Chapter 14

2.9K 90 0
                                    

"Home sweet home......."ang piping nausal ni Danna sa sarili habang papalabas ng eroplano at dinadama ang hanging dumadapyo sa kanyang balat.
  Tapos na ang kanyang kontrata sa barko kaya nman may dalawang buwan syang bakasyon bago muling sumampa sa barko kapag nirenew nya uli ang kontrata nya doon.
   Hila-hila nya ang kanyang may kalakihang luggage habang papalabas sa arrivals exit ng airport.
    "Pauline! Anak! Nandito ako!" Sigaw ng isang babaeng may katandaan na rin. Kumakaway sa isang tabi para mapansin ng kakalabas lamang na dalaga.
  Nang marinig ni Danna ang tinig iyon ng isang ginang na kilang-kilala nya may pananabik  syang lumingon rito at tumakbo palapit  saka binitawan ang hawak na bagahe ay niyakap ng mahigpit ang matandang babae.
"Nanay Cedez!" Tili nya at pinaghahagkan ito sa mukha ng kumalas sya sa pagkakayakap rito.
"I miss you Pauline. Mukhang di ka na nman nagkakakain ng rice anu?" Agad nitong sita ng pasadahan ang kanyang balingkinitang katawan na ngayon ay mas  lumiit  lalo na ang kanyang bewang.
"Nanay naman alam mo kasi yung chef doon puro meat ang niluluto at ayaw kong kumain ng meat parati!" Reklamo nya sa kaharap.
"Kaya ka masyadong payat eh.! Tingnan mo nga oh. Mas malaki pa sayo ang poste ng meralco sa labas ng airport!"galit-galitan na wika ng matanda.
"Kahit magmukha na lang akong walis tingting nanay Cedez alam kong ako pa rin ang pipiliin mo kesa sa poste ng meralco diba?" Paglalambing nya rito saka bumitiw sandali at hinila ang kanyang bagahe.
"Oo na. Kung di lang kita love makukurot na kita nyan eh."napangiting wika nito.
Akbay nya ito papalabas ng airport ng may tumawag sa kanya.
Nakasuot sya ng shades na may kulay,Jeans at plain huggable shirt saka sport shoes. Simple lamang syang manamit. Tanghaliang tapat ng lumapag sila sa manila airport galing sya sa dubai dahil doon dumaong ang barko nila.
"Miss chef Auline?!"ani ng isang babae sa kanilang likuran.
Bigla syang napalingon sa kanyang likuran ng marinig ang kanyang pangalan. Kaya bumaling rin ang matanda sa likuran nila.
"Ikaw nga! Guys si Chef Auline!" Tili nito at tinawag ang isang umpukan na puro teenagers ata. Babae at lalaki na may dala-dalang ding mga traveling bags ang mga ito.
Bago pa man nya mahila ang matandang nagtataka sa tabi para sana makalabas sila ng tuluyan sa exit ng Airport agad na silang napalibutan at hinarang ng mga teenagers.
"Sya nga si Chef Auline!" Di rin napigilang bulalas ng iba pa.
Di nya nman alam ang gagawin ng oras na iyon Di sya celebrity pero ng mga oras na iyon daig nya pa si Brad Pitt at Angelina Jolie. Di nman sya lumalabas sa tv ngunit ang kanyang mukha ay nakabalandra sa barko nila at sa internet kung saan ginawan sya ng account ni Tinay sa instagram. Kahit anung tanggi nya noon mapilit pa rin ang kaibigang gawan sya. Kaya ginamit nya na rin dahil may minumonitor sya sa kanilang business na nakalagay rin ang feature noon sa account nya. Meron syang sobra sa isang million na followers. Iyon yung mga pastry students at iba pang mahilig magbake at gustong matuto ng iba pang mga pastry products. Nagpopost sya ng mga videos tutorial online for free.
"Ah eh..."di nya malaman ang kanyang sasabihin di sya sanay ng ganito .
"Chef, pwede po kaming magpa-autograph sa inyo?" Saad ng mga ito.
Napakamot syang napatingin sa matandang katabi na naguguluhan na rin sa sitwasyon nya.
"Panu nyo ba nasiguro na ako nga si Chef Auline?"aniyang pinaserious ang mukha.
"Eh kasi kamukha mo po yung chef na nasa instagram."sagot ng isa.
"Oh? Di nga..."aniya pilit nililito ang mga kaharap.
"Ordinaryong ofw lang ako guys! Di ako celebrity" Aniya sa mga kaharap ngunit di nya ata napaniwala ang mga ito.
" Chef nman! Eh tingnan mo nga to oh. Di ba ikaw yang nakangiting chef na may hawak pang wrisk?"sabat nman ng isang babae na chubby.
Napatanga sya sa smartphone na nasa harapan nya.
Kuha nya iyon sa barko di nya alam na ninakawan sya ng stolen shot ni Zack saka nito pinasa sa phone message nya.
Inis na inis sya noon kasi nakatuwaan pa ng mga itong ipost sa facebook at di pa nakuntento na Tag pa sa iba  pa nilang mga kasamahan. Kung di pa sya nagwala at nanakot sa mga ito di pa sana idedelete iyon ni Zack. Isang linggong  di nya kinibo at  pinagbake ng cookies o bread ang mga ito kaya napilitan ang mga itong bumili sa shop ng barko.
"Ah eh..." napakamot uli sya sa kanyang batok ng wala sa oras.
"Alam naming ikaw si Chef Auline kasi kung di ikaw yan never kang lilingon sa amin ng tinawag nmin ang name mo"wika ng isang lalaki.
"Ikaw pa nman ang huwarang chef nmin sa school of pastry!" Sabad pa ng isang lalaking may salamin sa mata.
"Oo na ako na kung ako nga si chef Auline na sinasabi nyo!" Natatawang wika nya sa mga ito at tinanggap ang mga papel na binigay sa kanya para sa autograph.
"Yehey!! Masaya kaming mag-titraining sa singapore chef kasi nameet ka namin ng personal!" Sabi ng tumawag kanina sa pangalan nya. Mga HRM fourth year students pala ang mga ito. Mag-On-The-Job training sa singapore ng dalawang buwan.
Matapos syang magbigay ng autograph nagrequest pa ang mga itong magpapictures one by one pa talaga. Sa dami nila halos sumakit ang kanyang panga sa kakangiti. Panay kasi ang sabi na kelangan nakangiti sya sa pictures para raw magandang tingnan.
   Masayang-masaya ang mga ito. May humalik at yumakap pa sa kanya. Nagpagroup pictures pa sila at si nanay Cedez ang kumuha noon.
Nagtanong pa ang mga ito kung saan sya muling makikita. Napilitan syang papuntahin ang mga ito sa Bakeshop nila na nasa Eastwood matatagpuan.
   Inabot tuloy sila ng hapon sa airport dahil di lang ang mga istudyanteng iyon ang nakakilala sa kanya pati pala ang iba pang naroon ay nagsunuran ng magpapicture sa kanya ang mga students kung di pa sila nagpatulong sa airport staffs di sila nakaalis agad sa airport.
"Huh!grabe naman ang mga iyon iha. Dinaig mo pa ang mga artista kung pagkaguluhan ka nila!" Di makapaniwalang bulalas ni aling Cedez ng makapasok na sila sa van na inarkila nito.
"Kahit ako nga po din nanay di rin makapaniwala sa nangyari. Di ko nman inaasahang may makakakilala sa akin bilang chef!"sabi nya.
"Napagod talaga ako sa mga iyon kaya pagdating natin sa bahay ipagluluto kita ng mga pagkaing wala sa barko para agad kang makapagpahinga!" Anito sa kanya.
"Salamat Inay Cedez hulog ka talaga ng langit sa akin.!" Masayang wika nya sabay yakap rito ng mahigpit.
'"Kow!Ikaw nga ang hulog sa akin ng langit dahil kung di mo ako tinulungan noon sana hanggang ngayon palaboy-laboy pa rin ako sa lansangan."ang naluluhang wika ng matanda.
'"Tahan na po nanay. Nakaraan na yun. Kung saan man ngayon ang mga anak mo na nagtakwil sayo sana di nila maranasan ang ginawa nila sayo."pagpapayapa nito sa matanda.
Nang magpatayo kasi sya noon ng bahay parati nyang nadadaanan ang matanda sa gilid ng daan natutulog at madungis. Nang minsan syang mapadaan uli kung saan ito malimit magstay naawa sya ng natutulog pa rin ito kahit malakas na ang ulan di alintana na basa na ito ng ulan. Naawa sya kaya nilapitan at kinausap nya ito. Nalaman nyang niligaw pala ito ng mga anak nya. Galing probinsya ito at hinatid ng mga anak manila para iwanan lang din dahil pabigat lang raw ito sa mga anak. Malapit na itong mag sixty. Pinagamot nya ang sakit nito na naging dahilan ng pagpapabigat nito sa mga anak.
   Ngayon nga malayo na ang babaeng payat at kulubot ang mga balat noon dahil sa kulang sa pagkain.
Masayahin na ito at maganda na din ang katawan.
Bumata na itong tingnan dahil naalagaan ang katawan nito. Pinapadalhan nya ito ng pera kahit tanggi ng tanggi ang matanda.

  Tatlong araw na syang nasa antipolo. Di pa sya nagpapakita kay Tinay. Gusto nya munang magpahinga ng isang week bago magpakita rito. Dahil di na sya nito hahayaang makauwi pa sa antipolo kapag pumunta sya ng bakeshop.
     Nasa silid sya ng mga oras na iyon at magpapahinga na sana ng mahagip ng kanyang mata ang isang box na nasa taas ng kanyang closet nakapatong.
  Ayaw nya sanang kunin at buksan iyon ngunit tila may tumutulak sa kanyang kunin iyon. May gumuhit na mapait na ngiti sa kanyang labi. Dahil ang laman noon ay magpapabalik lamang ng kanyang malungkot na nakaraan. Nakamove-on na sya ngunit may umuudyok sa kanyang buksan iyon para malaman nya kung nandun pa din ang sakit sa kanyang puso dulot ng memories ng box na iyon kapag hinalungkot nya.
Sa huli sinunod nya ang utos ng isang bahagi ng kanyang utak.
Maalikabok iyon kaya ng hipan nya napaubo sya.
Pagkatapos maingat na binuksan ang kahon. Tumambad sa kanya ang isang lumang smartphone, isang diamond ring na bigay ng lalaki sa kanya engagement ring nya, at mga litratong pinacopy nya noon mula sa phone.
   Wala sa loob na inilabas ang mga laman noon ng may biglang mahulog na kung anu na nakasama sa mga pictures.
Tiningnan nya kung ano iyon at agad dinampot. Nagulat sya, isa iyong  passbook at atm na bigay pa sa kanya noon ni Louie. Nakalimutan nya na iyon kung di nya pa naisipanang tingnan muli ang box di nya maaalalang nasa kanya  pa rin iyon. Matagal na ang humigit tatlong taon kaya di nya alam if active pa rin ang account na yun maliban na lang kung pupunta sya sa banko.
  

   "Sir, she is here." Ani ng isang lalaki sa kabilang linya habang nakasunod ang tingin sa bagong dating na babae sa loob ng bangko.
"Do something to make her stay!"aniya sa kausap may kalakip na inis ang kanyang boses.
"Eh sir,papaalis na ang babae!" Anito bigla sa kanya.
"Damn! Sundan mo kung saan pupunta. I will be there in a  couple of minutes. I'll check the cctv monitor!"galit nyang hampas sa kanyang mesa at nagmamadaling lumabas ng opisina. May pagmamadali syang naglakad palabas ng office.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon