why you didnt wear your wedding ring?"tanong ng matandang babae.
Di sya nakahuma sa tanong na iyon. Yun din kasi ang mga tanong ng mga nanliligaw sa kanya na mga kasamahan.
"Its a long story."tipid nyang wika. Nahalata nman ng tatlo na ayaw nyang magkwento sa personal life kaya iniba na lamang ng matanda ang usapan.
"Sayang, gustong-gusto pa nman kita. Maganda ka at mukhang mabait."ani ni Alexa.
Ngiti lamang ang isinagot nya roon. Napailing-iling nman ang kapitan dahil nabigla sya sa narinig na may asawa na ang kaharap. Kaya pala di na ganun ka excited ang anak umakyat muli sa barko dahil binasted ito ng babae.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon