Chapter 5

3.2K 77 0
                                        

"What?! Are you nuts?! "Ang di nya napigilang maibulalas sa kausap sa telepono.
"No! Prepare yourself. I'm coming. "Anito saka binabaan sya ng phone.
"Darn! Bakit ganun ang takbo ng utak ng lalaking iyon? Sabi nya next month pa kami ikakasal bakit ngayon nagbago ang  pinagkasunduan nila ng kanyang ina? "Ang naguguluhang kausap nya sa sarili.
Napilitan syang umuwi ng maaga pagkatapos ng last subject nila dahil sa tawag nito. Ang balak na pagrereseach ay isinintabi nya muna. Kelangan makauwi sya ng bahay para masabihan ang ina sa pagbabago ng isip ng lalaki.
  Pagkadating sa bahay bago pa man sya makapasok sa loob niyon at sumalubong na ang ina sa kanya.
"Nay,tumawag ba sayo ang Louie na iyon? "Sambakol ang mukhang tanong nya rito.
"Oo, sinabi nyang kelangan nya raw madaliin ang kasal dahil wala na syang oras. "Ani ng inang medyo nabahala rin.
"Nay,baka pwede nyo syang pakiusapan na wag munang i-move iyong araw ng kasal kasi next week may defence kami sa thesis eh. Saka di ba papauwi si tatay?"Paalala nya rito.
"Iyan na nga rin ang ikinababahala ko eh. Baka malaman nya ito at biglang umalsa ang galit niyon!"May pag -aala nitong sabi.
"Nay, di pa po talaga ako handang magpakasal. Paano yan kapag kinasal na kami eh di magsasama kami sa iisang kwarto saka magbubuntis ako? "Sabi nyang biglang nakaramdam ng takot at bigat ng dibdib.
Tila bigla syang nagkaroon ng pasan-pasan sa balika nya. May gusto pa syang gawin sa kanyang buhay. Di pa nga sya nakakatapos ng pag-aaral at di pa rin sya nakakaranas magtrabaho. Paano nalang kapag nabuntis sya bago magtapos aa kolehiyo? Paano nya ipapaliwanag iyon sa mga tao sa kanila. Secret marriage nga ang mangyayaring kasal nila eh. Kung bakit ba nman problema ng ate nya eh sya pa ginawang panakip butas! Himutok nya sa isip.
"Wag kang mag-alala anak. Pakikiusapan ko si Louie na wag na muna kayong magsama hanggat di ka pa nakakatapos sa pag-aaral "wika nito para mapanatag sya.
"Sana inay pumayag sya sa hihilingin nyo. Alam nman nating panakip butas lang ako ke ate diba? "Malungkot nyang sabi
"Sorry anak kung nadamay ka sa kagagawan ng ate mo. Ewan ko ba kasi doon bakit nakipag compromise na pakasal sa nobyo nito tapos bigla lang rin tinakasan at iniwanan! Di nga natin alam na ikakasal na pala sya kung di pa napasugod dito iyong magiging asawa nya sana di sana ay napaghandaan ko ang mangyayari sakali"May inis na wika ng ina.
"Nay, bakit ba kasi hinahabol nya si ate. Marami nmang babae sa tabi-tabi para pakasalan nya ah.  Bakit kelangan ako pa ang papalit sa pwesto ni ate? "Matamang tanong nya sa ina. Alam nyang may alam ito sa dahilan ng pamimilit ng lalaking pakasal sya rito.
  "Wag mo na lang alamin Danna dahil di mo rin maiintindihan"anito sa kanya. Halatang umiiwas sabihin ang dahilan.
Di nya na ito kinulit pa uli dahil di rin nman magsasalita ang ina.
  Nagpaalam sya rito pagkadaka at pumasok sa loob ng kanyang silid. Wala sa loob na napatingin sya sa singsing na suot-suot nya.
Gusto nya sana iyong alisin kahapon ngunit nagalit ang lalaki. Binalaan pa sya na kapag nahuli nito na wala syang suot na singsing di nya raw magugustuhan ang gagawin nito sa kanya.
Kahit nga ang phone kelangan palaging nakaopen iyon.
Dahil anumang oras tumatawag ito at tsini -check kung nasaan sya at sinong mga kasama nya.
Kapag di nya agad nasasagot ang tawag nito humuhulagpos ang bad temper ng lalaki.
'Hayyy! Kung pwede lang sanang takasan ka Louie ginawa ko sana. Kaso di pa ako tapos ng pag-aaral at tyak si nanay ang pagbabalingan mo ng poot kapag nawala ako! 'Aniya sa isipan.
   Tanging paghugot ng malalim na buntong hininga ang kanyang nagawa ,pagkaraan humugot sya ng malinis na damit pambahay para magbihis.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon