Chapter 2

4.8K 109 0
                                    

Wala syang naintindihan sa mga pinagsasabi ng binata habang kaharap ang kanyang ina kasama sya. Puro lang tango ang mga sagot nya rito. Kaya di nya alam kung kelan, saan at kung anu pa ang mga dapat nilang gagawin sa kasalang iyon. Gumulo lalo ang kanyang isipan sa isiping makakasal sya ng di man lang nakakaranas magkaroon ng first boyfriend, first kiss, first date,first heartache?Lahat ng first di nya mararanasan dahil sa kagagawan ng ate nya sya ang magsa-suffer? Napaka unfair nman niyon sa part nya. Di sya makapaniwalang ikakasal sya sa isang lalaking di nya mahal at di sya mahal sa isang iglap lamang.
Ang ina nya na lamang ang nagbibigay suhistyon sa lalaki. Dahil alam nito na di sya makakapag-isip ng tama sa mga oras na iyon dahil di pa ata iyon na absorb ng utak nya.
"Ok. All is settled then. Be sure this time your daughter won't elope or do something foolish! "Ang may babala nitong wika sa kanyang ina bago tumayo.
Napatango lamang ang inang si Susan. Nag-ayos ito ng sarili at tumindig ng maayos ang lalaking katabi nya sa upuan. Sya ay di man lang nag-angat ng mukha rito. Bakit pa? What is the use? Boses din nman nito ang nasusunod sa oras na iyon at sa mga susunod pa na pagkakataon!! Nanatili syang nakayuko at nakatitig sa mga librong nakalagay sa ilalim ng lamesita nila. Ngunit wala nman talaga dun ang kanyang pansin tanging doon nya lang ibinaling ang atensyon nya at di sa katabing lalaki.
Nagulat pa sya ng hawakan nito ang isang kamay nya sabay hila sa kanya patayo sa tabi nito.
"Samahan mo ako hanggang pintuan ng bahay niyo. "Utos nito. Di man lang nakiusap ng maayos sa kanya ang kupal na lalaki.
Parang gusto nyang higitin ang sariling kamay na hawak nito kung di lang iyon magdudulot ng malaking isyu. Nakadama sya ng inis sa lalaking estranghero.
Napasulyap sya sa ina, tumango ito kaya namalayan nya na lamang na hila hila na sya ng lalaki patungo sa pintuan ng bahay nila at lumabas sila.
Saka lang sya nito binitiwan ng nasa tapat na sila ng pajero nitong dala.
Hinarap sya nito saka inangat ang kanyang baba gamit ng isa nitong daliri.
Nagtama ang mga mata nila sa ginawang iyon ng lalaki. Di nya kayang salubungin ang titig ng lalaking nanunuot hanggang buto. Tila sya napapasong nagbawi ng tingin ngunit di nito hinayaang ibaling nya sa ibang direksyon ang kanyang mata.
"Remember, may atraso ang ate mo sa akin at ikaw ngayon ang magbabayad. Di ka masusuot sa sitwasyong ito kung di dahil sa kagagawan ng ate mo! "Saad nito sa kanya.
Napakurap kurap lamang syang nakamata rito di nya kasi alam ang sasabihin sa lalaki.
"Kung di lang ako naka compromised sa family ko . .di ako maghahabol sa ate mo. But don't worry ,I am a considerate man. I won't dominate your life. You have your own free will while we are still married"Sabi nito na biglang naging malumanay ang boses nito sa kanya.
Napapitlag pa sya ng humaplos ang likod ng palad nito sa kanyang pisngi. Saka dahan dahan bumaba mukha nito na ikinalaki ng kanyang mata sa gulat.
"W-what are you d-doing?! "Ang napapaawang ang labing tanong nya kahit pautal-utal ang pagsasalita nya.
"I don't want you to be afraid of me. Soon you'll be my wife. Its normal if I want to claim what I thought was mine....right? "Mahinang wika nito saka sinakop ang nakaawang nyang mga labi.
Nanlalaki at namimilog ang mga mata nyang napatitig sa mukha nito. Gasinong maduling sya sa pagkakatitig rito wala syang pakialam. Tampalasan ang hinayupak na kaharap nya at ti
Napataas pa ang kanyang dalawang kamay sa ere. Di nya malaman kung itutulak ito or hahawakan nya ba ang balikat nito para pigilin sa ginagawang paghalik.
Natauhan lamang sya ng pakawalan nito ang mga labi nya at amused syang tiningnan.
"First kiss? "Ang narinig nyang sabi nito na may kasamang tudyo ang boses.
Dama nya ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa hiya or sa katotohanang ngayon lang sya nakaranas ng unang halik ng isang lalaki at nakaw pa iyon! Ni hindi nya lang man napaghandaan iyon!.
"I like seeing you blushed when I kiss you... "may ngiti sa labing turan nito saka hinaplos ng hintuturo nito ang mamasa masang labi nya.
Nakadama sya ng hilakbot kaya bigla nyang natabig ang kamay nito palayo sa mukha nya.
"Akala ko ba aalis ka na? Bakit tila ayaw mo pang umalis? "ang lakas loob nyang pagtataray rito na ikinapunit ng malawak na ngiti nito sa labi.
"Hmmmm,may lakas ka na ng loob na sitahin ako huh?That only means nakabawi ka na sa bilis ng pangyayari sa pagitan nating...dalawa? "Matamang wika nito. Di inaalis ang tingin sa kanya.
"Siguro nga. Pwede ba umuwi ka na kung aalis ka na. May pasok pa ako bukas ng umaga! "Patuloy sya sa pagtataray para matabunan ang unti-unting pamumula ng pisngi.
Di nya kasi alam kung bakit tila nakikilig sya sa mga nanunudyong tingin nito sa kanya.
Dahil di pa rin ito kumikilos, kaya tinalikuran nya ito ng walang paalam.
Nasa bungad na sya ng pinto ng maabutan sya nito at nahagip nito ang kanyang braso at nahila sya.
"Ganyan ka ba makitungo sa future husband mo? "Anito seryoso. May pigil na galit sa tinig.
"Huh! Anu bang ini -expect mong gawin ko?! Jesus! Kaninang umaga single pa ako ngayong gabi engaged na ako! For God sake!"Ang di nya napigilang maibulalas sa lalaki na ikinataas ng kilay nito.
May inis nyang nilayasan ito ngunit muli rin syang napabalik sa tabi nito. Hawak pala nito ang isang bisig nya.
"Am sorry... love. I didn't mean to make you mad. "Masuyong saad nito saka sya hinawakan sa magkabilang balikat.
Tumingin ito sa kabuuhan ng mukha nya saka nagsalita.
"I don't know what am thinking but I can't help not to stare into your expressing eyes. I like you, you're so innocent.. "Serious nitong saad.
Napamaang syang napatitig sa maiitim nitong mga mata.
"Good night love.... I'll see you tomorrow. "Anito saka sya hinalikan ng magaan at mabilis na halik sa mga labi.
Bago pa man sya makahuma sa ginawa nito nakasakay na kaagad ito sa sasakyan.
Bahagya nitong ibinaba ang windshield ng sasakyan saka idinungaw ang ulo.
"Get inside and have rest. "Wika nito.
Alanganing napasunod sya sa utos ng lalaki.
Di nya malaman kung bakit napapasunod sya nitong gawin ang mga ayaw nyang gawin. Sya ang klase ng taong ayaw magpadomina sa ibang tao. Ngunit sa lalaking ito bakit di sya makatanggi.
Pagkalapat ng pintuan saka nya narinig ang pagharurot ng sasakyang nitong dala.
Wala sa sariling napasandal sya sa nakapinid na pintuan.
Nagulat pa sya ng marinig ang boses ng kanyang ina.
"Umalis na sya? "Matamang tanong nito.
"Opo inay. "Aniyang napatango pa.
"Sorry anak kung nadamay ka sa kagagawan ng kapatid mo. Wag mo na itong sabihin sa ama mo dahil alam mo nmang may high blood iyon."ang may pag-aalalang wika nito.
"Opo inay. Pero inay may sulat pong ibinilin si ate para dun sa boyfriend nya-"aniya na di natapos dahil agad sumalungat ang ina.
"Di mababago ng sulat ang binitiwang desisyon ni Louie anak. Secret marriage nman ang mangyayari eh. Kaya umayon na lamang tayo sa kagustuhan ni Louie. "Pakiusap nito.
"Secret marriage?"ang ulit nya dahil di nya alam ang bagay na iyon.
"Oo. Teka akala ko ok na sayo iyon kasi tumango ka kanina. Mabuti na yun anak para di malaman ng iyon ama ang kinasuungang problema ni Maureen. "Ang napabuntong hininga nitong sabi.
Di nman sya nakaimik. Secret marriage pala ang mangyayari sa kanila. Maigi na rin Siguro iyon para wag ng magkaroon ng anumang komplikasyon ang status nya.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon