Chapter 23

3.1K 74 0
                                    

      Tatlong araw na ang nakalipas na walang Louie na dumating o nagpakita sa kanilang shop para gambalain si Pauline.
Nakaramdam sya ng ginhawa at the same time nakadama din nman sya ng pagkamiss sa asawa. Di nya malaman kung bakit namimiss nya ito gayong matagal na panahon nya itong pinag-aralang kalimutan para wag mamahay sa kanyang isipan ang momerya ng lalaki.
"Hey! Bakit ba parating nakalock itong baking room natin?"Ang naulinigan nyang wika ng kaibigan habang papasok sa loob ng pinagbuksan ito ni Blue. Naramdaman nyang papalapit ang mga yabag nito sa kanyang kinaroroonan.
"Hi Pau, ikaw ba ang parati nagpapalock ng pintuan natin dito sa baking room? "Narinig nyang wika nito pagkahinto sa tapat nya mismo.
Napaangat sya ng mukha mula sa malaking cake na ginagawan nya ng design, pinagawa nito iyon sa kanya kanina.
Nakita nyang may malawak ang pagkakangiti ng lokang kaibigan ng magtama ang tingin nila, pinagtaasan nya lamang iyon ng kilay saka sumagot.
"Yes. Why? "Aniya saka walang pakundangang muling ibinalik ang atensyon sa cake na ginagawa.  Ipinagpatuloy nya ang naudlot na pag-aayos ng cake. It was a rose design cake na order sa kanila.
"Don't worry wala si kuya Dale dito sa pilipinas ,may out of the country business ito. Kaya wag kang mag-alala di ka nya magagambala nf ilang araw. "Nakangising wika nito na ikinaangat muli ng tingin nya rito.
May pilyang ngiti  na gumuhit sa mga labi ng kaibigan at kilalang-kilala nya ang ngiting iyon ng kaibigan ngunit pinili nya pa ring pabulahanan iyon.
"Anu nman ang ibig sabihin ng mga ngiting iyan aber?! "Ang wika nyang napatuwid bigla ng tayo mula sa pagkakayuko sa table at inuunat ng bahagya ang kanyang likod medyo nangalay na kasi iyon.
"Wala lang. Nakikilig lang nman ako dito.... Baka kasi kapag naligaw si kuya rito bigla ka na lang nya iuwi sa bahay nya at you know what will happen next. "Ang nahagikhik nitong sabi.
"Baliw ka talaga anu! Hala lumayas ka na nga sa harapan ko kung ayaw mong wag ko itong tapusin! "Banta nya sabay turo sa malaking cake na malapit ng matapos.
"Ok, ok! Lalabas na baka tutuhanin mo pa ang banta no eh! Surprise ko yan kay mama mamaya. Its her birthday and you're invited to come with me. "Anito at nginitian pa sya sabay kindat.
"Gusto ka kasing mameet nina mama at papa kasi ikinukwento ka ni Arthur sa kanila. "Wika nitong muli.
"Oh? Akala ko ba sumakay na ng barko si Arthur. "Aniya. Matamang nakatitig sa kaharap na kaibigan. Nagkasama sila ni Kat at Arthur noon sa barko pareho silang baguhan pa lamang na sumakay sa luxury ship. Isang taon nga lang sumakay ang dalawa kasi si Arthur namahala na agad ng negosyo ng family nila.
"Not yet. Pagkatapos ng birthday ni mama saka sya sasakay. "Sabad nito.
"Oh I see ."ang napatango-tangong wika nya sa kaibigan.
"I'll leave you know. Let's close early so we can go shopping and we'll bring these six hunk guys at the party too. "Excited nitong wika sabay kuha ng attention ng apat sa loob.
"Guys! We'll close early to attend my mom's birthday so make yourself presentable! "Anito sabay palakpak.
"Sure ba yan chef Kat? "Tanong ni Dark.
"Yes! Tell others ok. Bye guys see you later! "Masayang paalam nito saka lumabas na ito kaagad.

Gaya ng sabi ni Katrina maaga nga silang nagsara. Around five pa lamang sarado na ang shop nila. Dumiretso sila sa mall at bumili ng kanilang isusuot sa birthday party ng ina ng kaibigan. Bumili din ng damit ang kasama nilang anim na lalaki. Si Katrina ang gumastos sa lahat ng binili ng anim kahit todo tanggi pa ang mga iyon. Early pabunos daw ito ng kaibigan sa anim.
Doon na rin sila nagpalit ng damit nila. Malinis naman yung mga nabili nila kaya isinuot na agad. Matapos makapag-ayos diretso na sila sa party ng ina nito na ginanap sa malaking bahay ng nga magulang ni Katrina.
Di nya pa personal na nakikilala ang mga magulang ng kaibigan. Sina Mr and Mrs Montes. Iyon ang family name na gamit ng dalawang magkapatid.

   Pagdating nila sa bahay nina Katrina di nya akalain na napakalaki pals ng bahay ng mga magulang nito. Aaminin nyang wala syang masyadong alam sa buhay ng kaibigan. Dahil di nman kasi sila parating nagkakasama noon.
Tanging sa condo lang sila magkasama at sa kanilang shop. Noong magbukas ang shop nila walang family member nito ang nakaattend dahil parehong wala sa bansa ang mga magulang ng kaibigan.
Gusto rin kasing ilihim iyon ng kaibigan sa sarili nitong pamilya dahil ayaw sana ng magulang nitong magtayo sya ng bakeshop ngunit mapilit ang kaibigan kaya ng sumakay ito ng barko para makaipon sa puhunan di na ito naawat ng mga magulang nito.
"Red at Gray,  pagtulungan nyo ngang maipasok ang dala nating cake para sa mama ni Tinay,please. "Bilin nya sa dalawang lalaki.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon