Chapter 4

3.4K 84 0
                                    

Nagulat si Danna ng makita ang papasukan nilang shops.
Isa iyong jewelry shop at di iyon pangkaraniwang jewelry shop. Isa iyon sa mga kilalang jewelry pagdating sa mga designer jewelry.
Nag-atubili syang pumasok ngunit dahil hawak sya sa bisig ng lalaki wala syang nagawa kundi ang ihakbang ang mga paa palakad sa istante ng mga naggagandahang jewelry sa loob niyon ng hilahin sya nito.
Huminto sila sa estante ng rings na jewelry.
Nagkikislapan ang mga iyon gawa ng pagkakatama ng ilaw sa diamonds na nakapatong sa taas ng rings.
"Hi sir! Good afternoon, how may I help you? "Ang malambing at may matamis na ngiti na wika ng isang babaeng nakatayo sa harapan nila.
Napataas ang tingin nya mula sa tiningnang jewelry patungo sa nagsalitang sales lady. Nahuli nyang may malalagkit na tingin ang babae sa katabing lalaki. Pinapapungay pa nito ang mga mata sa kaharap na lalaki. 
Napaismid sya ng lihim. Di ba ito nahihiya sa hayagang pagpapacute nito sa kasama nya? Iyon ang una nyang napansin kaya di nya alam na kinakausap na pala sya ng lalaki.
"Love, are you listening to me? "Ang agaw pansin na bulong ni Louie sa kanyang tenga. Bahagya pa syang hinapit sa bewang na ikinaigtad nya.
Napapitlag pa sya ng tumama ang hininga nito malapit sa kanyang punong tenga. Nanindigan tuloy ang kanyang mga balahibo sa batok.
Wala sa loob na napasulyap sya rito.
Gosh! Hihimatayin na ata  ako! Sobrang lapit pala ng mukha ng lalaki sa kanya dahil bahagya sya nitong niyuko.
"H-huh? "Ang utal nyang wika sabay lunok ng laway. Tila nanuyo ang kanyang lalamunan sa tagpong iyon. Bigla syang nakadama ng pag-iinit ng mukha. Dahil tumatama na ang mabangong hininga ng lalaki sa kanyang mukha ng di nya napagtutuunan.
Geez! She's blushing! Ang inis nyang kastigo sa sarili.
"Hmmmm, saan na ba nakapunta ang isipan mo at tila wala akong kasama rito?"anitong tinaasan sya ng kilay. Mataman na syang pinagmasdan ng lalaki.
Tuluyan na sya nitong hinarap. Inangat ang kanyang baba gamit ng hintuturo nito. Iyuyuko nya sana ang mukha para makaiwas sa nanunuot nitong mga titig ng di iyon pinahintulutan ng lalaki.
Akmang babawiin nya ang mukhang hawak nito but di ito pumayag. Bagkus mas lalo pa nitong itinaas ang mukha nya para magpantay ang mukha nila.
"L-louie... "mahina nyang nasambit sa pangalan nito.
"Am happy to hear you know my name love.... "Anitong napunit ang banayad nitong ngiti saka walang pakundangan nitong sinakop ang labi nyang nakaawang ng sandaling iyon.
Magaan lamang ang halik na iginawad nito but tila sya nawala sa kanyang sarili. Kung di pa ito muling bumulong dahil napatulala na pala sya sa pagkakatingin rito di nya pa malalaman na tinapos na nito ang halik.
"Even if I wanted to kiss you all day sweetheart I can't do it. Where here in a shop love.. To buy you a engagement ring"ang may panunudyong wika nito.
Bigla syang napatayo ng matuwid tila nagising sa mahabang at mahimbing na pagkakatulog. Namumulang ibinaba nya ang mukha para iwasan ang nanunudyong tingin nito.
Napapangiti nmang binalingan uli ni Louie ang babaeng nakaawang ang labi at nanlaki pa ang mata dahil sa paghalik nya sa fiancé nya. Napatigagal ito sa kinatatayuan, may inggit na nakalarawan sa mga mata nito.
"Kindly give me that big diamond ring please.. "ang polite nitong wika sa attendant ng shops.
Saglit pang natigilan ang babae bago tumalima.
"O-ok sir. "Anito saka kinuha ang singsing na itinuro ng lalaki.
Pagkaabot nung singsing naramdaman nyang kinuha nito ang kamay saka isunukat iyon sa kanyang palasinsingan na may katamtamang laki na bato sa pinakaulo nito.
Gusto nyang bawiin ang kamay na kawak nito ngunit mahigpit iyong hawak ng lalaki.
Bakit pa kaya nag-abala pa itong bigyan  sya noon eh di nman sya ang mahal ng lalaki kundi iyong ate nya dapat ang pinagbigyan noon! Anas ng utak nya. Gaga ka ba?  Eh ikaw na nga ang kapalit ng ate mo diba so deserve mo yan! Sigaw naman ng isang bahagi ng utak nya.
"Lovely! It fits right on your finger love "masuyong saad nito. Tinititigan sya nito sa mga mata.
"T-thank you... "tangi nyang nasabi saka binawi ang kamay rito at kimi itong nginitian.
"I want a wedding ring too. Then give me the total payment. "Anito matapos itong makapili ng gold wedding ring. Isinukat iyon sa engagement ring nya saka sa daliri rin ng lalaki.
Matapos itong makapagbayad   agad silang umalis roon at nagtungo nman sa isang phone shops.
Nagtaka sya kung bakit dumaan pa sila roon.  Pero di sya nagbuka ng bibig nakasunod lang sya rito dahil hila  sya nito sa kamay.
"Give me the samsung s7. "Anito sa
lalaking nag-istema sa kanila. Kinuha ng lalaking ang phone na itinuro ng lalaki saka iyon inabot kay Louie.
"Do you like this? "Baling nitong tanong sa kanya.
"Huh? Why you're asking me if l would like that? "Ang may pagtataka nyang tanong.
" Because I want To know if you'll like it. I'll buy it for you"Anito.
"Bakit nga? "Tanong nya rito gusto nya ng mapasimangot.
"I want to give you a new phone with a new number. Only my number and your family contacts will restore here. I don't want someone calling you without my knowledge. "Mariing wika nito.
Nanlaki nman ang kanyang mata sa sinabi nito.
Anu raw bibigyan sya nito ng new phone and number? Anu to? di pa nga sila kinakasal gusto na nitong kontrolin ang kilos nya. Akala nya ba may own free will sya sa kasalang ito! Wow naman! Nasaan na yung sinabi nitong di nito dodominahin ang kanyang buhay?Geez! Tila gusto nya itong layasan at pagtaguan kung saan di sya nito makikita kaagad!

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon