Chapter 54

3.3K 61 0
                                    

   Nagising si Danna sa pagtunog ng phone sa loob ng silid. Maingat nyang idinilat ang mga mata sabay kapa ng katabing asawa. Ngunit bakante na ang kinahihigaan nito.
   Bigla syang nadismaya ng wala na ito sa tabi ng magising sya. May inis syang nadarama ng bumaba sa kama at hanapin ang phone na kanina pa walang tigil sa kakaring.
     Di nman tunog ng cellphone iyon kundi house phone. Nang di nya ito mahanap sa loob ng silid. Nagtuloy sya sa labas dahil nakabukas ang pintuan ng silid ni Louie.
     Sinundan ang tunog ng telepono. Nang maparaan sya sa isang silid na bahagyang nakaawang. Napag-alaman nyang doon nanggagaling ang tunog ng phone. Katabi lamang iyon ng silid ng lalaki. Nagpalinga linga pa sya sakaling lumabas ang lalaki para sagutin iyon kung nasaan man ito ngunit ni anino nito di nya nakita.
     Dahil di pa rin tumitigil ang pagring noon. Tinulak nya ang pintuan para bumukas ng malaki saka may pagmamadaling sinagot ang phone. Marahil importante ang kelangan ng tumatawag sa phone.
"Yes, hello? "Masuyo nyang sagot ng angatin ang cradle ng phone.
"Who's this? Why are you there in my son's condo? "May iritasyong wika ng boses ng isang babae sa kabilang linya.
Sasagot sana sya ng may biglang umagaw ng phone mula sa babaeng kausap. Ilang sandali pa ang hinintay nya saka muling may nagsalita sa phone. Ibang boses na ang kausap nya.
"Hi, I am Louie's grandmother. How are you child? Pardon my daughter's in laws rude behavior darling. Could you please give the phone to my grandson? I would like to talk to him. I know you're Louie's wife. Danna right? "Malambing nitong wika.
"Y-yes ma'am. Just wait for a moment. I'll search for him. I don't know where he is right now.  If you can wait till I go get him?. "Pormal nyang tugon rito kahit bahagyang nasaktan sa sinabi ng unang nakausap nya kanina.

"It's alright dear. I can wait. Go on and get his ass on the phone."nakangiti nitong wika na bahagya pang napatawa sa tinuran nito.
Di nya nman napigilang wag mangiti sa sinabi ng matanda.
"And please do call me grandma. We're family now child. "Muling saad nito.
"O-ok g-grandma if that's what you want. "Ang medyo asiwang naimutawi nya bago inilapag ang cradle sa tabi ng mga papeles na nasa taas ng mesa kalapit ng phone. Sigurado syang office iyon ng lalaki.
Gusto nya pa sanang suriin ang loob niyon ngunit naalala nyang nasa kabilang linya ang lola nito. At hinintay nito ang apo para kausapin. Alam nyang di lang ito basta napatawag ng walang dahilan.
      Nilisan nya ang office saka hinanap ang lalaki. Past eight in the morning na. At medyo kumakalam na ang kanyang sikmura.
Nang malapit na sya sa bungad ng kitchen nito. May naamoy syang mabango na niluluto doon. Lalo syang nakaramdam ng gutom. Hotdog, bacon at egg ang magkahalong amoy na agad nasamyo ng kanyang ilong.
Bago pa man sya makapasok roon agad na syang napuna ng lalaki. Huminto ito sa ginawa at mabilisang pinatay ang apoy sa kalan.
Nakasuot ito ng sleeveless shirt na puti at boxer short na itim na pinatungan nman nito ng red apron. Ang cute nitong tingnan. Di nya  tuloy napigilan ang mapangiti ng lihim.
"Good,  you're awake. Come here and take a seat. I'll prepare the table so that you can eat your breakfast love. "Nakangiti nitong wika sabay salubong sa kanya. Di sya nito hiniwalayan ng tingin. Nakadama tuloy sya ng pagkailang ng mapansing ang suot suot nya. Malaking t-shirt pala nito ang ginamit nya  na umabot ang laylayan sa kalahati ng hita nya.
Well di nya alam kung paano sya napunta dito sa condo ng lalaki. Dahil sa pagkakaalam nya nasa hotel sya kagabi ni Lewis. Marahil tinawagan ito ng lalaki kagabi ng makatulog sya sa sofa ng hotel room nito. Mas lalo pang lumawak ang ngiti nito ng mapansing di sya comfortable sa titig nito.
Tila biglang napasirko ang kanyang puso sa ngiti nitong 1000 watts.  Halatang maganda ang umaga nito base sa ngiti nito. Dahil napapasipol pa ito kanina bago sya pumasok ng kitchen.
Agad sya nitong hinapit sa bewang at marahang hinalikan sa mga labi ng makalapit sa kanya ng tuluyan.

Naghugpong ang mga labi nila ng ilang sandali bago sya nito pinakawalan saka maingat na inakay palapit sa mesa. Hinugutan sya nito ng upuan at pinaupo. Walang salitang napasunod sya sa nais nito.
"Just sit there and I'll serve your food. "Malambing nitong wika saka pinagsilbihan sya.
Maliban sa fresh juice na inilapag nito sa harapan nya. Meron din fresh milk, fresh cut assorted fruits, toasted bread and etc. Napansin nyang puro healthy foods ang inihain nito para sa kanya. Di nya napigilan ang pamimilog ng mga mata sa ginawa nito.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon