Chapter 29

3K 68 0
                                    

Marahas syang napabaling ng tingin sa katabing lalaki. Ihinto nito ang sasakyan sa harap ng isang hotel.
"Why were here? "Seryoso nyang tanong rito. Ngunit di man lang sya nilingon ng lalaki.
"I'm tired and I need to rest. After that we'll talk. "Iyon lang ang sinabi nito saka agad binuksan ang sasakyan at lumabas.
Naiwan syang umuusok ang kanyang ilong sa galit. Anu raw pagod ito? At idadamay pa sya nito kung pagod ito? Huh! Anu akala nito ito lang ang nakadama ng pagod tapos sya hindi? Ang tindi din nman ng tama ng lalaking ito anu!galaita nya sa kanyang kinauupuan.
Di sya kumilos para buksan ang pintuan sa kanyang tabi para lumabas. Wala syang kabalak-balak na bumaba doon. Manigas ito!
Kung kelangan nitong magpahinga di magpahinga sya. Di nya ito pipigilan ngunit di rin sya nito mapipilit pumasok sa loob ng hotel!
Kahit ayaw nyang mag-isip ng marumi di nya mapigil ang sarili. Nag-uumpisa na nman syang makaramdam ng kaba at bigla syang bahala sa maaaring maganap kapag pumayag syang pumasok sa loob ng hotel.
Biglang namula ang kanyang pisngi ng maisip na magkakalapit silang dalawa ng asawa. Sa hotel? Isang room? Sigaw ng isipan nya. Napailing iling syang nagprotesta sa iniisip ng kanyang kukute.
'Geez! Danna kelan pa naging madumi Yang utak mo?! 'Ang sita ng isang bahagi ng kanyang isipan.  Gusto nyang kastiguhin ang sariling isipan sa itinatakbo noon. Gosh! Daig nya pa ang mga babaing may maruming pantasya sa lalaking kanilang kinahuhumalingan. Kinahuhumalingan talaga huh? Ang kontra ng isang pang bahagi ng isipan nya. Nag-aaway away  na ang maliliit na boses sa likuran ng kanyang utak. Tila gusto nyang dukutin na lamang ang utak at palitan para tumahimik na iyon.
Balak nyang puntahan at bisitahin ang kaibigang si Helen na ngayon ay may sarili ng negosyo. Bago lamang sila nagkaron ng communication uli. Nahanap sya nito sa instagram.
Gulat na napaigtad sya sa kinauupuan ng biglang bumakas ang pintuan sa kanyang tabi. Nagkasalubong ang tingin nila ng lalaki. Nakakunot ang noo nito at halos mag-isang linya na ang linya sa noo nito. Lukot na lukot din ang pagmumukha nito. Napaka seryoso  ng expression ng lalaki habang nakatingin sa kanya ng may pagtitimpi.
"Wala ka bang balak bumaba ng sasakyan? "Anito. Bakas ang pagtitimpi at halatang naiinip na ito. Dahil di pa rin kasi sya kumikilos sa loob niyon.
"Nope. I'm staying here. You go on, go inside and rest but I'm staying here! "Pagmamaldita nyang sabi rito sabay humalukipkip at tumingin sa harapan ng sasakyan. Talagang inuubos nya ang pasensya ng kaharap na lalaki. Nang tinapunan nya ito ng tingin nakita talagang sagad na ang pasensya nito at wala ng balak pang pagbigyan ang pag-iinarte nya dito. Akma sya nitong lalapitan para sana buhatin kaya mabilis syang nagbuka ng bibig para pigilin ito.
"Ok,ok! Bababa na ako! "Nakasimangot nyang wika sabay baba at tinulak ang lalaking nalaharang sa daraanan nya ng di ito tuminag paalis sa tabi ng pintuan.
"Thanks for the ride. I'm going now. "Aniya saka humakbang palayo rito  at kinuha ang kanyang luggage sa likuran ng sasakyan ng lalaki.
"What are you doing?Where do you think you're going?"Ang walang emosyong wika nito ngunit bakas ang babala at pagkabagot sa  tinig ng lalaki.
"I'm going to my friend's house. I will stay there. Thanks again! "Pagkasabi agad nya itong tinalikuran at pumara ng taxi ng may dumaan sa kanyang tabi. Di nya alintana ang mapanganib na tingin ng lalaki sa kanya. Talagang ubos na ubos na ang pasensya nito para sa kanya kanina pa.
Bago pa man sya makalapit sa humintong sasakyang sa tabi may mga bisig ng sumaklit sa kanya para mapigil sya sa pagbukas ng pintuan niyon.
"What are you doing Louie? Let me go! "Ang nanlalaking mata at natatarantang wika nya. Parang walang narinig ang lalaki. Di sya nito sinagot.
Naramdaman nya na lamang na umangat na sya sa kanyang kinatatayuan. Napagtanto nyang buhat na pala sya ng lalaki papasok sa loob ng hotel.
Mabilis ang kilos nito. Di nga alam ni Danna kung paano sya nito nakayang buhatin ng ganun kabilis.
"Put me Down Louie! "Ang wika nyang pinamulahan ng mukha ng mapagtantong nakuha nila ang lahat ng atensyon sa lobby ng hotel entrance.
"Stop struggling love... Mas lalo lang tayong makaka attract ng pansin dito if you keep on screaming. "Malumanay na wika ng lalaki hanggang makalapit sila sa reception area. Saka pa lang sya nito ibinaba ngunit hindi sya hinayaang makalayo. Maagap sya nitong hinapit sa bewang habang kausap ang isang receptionist na halatang nagpapacute na sa lalaki ng nakasimangot syang nagtaas ng tingin dito.
Wala sa loob na napatirik nya ang mga mata sa taas ng kisame ng ngitian ito ng asawa. Tila gusto nyang sikuhin ito ng pagkalakas lakas para mawala ang magandang ngiti nito sa labi.
'Ar ang hitad na babae di man lang nahiyang magpacute kay Louie kahit alam nyang may kasama na itong babae. 'Ang inis na sigaw ng isang bahagi ng kanyang isipan.
'Wait! Kelan ka pa natutong  magselos Danna? Tanong ng isang bahagi uli ng isipan nya.
'Geez! Don't tell me I am being a possessive jealous wife?NO WAY!! 'ang hysterical nyang sigaw sa maliliit na boses na nag-aaway away sa kanyang isipan.
Napapitlag pa sya ng bumulong ang lalaki sa kanyang punong tenga.
"Love, kung nakakamatay lang ang mga titig mo sa receptionist kanina pa yan nakabulagta sa harapan natin! "Ang wika ng lalaki na bahagya pang idinampi ang mainit nitong hininga sa sensitive na bahagi ng kanyang leeg.
Nanindig ang maliliit na balahibo sa likod ng kanyang batok at napapaawang ang mga labing napabaling sya sa lalaki.
Nakita nyang nakangisi na ito sa kanya. Naglalaro ang pilyong ngiti sa mga labi at gusto nyang palisin iyon sa labi ng lalaki sa inis nya dito. 'Harot!' Sigaw ng isipan nya.
Bigla syang pinamulahan ng pisngi ng bumaba ang tingin nito sa mga labi nya. Agad nyang naisara ang nakaawang na bibig saka pinansilikan ito ng mata.
"How dare you! "Asik nya sa lalaki at akmang hahakbang palayo rito ng muli syang mapabalik sa tabi nito. Di nya naalala na nakakapit pala ang braso nito sa bewang nya.
Lalo syang hinapit ng lalaki palapit sa katawan nito sabay bulong.
"Do you think you can escape from me love? "Ang malambing at may halong pang-aakit nitong wika na lalong ikinalakas ng pintig ng kanyang puso.
"Nang-aakit ka ba? "Ang nayamot nyang baling rito.
"Naaakit ba kita? "Ang namimilyong balik tanong nito sa kanya sabay nakaw ng halik sa nakapout nyang labi.
Sumiklab ang kanyang inis rito.
"Don't answer me with a question! "Asik nya rito.
Napatawa lang ito saka bumaling sa receptionist matapos syang nakawan ng halik sa labi.
"Here's your room key sir... "Pacute uli nitong wika sa lalaki. Pinansilikan nya ito ng mata na ikinamutla nito.
"Thanks pretty! "Ang magiliw na wika ni Louie na ikinatirik ng mata ni Danna. Nakita nyang kinilig na pinamulahan ng mukha ang babae ng sabihin iyon ng asawa sa kabila ng pansisilik ng kanyang mata rito.
'Hmmmp! The nerve! Hayagan talagang ipinapakita sa akin ang flirtatious action nito sa harap nya.
Nagmamarkulyo sa inis ang kanyang dibdib na binaklas nya ang kamay ng lalaki sa kanyang bewang.
Ngunit muli ring ibinalik uli ng lalaki ang isang kamay sa kanyang bewang at di sya hinayaang makawala muli.
Iginiya sya nito patungo sa elevator paakyat sa silid na kinuha nito.
"Pwede ba, alisin mo nga ang bisig mong nakakapit sa bewang ko?! "Pagtataray nya sa lalaki.
"Why should I? Am your husband and I have all the right to hold my wife! Isn't it love? "Ang nanunudyong wika nito.
Inis nya itong hinarap. Napahinto sila sa paglalakad.
"Baka nakakalimutan mo Mr Montemayor,mag-asawa lang tayo sa papel! "Ang inis nyang paalala rito.
"Yes! Noon but hindi na ngayon Danna. Dahil wala ka ng magagawa para pigilin akong makisama sa iyo. Starting today you will play as my wife even in my bed! I don't care about the past. What's important is now and our future."Anito saka muli syang hinila papasok sa elevator na bumukas.
Napanganga sya sa narinig.
'Is he really serious? Anu raw forget about the past? He's really insane!'Ang sigaw ng  isip nya.

Oh my goaty! This cannot be happening! He'll going to take my Virginity when I enter the room!! 'Sigaw ng isipan nya. Nataranta ang kanyang nerves sa pumasok na ideya sa isipan. Kaya bago pa man sila makapasok sa loob ng room ni Louie pumihit sya patalikod at akmang tatakasan ang lalaki.
Di nya alam na nakalabas na sila ng elevator at ngayon nga ay nasa loob na ng hotel room nito.
"Do you think you still can escape  love? "Ang maagap na pigil ng lalaki sa dalawang braso nya.
Hinila sya nito papasok at agad inilock ang pintuan noon.
"This cannot be happening! I'm going to Manila right now! "Ang galit nyang sigaw rito. At ipiniksi ang bisig nyang hawak nito.
Napaatras sya ng dumilim bigla ang mukha nito at unti unting humakbang palapit sa kanya.
Sinunggaban sya nito sa dalawang braso at hinila palapit sa lalaki. Halos mapasubsob sya sa malapad nitong dibdib.
Automatic nyang naitukod ang mga kamay sa malapad na dibdib nito bago pa man sya sumubsob roon ng tuluyan.
Nagkatitigan silang dalawa. Di sya patatalo rito. Patuloy pa rin syang maghihimagsik sa lalaki.
Hanggang sa isang iglap naramdaman nya na lamang na magkalapat na ang kanilang mga labi. Nanlaki ang kanyang mga mata ng mapagtantong mainit na sya nitong hinahalikan sa labi.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon