Chapter 26

2.8K 66 0
                                    

  Bago magtanghali ay lumapag na ang eroplanong kinalulunanan ni Danna sa bicol airport.
Mabuti na lamang at may advantage ang pagiging famous chef nya sa social networks. Kundi baka di agad sya nakabili ng ticket pauwi ng bicol.
    Nakalabas na sya ng airport at ngayon nga ay Lulan ng taxi pauwi sa kanilang bahay. Nakamasid sya sa daang tinatahak ng taxi patungo sa kanilang lugar.
  Maliban sa mga nadagdag na mga bagong building sa daanan. Wala ng nabago sa kanilang lugar.
   Di nya akalaing mamimiss nya ng sobra ang hometown na kinalakihan nya. Kung di dahil sa kanyang kapatid di nya lilisanin ang lugar na kinalakihan.
     Siguro kung di sila nagkaroon ng ugnayan ni Louie maaaring may sarili na syang business or pamilya. Baka naging maayos ang buhay nila sa bicol. Baka di sya kinamuhian ng kapatid. At si Louie baka naging bayaw nya at di asawa.
    Tila biglang may kumirot sa kanyang puso ng maisip na si Louie ay magiging bayaw nya? Kung magkaganoon man ganun pa rin kaya ang kanyang mararamdaman sa lalaki sakali? Baka magkasala lang sya kapag pagnasaan nya ng lihim ang bayaw.
       Marahas syang napabuga ng hangin mula sa dibdib. Iwinawaglit ang masasamang isipin para sa lalaki.
Pero tila umuukilkil ang magandang mukha ng lalaki sa kanyang isipan at tila sya sinusubukan na ewan.
Kung di kaya umalis ng bansa ang kanyang kapatid noon magkakaroon kaya  agad sya ng mga pamangkin sa dalawang iyon? Wala sa sariling tanong nya sa sarili.
   Bigla syang napahumindig sa isiping magkakaanak ang dalawa. Oh God! Baka nagkaanak na nga silang dalawa sa loob ng tatlong taong pagsasama ng mga ito bilang mag-asawa. Di impossible mangyayari iyon dahil buong akala ni Louie eh asawa nito si Maureen saka ito ang girlfriend nito na minahal. Well, anu pa nga ba ang ginagawa ng mag-asawa di ba ang magmake love and produce a baby? Pamimilosopo ng isang bahagi ng isip nya sa kanya.
Di nya kayang tanggapin sa sarili na may anak or mga anak si Louie sa kanyang ate Maureen. Tila magugutay-gutay ang kanyang puso kapag nagkataong nabuntis at nagkaanak nga ang asawa nya sa kanyang sariling kapatid. At anu ang itatawag ng mga anak nila sa kanya? Step mother-tita?! Nakangangang nyang bulalas sa kawalan.
   Kapag nagkataon ngang malaman nyang may anak ang mga ito. Walang pag-alinlangang o pagdadalawang isip nyang ipaannull kaagad ang kanilang kasal sa ayaw at sa gusto ng dalawa.
   Ayaw nyang maging hadlang sa magiging buhay ng kanyang mga pamangkin sakali. Bakit ba di nya iyon naisip ng umuwi sya rito. Kawawa nman ang mga pamangkin nya sakaling nakabuo ang dalawa!
Biglang umalsa ang galit nya para sa dalawa! Mga taksil! At ngayon nga ay may madadamay pang mga inosenteng mga bata. Sigaw ng kanyang isipan.
Gosh! Ayaw nyang kamuhian din sya ng mga pamangkin sakaling malaman ng mga ito ang katotohanan. At ngayon nga namumuhi sya sa dalawa! Ayaw nya ng mapalapit pa sa mga ito simula sa araw na iyon. God, ayaw nyang magkasala. Kaya nakapagdesisyon na syang tuluyang putulin ang kanyang kaugnayan sa dalawa.
Di pa nman huli ang lahat para maayos nya ang gusot sa pagitan nilang tatlo alang alang sa mga anak ng mga ito. Kapag mapaannul nya na ang kasal nila ni Louie ay malaya na ang mga itong magpatuloy sa kanilang buhay na nabuo.
Teka, baka nman wala pa silang nabuo na silang supling dahil wala nmang nababanggit ang kanyang best friend na may pamangkin na ito sa dalawa. Ngunit who knows e nagmamahalan nga ang dalawa iyon diba? So di malabong magbunga ang pagmamahalan ng dalawa.
Tila sya tinarakan ng matalim na punyal sa dibdib sa isiping may tatawag na daddy kay Louie at kamukha din nito ang bata. Nakadama sya ng kirot sa kanyang puso bigla din syang nanlanta sa isiping may anak ang lalaki sa kanyang ate. At di nya mapigilang makadama ng selos. Sana sa kanya na lang nagkaanak ang asawa at di kay Maureen. Anang greedy nyang isipan.
Di nya makakayang isipin na nagkaanak ito sa kapatid nya. Masakit tanggapin iyon para sa kanya. God kung totoo nga baka tuluyan na syang manatili sa ibang bansa at never ng bumalik pa uli dito sa pilipinas hangga't di nya nabubura sa kanyang puso ang lalaking lihim na minamahal.
  Tatlong taon ang mga itong nagsama baka dala ng kapatid ang anak ng mga ito nitong umuwi ito sa bansa kaya walang naikukwento ang kanyang kaibigan.
God! Di pa sya handang tanggapin iyon sakaling tama ang hinala nya. Bakit ba kasi di sya nagtanong kay Tinay kung may anak na ang mga ito ngunit kahit ito wala din atang alam if may anak nga ang dalawa. 
Iyon ang malaking bagay na di nya naisip bago umuwi ng Pilipinas. Ang tanga tanga nya talaga! Inis nyang turan sa sarili habang lulan ng taxi. Mabuti na lamang at tila di sya pansin ng taxi driver sa harapan.
  Kung magkagayon man kinakailangang nya ng umpisahang ayusin ang mga kailangan nya para sa annulment para matapos na iyon. Magpakatatag na lamang sya kapag nangyari iyon at tatanggapin ng maluwag sa dibdib na di kailanman magiging kanya ang lalaki kahit ang pagmamahal nito para sa kanyang kapatid. Maaaring kaya sya nito nilalapitan ngayon para di nya maisip na sampahan ng bigamy ang dalawa.
'Urggghhh! Stop it! 'Ang inis nyang hiyaw sa isipan. Lalo syang nakadama ng sakit sa ulo sa kanyang mga naiisip. Tila mabibiyak iyon sa maraming gumagambala sa kanyang isipan.
     Nagulat pa sya ng huminto ang taxi sa mismong harap ng kanilang gate.
Napatulala pa syang napatingin sa kabuuhan ng kanilang malaking bahay. Di nya alam na  nagpalagay ang mga magulang ng second floor.
    Nag-eexpect siguro ang kanyang tatay na di malaon magkakaapo na ang mga ito or baka nga meron na talaga kapag umuwi si Maureen dito sa bicol kasama ang mag-ama nito. God, di nya kakayaning makaharap ang mga ito doon. Sisikip ang bicol para sa kanilang tatlo!
Speaking of Maureen. Bigla syang nabahala sa isiping baka malalaman nitong nandirito sya sa bicol. Naisip nyang wala syang pakialam kung magalit man ito sa kanyang pag-uwi. May sakit ang kanilang ina kaya normal lang na bisitahin nya ito.
"Ma'am bababa na po ba kayo? "Ang mahinang untag ng driver sa kanya ng makitang tila wala syang balak bumaba no tuminag sa kinauupuan sa loob ng taxi nito.
"S-sorry manong. Ito po ang bayad. Sa inyo na din po ang sobra. Pinaghintay ko po kasi kayo. "Aniya sabay abot ng isang libo rito sabay bukas ng pintuan ng sasakyan.
Ngumiti ito sa kanya at nagpasalamat. Tipid na ngiti lamang ang isinukli nya rito saka bumaba at inilabas ang maliit na traveling luggage.
Wala syang planong magtagal rito baka biglang umuwi ang kapatid nya at magkasagupa na nman sila doon.
Kapag masigurado nyang maayos ang kalagayan ng ina agad din syang babalik sa Manila.
May malaking event silang gagawan ng cakes ayun kay Tinay ,next week. So kelangan makabalik sya agad doon para matulungan ito.
     Nag-aalangan pa syang pumasok sa loob ng gate nila. Bahagya iyong bukas kaya pinihit nya na lamang ng kunti tama lamang makapasok sya sa loob.
Nagitla pa sya  ng makitang naroon pa rin ang kotse na bigay sa kanya ni Louie noon.
So kung nandito pa ang sasakyan di malalayong nandito rin ang driver noon.
Ngunit wala syang makitang tao sa labas ng kanilang bakuran.
Namangha sya sa malaking ipinagbago ng bahay nila.
May maliit na swimming pool sa tabi. Kurbang paa iyon at ang buong paligid naka landscape na din. Maraming ibat ibang bulaklak sa paligid na nakatanim na alam nyang alaga ng kung sinuman sa bahay nila.
    Dahan dahan syang naglakad sa pathway na talagang pinasadya para di masira ang Bermuda grasses sa tabi noon.
Bukas ang kanilang main door. Tahimik ang buong paligid. Siguro nasa ospital si Dedeth aniya sa isipan habang papasok sa entrance ng kabahayan.
Nasa bungad na sya at akmang ilalapag ang hila hila na luggage trolley sa loob ng may biglang dumapo sa kanyang pisngi.
Lumagapak ng malakas ang palad sa kanyang kaliwang pisngi. Halos matabingi ang kanyang pagmumukha sa kabilang side sa sobrang lakas ng pagkakasampal sa kanyang mukha. Agad syang napahawak sa nasaktang pisngi at napaangat ang tingin sa taong sumampal sa kanya.
Hawak ang nasaktang pisngi galit syang napatitig sa mata ng taong nakatayo sa kanyang harapan. Ganun na lamang ang pagkamangha nya ng mapagsino iyon.
"Ang kapal kapal din nman ng pagmumukha mong magbalik at magpakita pa rito anu?! "Ang galit na singhal ni Maureen sa kanya. Tila ito may dalawang sungay sa noo ng tingnan nya.
Gulat, sakit at pagkabigla ang rumihestro sa kanyang mukha dahil di nya akalain na ito pala ang kanyang madadatnan sa kanyang pag-uwi sa bicol. Di agad sya nakahuma sa sinabi nito.
Sino ba nman ang di magugulat kung papasok ka pa lamang ng bahay ay sampal kaagad ang unang sasalubong sa iyo! No wala ngang greetings syang natanggap!
"Am not here to ruin your life sister. "Ang kalmadong wika nya sa babae.
Kahit tila gusto nyang magwala at patulan ito, magsisigaw at ipamukha dito ang mga ginawa nito noon ay di nya ginawa. Lalo lang sya matatalo kapag pinairal nya ang kanyang galit at tunay nya saloobin sa kapatid.
"Then why are you here now? What's the reason why you're here in the philippines ?"ang nakaismid na wika ng kaharap.  Humarang talaga ito sa daanan nya.
Tila ayaw sya nitong papasukin sa bahay nila.
"Well I came back to iron out the problem between us. I want my life back and my freedom too. "Mariing sabi nya. Matamang tinitigan ang kaharap na babae. Kailangang magpakatatag sya sa kanyang pagharap dito.
Patuyang napahalakhak  ang kapatid sa kanya,nanunuya ang mga tingin at may kasamang pangkukutya sa kanya.
Nang-iinsulto, nangmamata at tila nagsasabing anung buhay ang kanyang babawiin rito? Eh sa kanya naman ang buhay na inagaw na dito na binawi lamang nito uli!
"Kung inaakala mong ibibigay ko sayo si Louie well dream on my little sister! It won't happen. Dahil hinding hindi ko sya ibibigay sayo! Never! "Histerikal nitong wika at dinuro duro pa sya.
"I never meant for your boyfriend Maureen. I meant for my real freedom. I am filing for annulment next month. I will take my freedom back. I want to live peacefully ang be happy. I want to have my own family in another courty. Don't worry I won't coming back here again if that's what you're worrying"Serious nyang saad dito.
Akala nya matutuwa ang kaharap ngunit bigla syang hinila nito papasok at isinalya sa sofa ng malakas. Kung matigas lamang ang bagay na sumalo sa kanya di malalayong masasaktan sya ng pagkabongga-bongga.
"You wouldn't dare bitch! If you do that I swear I'll kill myself! I won't let you to be happy!"Nansisilik ang mga mata na asik nito sa kanya.
Gulat at di sya makapaniwala sa reaksyon ng kapatid. Hanggang ngayon ba nman ay tatakutin pa rin sya nito? Gumuhit ang mapaklang ngiti sa kanyang mga labi.
"Sorry your Highness, but your trick won't be able to change my mind. Go on kill yourself I don't care. "Ang patuya nyang wika rito.
Tutal nasa hospital ang kanilang ina kaya di na sya matatakot na may maaaring mangyari rito. Alam nyang pamblackmail lamang ng kapatid nya ang pagbabantang magpapakamatay. Pero ang totoo di nito magagawa ang sinabi. Mahal nito ang  sariling buhay para kitlin lamang nito.
"You won't dare Danna! You wouldn't dare! Dahil hindi kita hahayaang maannul ang kasal! "Nangigigil nitong wika sa kanya sabay sugod at nagtangkang mangalmot sa kanyang mukha mabuti na lamang at nakailag sya agad.
"Hindi ka ba matutuwa na kapag naannull na ang kasal namin na pinilit lamang ng boyfriend mo noon sa akin ay free ka ng maging totoong maybahay nya for real na talaga? "Aniya kahit sa kaibuturan ng kanyang puso tila sya unti unting pinapatay.
"No! "Hysterical nitong wika.
"Never mong ipapaannull ang kasal nyo! Narinig mo Danna? Never! Magkakamatayan tayong dalawa kapag ginawa mo yun! "Masama syang tinitigan nito.

Nagitla sya sa narinig mula sa kapatid. Dapat nga matuwa ito dahil magiging free na ang lalaking pag-aari nito noon pa man. Tila may kinakatakutan ang kaharap kaya nman mas lalo pa nyang itong sinubukan kumbinsihing mapaannul ang kasal nya sa lalaki.
"Anu bang ikinatatakot mo kapag pinaannul ko ng kasal? Di ba dapat suportahan mo pa ako sa desisyon kong iyon?Dahil kahit patayin mo ako. Ipapaannul ko pa rin ang kasal nmin ng Louie mo! Di ba dapat kang matuwa at magpakasaya dahil sa wakas wala ng hahadlang pa sa pagsasama niyong dalawa? Don't worry, after ng annulment mawawala na ako ng tuluyan rito,sa buhay nyong dalawa. "Aniyang may pait sa dibdib ng sabihin iyon.

     Nag -angat ng mukha ang kapatid sa kanya tila nag-isip sandali subalit di nagsalita.
"Magpapakasal na kasi ako sa lalaking tunay na nagpapahalaga sa akin. We have twins and they love me very much. I only came back just to process the annulment so we can get married in the states. "Puno ng kaseryusohan nyang wika rito kahit tila may humihiwa sa kanyang puso habang sinasabi iyon. Iisipin nya pa lamang na tuluyan nya ng pakakawalan ang lalaking lihim na minamahal tila di nya makakayang gawin ngunit kinakailangan para sa kanyang mga pamangkin.
    Nagtaka sya ng biglang manlaki ang mga mata ng kapatid na nakatitig sa likuran nya. Napaawang rin ng malaki ang bibig nito. Nakatalikod kasi sya sa kanilang main door.
Biglang sumikdo ang kanyang puso. Bumilis ang tibok noon. At alam nyang may taong nakatayo sa kanyang likuran. At natatakot syang lumingon sa kanyang likuran dahil ayaw nyang malaman kung sino iyon. Dama nya ang tensyon na unti unting namumuo sa paligid. At di nya na huhulaan kung sino ang taong naroon sa kanyang likuran.
   Dahil may ideya na sya kung sino iyon. At ayaw nyang lumingon kahit alam nya na kung sino ang kinatatakutan ng kapatid ngunit magkagayon man di nya pa rin napigilang mapasinghap ng nagsalita ang  kapatid sa bagong dating.
"L-louie.... H-honey w-hat are you d-doing h-here? "Ang pautal na wika ng kanyang kapatid. Nakalarawan sa mukha nito ang takot, pagkabahala, at samot saring emosyon. Tila papel na ito sa sobrang kaba.
    Sya nman tila gustong panawan ng ulirat ng mga oras na iyon. Bakit pa ba kelangang nilang magkaharap-harap na tatlo roon. Gusto nyang bumuka ang kinatatayuan nyang sahig at lamunin sya ng buong buo palayo sa dalawang tao na nakapaligid sa kanya.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon