Chapter 19

2.9K 76 0
                                    

"Did you found her? "Ang salubong na wika ng kanyang lola pagkapasok nya pa lamang sa loob ng bahay.
Nasa sala ito at  sya talaga ang inaabangan ng dumating sya.
Napatitig sya rito habang papalapit sabay halik sa pisngi nito ng tuluyang makalapit rito. Pagkatapos inakay nya ito pabalik sa kinauupuan nito bago sya dumating kanina.
"Yes. "Flat ang tonong wika nya.
"And? "Ang sabi nito na bakas ang excitement sa tinig.
"She said she doesn't know me at all. I don't know but I think she's hiding something. "Walang emosyong tugon nya, napakuyom ang kamao sa inasta ng babae kaninang sugurin nya ito.
"Oh! "Ang napabulalas nitong singhap .
"Where you did find her? Is she alright? Is she living alone or does she live abundantly? "Ang sunod-sunod nyang narinig na tanong nito.
"Am not sure if she is living alone but she's Katrina best friend lola. She's a chef in Katrina's bakeshop. And she didn't even take a single penny in the bank! Nor bother to use my damn good money in her account for Pete's sake! She lives her life without my support! That's all I know! Damn she's a stubborn lady!"Aniyang lalong napatiim-baga.
"Jesus! Why we didn't see her there? I always went in their bakeshop!" Bulalas nito sabay takip ng bibig.
Lalong kinabakasan ng pananabik at saya ang mukha ng matanda ng makitang galit na galit ang apo sa asal ng strange wife nito na di pa nya nakikilala ng personal. But she already like the girl's attitude. She likes that she's independent and didn't after the money he's grandson gave her.
Well, ang matanda ang unang nakatuklas noon na di talaga asawa no Dale si Maureen.
Nagpanggap lamang ang babae dahil nga di pa namemeet ng family nila ang totoong asawa ng apo. Kung di  naaksidente ang kanyang apo iyon sana ang time na ipapakilala na ng apo ang asawa nito sa family nila dahil uuwi ang mga silang lahat ng pilipinas kasama ang lalaki.

Tanging silang dalawa lamang ng kanyang lola ang nakakaalam ng bagay na iyon. Galit na galit sya noon ngunit pinayuhan sya ng matanda na wag muna syang gumawa ng anumang hakbang hanggang di nila nalalaman ang dahilan kung bakit nagsinungaling si Maureen sa kanila.
Ito kasi ang nag-alaga sa kanya sa ospital hanggang sa gumaling sya. Malapit rin ito sa kanyang pamilya kaya hinayaan muna ng kanyang lola manatili sa pamilya nila ang babae kahit noon ay gusto ng palayasin ng matanda.
Mabuti na lamang at di talaga ito ang kanyang asawa. Dahil kung nagkataon di sya magdaalawang isip hiwalayan ang babae,makasarili ito. Pinalaglag nito ang dapat sana nilang magiging supling. Buong akala nya ito talaga ang kanyang asawa kaya di maiiwasang may mangyari sa kanilang dalawa dahil nagsasama sila sa isang silid.
Ngunit simula ng pinalaglag nito ang kanilang anak namuhi sya rito. Ni hindi nya na ito muli pang ginalaw or kinakausap kung di kailangan.
Hanggang nga sa matuklasan ng kanyang lola na di pala ito ang real wife na pinakasalan nya noon. Masyado itong selosa. Nasasakal sya sa ginagawa nito. Mabuti na lamang at busy na ito sa malaking hospital sa California.
Head nurse na doon ang babae dahil na rin sa tulong ng pamilya nya.
  Maliban sa magkaiba ang name na nakasulat sa marriage contract nila na nasa pag-iingat ng matanda at nagkita rin ang judge na nagkasal sa kanila noon at ang kanyang lola sa isang party sa America.
Family friend nila ang judge at doon na  nakabase sa ibang bansa. Kinumusta ang bagong kasal na apo sa matanda. Nang mga oras na iyon ay naroon din sila ni Maureen sa party. Itinuro ng kanyang lola ang kinaroonan nilang mag-asawa.
  At laking gulat ng judge ng makitang iba ang kanyang kasama kaya nman biglang nagduda ang lola nya.
Sumunod na araw nagpaimbestiga na ito sa katauhan ng dating kasintahan nya lingid sa kanilang kaalaman. Napag-alaman nito na single pa pala ang babaeng kinakasama nya. At never pa nakasal kaya naman ng masigurado ng matanda na di nga ito ang kanyang tunay na asawa kinausap na sya ng matanda at ipinagtapat ang buong katotohanan sa kanya. Napamura sya ng pagkarami-rami noon. Nasuntok nya pa nga ang desk ng matanda dahil pinagmukha sila ni Maureen ng pagkatanga-tanga. Marami sila ang nalinlang ng babae. Buong akala nila talagang asawa nya ito iyon pala isa itong impostor sa pamilya nila!
Talagang malaki lang ang naitulong ni Maureen sa kanya kaya hinayaan nya muna itong manatili sa buhay nila.
Ito rin kasi ang magiging susi para malaman nya ang totoong dahilan kung bakit ito nagpanggap na asawa nya noong panahon na di nya pa lubos naaalala lahat sa buhay nya. Alam nyang girlfriend nya ito. But may mga ibang detalye ng buhay nya ang di nya maalala noon.
Tanging ang babaeng pinakasalan na lamang ang di nya talaga maalala sa kanyang buhay. Maaari raw bumalik iyon ayun sa kanyang doktor kapag muli nyang makita  at makakasama ang taong konektado sa buhay nya. Paunti unti babalik ang memories nila kapag meron  silang kaugnayan.
Sa panaginip nya may nakikita syang isang babae walang mukha mahaba ang buhok at ramdam nyang kilala nya ito. Maliban roon wala na syang maalala pa. Napahugot sya ng pagkalalim-lalim na hininga sabay buga niyon sa kawalan.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon