Chapter 31

3K 77 0
                                    

  Medyo madilim na ng magising si Louie.  Nagulat pa sya ng makita ang babaeng katabi na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi. Saka nya naalala ang mainit na naganap sa pagitan nila ng strange wife.
Di nya akalaing sya ang nakauna rito. Akala nya di na ito virgin base sa sinabi nitong may lalaki ito sa buhay nya kanina.
'Damn! Kung nagkataong nakita nyang magkasama ito at ang lalaking sinasabi nito baka napatay nya na iyon ng walang pag-aalinlangan. Batid nyang nilamon na ng selos ang kanyang utak ng marinig ang sinabi nito kanina sa kanya. Kulang na nga lang magwala sya pagkarinig na may iba itong lalaki.
Ngunit nagulat sya ng malamang buo pa rin ang pagkababae nito hanggang kaninang angkinin nya ito ng ganap.nagsinungaling lamang pala ang babae sa kanya. At alam nyang wala din itong mga anak gaya ng sinabi nito.

Pinagmasdan nya  ng maigi angbmukha ng natutulog na asawa. Mula sa kilay nito pababa sa mahahabang pilik-mata  hanggang sa ilong nitong katamtaman lamang ang taas.
Dumako ang mga mata nya sa bahagyang namaga nitong mga labi dahil sa marahas nyang paghalik kanina dito. Di nya napigilan maging gentle dito kanina habang inaangkin ito. Iba ang epekto ng asawa sa kanya at tanging dito nya lamang naramadaman ang di nya naramdaman kay Maureen tuwing nagtatalik silang dalawa. Kapag nagkakalapit ang kanilang katawan madali syang pag-initan ng pakiramdam. Pinapainit sya nito agad kahit wala itong ginagawa.
Never nyang naramdaman ito sa kapatid nito or sa kahit kaninong babaeng naikama nya dati.
Aaminin nyang naninibago sya sa nararamdaman nyang ito sa babae. Actually unti unti nya ng naalala kung paano sila unang nagkita. Bilang lamang ang mga sandaling nagkasama sila. Kung tutuusin wala silang sweet moments. Tila ba pahapyaw lamang ang kanilang koneksyong dalawa. Well busy sya noon sa kanilang negosyo.
At ng unang magkita sila ay ng sugurin nya ang bahay ng mga ito, nagulat pa sya ng makita ang babae roon. Napakaamo ng mukha nito at ng mismong araw na iyon ay nakuha na nito ang kanyang buong atensyon.
Ang galit na naramdaman nya sa kapatid nito ay biglang humupa.
At nasabi nya noon na di nya ito hahayaang makawala pa sa kanyang paningin kaya ito ang hiningi nyang pabor sa ina nito.
Alam nyang sa unang pagtatama ng mga mata nila may kakaiba na itong pitak sa kanyang puso.
Sa bawat pag-iiwas nito noon lalo lamang syang nananabik na maangkin ito ng tuluyan.
Pinigil nya lamang noon ang sarili dahil nag-aaral pa ito at sa pakiusap na rin ng ina nito noon.
Napabuga sya ng malalim na buntonh hininga saka ipinagpatuloy ang pagmamasid rito. Di nya napigilang haplosin ang mukha ng natutulog na asawa.
Ang dati nitong mahabang buhok ngayon ay maigsi na. Lalong nagpalabas iyon sa kakaibang taglay nitong kagandang. Simple man itong manamit di gaya ng kapatid nito ngunit litaw pa rin ang natural nitong ganda.
At mas lalo pa syang nabibighani sa kanyang asawa sa nakalipas na mga taong di nya ito naalala.
Napangiti sya ng maalala ang unang beses na hinalikan nya ito noon sa labas ng bahay ng ina nito. Ganun na lamang ang pamumula ng pisngi nito at lalong nanabik syang tuluyan angkinin ito at isama sa kanyang pagbabalik sa Manila.
Siguro mayron na silang mga anak kung di sya naaksidente at niloko ni  Maureen noon. At siguro di sila nagkahiwalay na dalawa. Matututunan rin kaya syang mahalin ng asawa nya kung di sila nagkalayong dalawa? Ang naitanong nya sa isipan.
Itinaaas nyang muli ang kamay para haplusin ang mukha nito ng bigla itong gumalaw patalikod sa kanya. Mabilis nyang binawi ang kamay bago pa man ito dumilat ng mata at mahuli sya. Ngunit di ito nagising or nagmulat ng mata bagkus nahimbing pa itong lalo sa pagtulog. Kaya muli syang ngumiti at niyakap ito mula sa likuran saka hinila ito palapit sa kanyang katawan. Isiniksik lalo ng babae ang katawan nito sa kanya kaya may ngiti sa mga labing ipinikit nya ang mga mata at gapiin uli ng antok.

Biglang nagising si Danna ng may dumantay sa kanyang paa na mabigat na bagay. Napakabigat  nman ng bagay na nakadagan sa kanyang paa. Nagpilit syang gumalaw at pilit kumuwala room ngunit may mga bisig namang nakayapos sa kanyang bewang. Bigla syang nataranta sabay mulat ng mata at napalingon sa katabing natutulog sa kama.
Di sya nag-iisa sa loob ng silid! Nabahalang sigaw ng isipan. Medyo disoriented pa sya. Di pa tuluyang nagising ang kanyang diwa. Sisigaw na sana sya ng sa paglingon nya mukha ni Louie ang kanyang nabungaran. Nakalimutan nyang nasa hotel sya kasama ng lalaki.
Mahimbing itong natutulog saka nya naala ang mainit na  naganap sa kanilang dalawa kanina.
God! She just lost her virginity to him.
Namula ang kanyang pisngi ng maalala kung paano sya napaligaya nito.

Di nya ata  kayang salubungin or harapin ang lalaki sakaling magising ito. Kaya bago pa man ito tuluyang magising nagpasya syang iwanan ito at mabilis na lisanin ang hotel na iyon.
Di pa sya handang humarap dito  at alam nyang maraming mga katanungan ang lalaki pagkagising nito mamaya. Wala syang lakas ng loob para harapin ito. Nalilito sya na nahihiya dahil sa ipinagkanulo sya ng kanyang pagmamahal rito. Traitor ang kanyang sariling katawan. Agad itong bumigay sa lalaki. Ganun na ba sya kalambot pagdating rito. Di nya man lang nakontrol ang sariling damdamin para dito. God! So embarrassing! Hiyaw ng isip nya.

Marahan nyang inalis ang bisig nitong nakayapos sa kanya saka umisod sa dulo ng bed.
Nang makababa sa kama hinagilap nya ang mga nagkalat nyang mga damit at tinungo ang banyo.
Mabilisang nagbihis matapos maghilamos at maingat na  naglakad palabas ng banyo.
Walang ingay na binitbit ang luggage nya palabas ng hotel room. Pagkatapos mabilis nyang nilisan ang hotel kung saan iniwan nya ang mahimbing na asawa.
Habang lulan ng taxi tumawag sya sa airlines center para magpabook ng flight. 7:30pm pa lamang at ang naipabook na flight at ten pm kaya matapos dumaan sa isang restaurant para kumain muli syang nagpahatid patungo sa airport at doon na nagpalipas ng oras.

Ini-off nya rin ang phone dahil sigurado syang tatawag ang lalaki although di nya alam kung nakuha nito ang kanyang phone number.

Nagkasalubong ang mga kilay ni Louie ng wala syang makapa sa kanyang tabi. Kahit ayaw nya pa sanang magmulat magmulat mata napalitan sya. Bigla syang kinutuban ng di nya mahagilap sa loob ng silid ang asawa.  Napabalikwas sya ng upo at pinakiramdaman ang paligid kung may senyales na naroon pa ito.  Nang maramdang mapakatahimik ng paligid mabilis syang napalabas sa silid palabas sa mini sala ng hotel room.
Napatiim baga sya sabay kuyom ng kamao ng di mahagilap ng kanyang mata ang luggage ng asawa na iniwan nya sa sala kanina.
Kung bakit di sya agad nakagising sana di sya natakasan ng magaling nyang asawa.
Yamot na dinampot nyang phone at mabilis na din-ial ang numero ng kanyang private pilot. Sending his private chopper to take him back to Manila.
Nagpupuyos ang kanyang kalooban. Di nya akalaing lalayasan sya ng asawa matapos may mangyari sa kanila kanina. Akala nya magkakasundo na sila at maaayos na ng tuluyan ang gusot sa kanilang dalawa. Nagkamali sya dahil matigas pa rin ito kahit naisuko na nito ang sarili sa kanya kanina.
"Shit!danna humanda ka kapag nagkita tayong dalawa sa dahil di ako magiging gentleman this time! "Nagpupuyos nyang bulalas habang inaayos ang sarili.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon