Chapter 40

2.8K 58 0
                                    

"Kuya Louie! "Ang masayang naibulalas na wika ni Katrina.
Ito ang naunang nagsalita ng di sya agad nakahuma sa kanilang kinauupuan.
Bahagya pa syang siniko nito ng nakatingala at nakatitig lang sya sa lalaki.
Kung di pa sya niyuko at mariing hinalikan ng asawa sa mga labi di pa sya makakatinag sa kinalalagyan.
"Am sorry, nasorpresa lang ako. "Ang nahihiyang wika nya sa lalaki.

Tumayo ang katabi nyang si Brown para paupuin ang asawa sa tabi nya. Na agad nmang pinasalamatan ni Louie.
"So, why you're all here? Are you all avoiding the crowds? "Wika nito sa kanilang dalawa ni Tinay matapos umupo sa kanyang tabi.
Hinila pa nito ng bahagya ang upuan palapit sa kanya.  Ipinatong ang isang bisig payakap sa kanyang balikat at bahagya syang hinila palapit sa katawan nito.
Niyakap sya at kinintilan ng halik sa gilid ng kanyang ulo.
   Akmang aayos sana sya sa pagkakaupo ngunit di sya nito hinayaang makalayo sa lalaki.
Inayos nito ang kanyang katawan pasandal sa dibdib nito.
Di pa ito nakontento at pumulupot pang isang bisig nito sa kanyang bewang.
Nang mapasulyap sya sa mga kasamahan sa mesa nila nahuli nyang pawang may lihim na ngiti ang mga ito habang nakasentro ang atensyon ng mga ito sa kanilang dalawa.
"Louie, loosen your grip. We're starting to get attention here! "Ang pasimple nyang usig sa lalaki na ikinatawa lamang nito. Sapat lang sa kanyang pandinig na lalong ikinainis nya sa lalaki.
"Let them be love. Am your husband if you don't remember"Masuyong wika nito ngunit dama nya ang diin ng pagkakasabi noon ng lalaki.
"But not all in this party know am your wife! They'll think am you're mistress if they saw us in this uncompromising position."Ang di nya napigilang wika. Mahina lamang ang pagkakasabi nya noon. Para hindi na umabot pa sa pandinig ng kaibigan.
Marahas syang napabaling dito ng di man lang ito nag-abalang sagutin ang kanyang sinabi.
Bagkus binitiwan sya nito at bahagyang pinaharap rito.
Bago pa man sya makapagbuka ng ng bibig para sana patuloy na paalalahanan ito kinayumos na sya ni Louie ng maiinit na halik.
Wala sa loob na napakapit ang kanyang mga kamay sa leeg nito dahil tila sya mawawalan ng balanse at lakas.
Naghinang ng ilang minuto ang kanilang mga labi. Parehong  naghahabol ng hininga ng bitiwan sya nito.
"Aren't you two are aware that maybe  some people in news Industry are invited and will see you both kissing? "Ang kapwa narinig nilang bulong ni Tinay.
Nahihiyang kumalas si Danna sa asawa at umayos ng upo.
Namumula ang pisnging naiyuko nya ang kanyang ulo.
'Don't be ashamed love. Don't mind Katrina. If someone will see us then it's not our problem anymore. Will just showing our love and affection here. "Ang balewalang bulong ni Louie sa kanya. May halong panunudyo ang tinig nito na ikinalinga nya.
Nanlalaki ang kanyang mata at napaawang pa ang mga labi nyang pinansilikan ito ng mata.
Muli nyang naitikom ang bibig ng makita nyang bumaba ang tingin nito sa kanyang labi.
"Stop it Louie for Pete's sake. We're not going to do PDA again.!"pinanlakihan nya ito ng mga mata na ikinatawa lang nito sabay hila sa kanya muli. At niyakap sya ng mahigpit saka kinintalan ng halik sa noo.
Napahugot na lamang sya ng malalim na buntong hininga.
Pinakawalan sya nito pagkatapos ngunit ang isang kamay namn nito ay nakapulupot sa bewang nya.
Hinayaan nya na lamang iyon dahil medyo may kadiliman sa gawi nila kaya di iyon agad mahahalata ng sinuman kung di ang mga ito lalapit sa kinaroroonan nila.

Napakunot noo si Louie ng pumasok sya sa loob ng bahay ng kanyang abuela.
Hinanap nya sa loob ng bahay ang mga magulang sa kadahilanang pinatatawag sya ng mga ito.
Ngunit ang nadatnan nyang naghihintay sa kanya roon ay walang iba kundi si Maureen. Di nya alam na naririto pa pala ito sa pilipinas.
Mahigit tatlong linggo nya itong di nikita dahil di sya umuuwi sa bahay ng mga magulang.
May sariling condo sya at soon sya natutulog simula ng malaman nya ang katotohanan. Iniwasan nya itong kausapin or makausap simula ng magkagulo sila sa Bicol. Ngayon nya lamang ito muli nakita.
    Ayaw nya ng dagdagan pa ang kaguluhan sa buhay  nya kaya tahimik sya sa ngayon. Pero nakahanda syang usigin ito sakaling gagawa ito ng anumang hakbang na maaaring makasira sa relasyon nilang dalawa ni Danna.
"Louie! "Ang may galak at sayang salubong na wika ni Maureen ng makita syang papasok sa loob ng bahay.
"Where's my parents? "Agad nyang tanong rito ng makalapit ito sa kanya. Akmang yayakapin sya nito ngunit maagap syang umilag na ikinasimangot ng babae.
"Our parents Louie. Don't you ever forget that? "Malambing nitong pagtatama. Napalitan ng matamis na ngiti ang nakasimangot nitong mukha kanina.
Halatang pinaghandaan nito ang gabing iyon. Dahil nagpaganda ito ng mabuti. Or mas tamang sabihing may pinagandahan sa gabing iyon.
Lihim syang napabuga ng malalim na hininga sa kawalan. Saka tumitig rito ng matiim.
"Are you crazy? We're not legally married. And you're not my real wife. So drop the drama, Maureen. Get over it because you can't fool me anymore! "Ang may inis nyang wika rito. Unti unting nabuhay ang galit nya sa kaharap. Ngunit nagpigil sya ng sarili baka makalimutan nyang birthday party ito ng kanyang pinakamamahal na lola.
Napangisi ito saka nagsalita.
"Well, either legally married or not to you. Am still your wife in front of all. They know me since the day you get out from the hospital. So why should I refrain myself not to act as I do before? "Ang wika nitong tila naghahamon.
Tiningnan pa sya nito ng may pagnanasa.
Naipikit nya tuloy ang kanyang mga mata. Bigla syang nakadama ng guilt at tila sya uusigin ng kanyang budhi sa pagtataksil kay danna.
Kung alam nya lang noon na di ito ang kanyang tunay na asawa di nya ito aangkin sa mga gabing gusto nitong makaniig sya.
   Lalong nahulog noon ang kanyang kalooban sa ipinapakita nitong pagmamahal sa kanya. Ngunit ng araw na malaman nyang ipinalaglag nito ang dapat sana ay naging anak nila. Bigla syang nanlamig at tila nawalan ng gana pang makisama rito.
Di sya masamang asawa kaya kahit ayaw nyang pakiharapan pa ito or bigyan ng magandang trato ay di nya ginawa. Ayaw nyang mag-isip ang kanyang pamilya ng anu pa man. Dahil ang tradition sa kanilang pamilya kelangang respetuhin at alagaan ang mga wife kahit pa nga may malaking tampuhan na nangyayari. At never ding pinapahintulutang magdivorce ang mag-asawa sa pamilya nila.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon