Chapter 16

2.8K 77 0
                                    

"Oh sya sige, tama na muna yan mga makikisig na lalaki! Balik muna tayo sa work ha kasi baka mawalan tayo ng ikabubuhay kapag hinarap natin si chef Auline! Back to work guys! "Wika ni Katrina matapos ang kumustahan. 
"Yes chef! "Panabay pang tugon ng mga gwapong tagasilbi sa shop. 
Masayang bumalik ang mga ito sa kanya-kanyang mga pwesto.
Samantalang si Danna ay agad ding sumabak sa paggawa ng mga panibagong ididisplay nilang pastry sa pantry. Ayaw nyang tumunganga na lamang sya roon habang nagtatrabaho ang iba.
Si Katrina naman ay pumasok na rin sa opisina nito at hinarap ang naputol nitong gawain bago sya dumating sya kanina.
Habang nagdedemo ng bagong lulutuin na bread panay din ang tanong ng mga kasamahan nya sa kanya.
"Chef, magstay ka na ba dito for good? "Tanong ni Gray sa kanya.
"Di ko pa alam Gray. "Aniya habang minamasa ang ginagawang dough.
"Sana dito ka na lang chef. Walang nagpapagulo ng araw nmin eh! "Sabi nman ni Dark.
"Let's see kung anung mangyayari sa aayusin ko rito saka nyo pa lang malalaman ang decision ko guys. "Aniya.
"Wish nmin dumito ka na nga chef. "Sabad nman ni Brown.
Napangiti na lamang sya sa mga ito.

Nasa entrance na sya ng batiin sya ng nakaapron na lalaki at may suot na puting mahabang hat na alam-alam nyang ginagamit ng mga chef.
"Good afternoon sir, welcome to the world of pastry.. "Magiliw na bati nito sa kanya.
Tumango lang sya at nagtuloy na pumasok sa loob.
Di nya maiwasang isipin kung bakit di pinagsuot ng kanyang pinsan ang guard na nakapost sa labas. Nakadisplay pa ang magandang katawan nito na tyak nyang pagkakainteresan ng mga kababaihan at mga kabaklaan.
Sumalubong sa kanya ang mga naglalakihang estante ng mga bread.
Napaarko ang kanyang kilay ng mabasa ang mga Pangalan ng mga pastry doon.  Devil cookies, bloody bread, McDonald farm muffins....at marami pang kakaibang pangalan at hugis ng mga displing mga pastry products ng pinsan sa shop.
   Di nya alam na ang parating pinabibili ng  kanyang ina na mga  strange bread ang mga names ay dito lang pala sa shop ng pinsan mahahanap.
  Nahinto lamang ang kanyang pagmamasid ng makarinig ng maiingay na mga teenagers sa bandang taas ng building.  May mga ibang students nman na papasok sa loob at dumaan sa tabi nya. Tinungo nya ang stairs na papuntang itaas kaya napasunod na rin sya ng di nya makita ang babaeng sadya sa loob ng shop.
Pag-akyat nya nagulat pa sya ng makitang marami palang nagsnacks sa itaas ng building. Kanya-kanyang umpukan ang mga students at ibang mga office workers doon. So ito papa ang tambayan ng mga students sa east wood. Nilibot nya ang kanyang pansin sa paligid nakita nyang may nakalagay na signboard sa wall ng shop. "FREE WIFI "
  Napangiti sya sa gimmick ng kanyang pinsan kaya pala sikat at patok ang shop nito dahil kakaiba ang pinaggagawa nitong pakulo.
Bumaba sya ng di makita ang babaeng hinahanap sa itaas.
Kinuha nya uli ang phone at may tinawagan.
"She's not here.  Did you saw her went outside? "Bungad nyang sabi ng sagutin ito ng lalaki
"No sir.  "Agad nitong tugon.
"Damn! Baka nasalisihan na tayo! "Inis nyang bulalas.
Medyo napataas pa ang kanyang boses sa inis.
"Wala nmang lalabasan yun sir kundi dito rin. "Anito uli sa kabilang linya.
"Ok.  Standby outside. Don't leave the shop. "Aniya sabay putol ng tawag.
"Kuya Dale? "Paniniyak na tawag  ng isang babae sa kanyang pangalan mula sa likuran kaya nilingon nya ito.
"Ikaw nga kuya! Sinasabi ko na kilala ko ang tindig na iyan eh. What are you doing here? First time, naligaw ka rin rito sa shop ko! "Malawak ang ngiting wika ng makulit nyang pinsan.
Mabilis itong nakalapit sa kanya at agad umabrisyete ang kamay nito sa isang braso nya.
"I'm just visiting a friend within this area and then I saw your shop Kat. "Aniyang napangiti ng yakapin sya nito saka agad ding kumalas sa kanya.
"Halika ka sa office.  What do you want to eat?  Free of charge kasi naligaw ka rito!"Anito sa kanya ng makapasok sila sa loob ng office nito.
"Nah! Don't bother am not hungry anyway. "Tanggi nya.
"Bahala ka may bagong gawa pa nman ngayon ang chef namin dito. "Sabi nito.
"Oh?  Akala ko ba ikaw lang ang chef dito.  May kinuha kang bago? "Napakunot noo nyang tanong.
"No.  She's my business partner actually at kababalik nya lang from states! She's my best friend si Chef Auline, kabababa nya lang sa barko. "Anitong bakas ang pagmamalaki sa best friend nito.
"Hmmmm, what she looks like? "Wika nyang bakas ang curiosity sa tinig.  Ayaw nyang ipahalatang may hinahanap syang tao sa shop nito . But di nman siguro ang chef na  sinasabi nito ang kanyang inahanap kasi di ito ang pangalan binanggit ng pinsan nya.
"Pretty like me of course! Di nman ako magbebest friend ng pangit. "Napangisi nitong bulalas.
"Hmm, can I meet her?  I'm curious. "Sabi nya rito.
"No!I don't want your nagger wife to  make stupid scenes in  my shop if ever!"wika nito.
"Mamemeet ko rin nman sya sa mga darating na mga araw. "Wika nyang biglang napasimangot ang mukha pagkarinig ng binanggit nito.
"Guess I need to go now.  Say my best  regards to your mom, ok? "Paalam nya. Pababantayin nya na lang ang lalaking pinasunod sa babae kanina. 
Di nya alam kung napansin ng babae na may sumusunod rito kaya bigla itong naglaho.  Malalaman nya rin mamaya kapag nagsara na ang shop ng pinsan nya at hihintayin nya ang pagdating ng oras na iyon. Kelangang makita nya ito sa lalong madaling panahon .

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon