Chapter 42

2.7K 62 0
                                    

Walang imikang lumabas at sumunod silang lahat sa kanyang abuela.
Iyon na kasi ang time na mag-uumpisa na ang party. Kaya ito nagtungo sa loob para makasama sila ng matanda.
Paglabas nila patungong garden kung saan idinaos ang party. Nakatayo at pawang may magagandang ngiti sa mga labi ang mga bisita, kapamilya, family friends at iba pang kilalang tao sa lipunan na dumalo sa party nito.
Nagsiawitan ang mga ito ng magsalita ang organizer ng party na time na para batiin at awitan ang birthday celebrant ng gabing iyon.
Tumayo ang kanyang lola sa harap ng napakalaking cake nito. May nakalarawan na magandang ngiti sa labi.
Di naitago ang kislap ng mata ng sulyapan ang cake na pinagawa nito.
Kahit ang ibang mga bisitang nakatayo malapit roon. Di rin maitago ang pagkamangha sa ayos ng cake. So artistic and unique!
Kaya matapos mablow ng matanda ang only candle na inilagay roon sa pinaka center ng malabatyang cake nito sumabog ang masigabong palakpakan. Nag-start ng magserve ang catering services na kinuha ng lola nya. Maganda ang pagkakaayos ng lawn. Pinaghandaan ng maayos ang seventy birthday nito.walang masabi ang mga bisita sa ayos ng garden. Food and drinks are superb and abundantly served in visitors.
Binati ng mga ito ang matanda. Yakapan at halikan sa pisngi ang sumunod na nangyari. Naging busy na ito sa kakaistima sa bisita nito. Kuhanan ng pictures family or friends nito. Lahat pinaunlakan ng matanda iyon.
"Whew! Kung ako ang magsi-celebrate ng 70 years of existence. Magpapagawa ako ng pyramid cake. Seven layers maybe with seventy candles too! "Ang bulalas na wika ni dark.
"Talaga pare? Baka di ka na abutin ng sixty birthday mo kapag napaaga kang matigok! "Pang -aalaska na wika nman no red.
"Ulol! Magpapamilya pa ako bago matigok! Wag kang kupal red! "Tugon nito sabay pitik sa tenga ni red na ikinatawa lamang nilang lahat.

"Excuse me, is there a certain Katrina here,Owner of cake shop? "Narinig nilang wika ng isang lalaki na nakasuot ng black tuxedo.
Napabaling tuloy ang tingin nilang lahat dito na ikinapula ng pisngi nito.
Bigla itong naging uneasy sa kinatatayuan nito. Nang walang nag-alis or nagbawi ng tingin.
"Yes? I am Katrina. "Wika ng kaibigan nya sa tabi na agad tumayo ngunit di nman nagtangkang umalis at lapitan ang lalaking naghahanap sa kanya.
"Umm, "ang ani ng lalaki. Nagtanggal muna ito ng bara sa lalamunan bago nagsalita.
"The birthday celebrant says we can interview you about your shop. We're from the lifestyle magazine and we want to feature your shop and your chef too ."Walang pag-alinlangang sabi nito.
Napatingin si Danna sa kaibigan ng pasimple sya nitong siniko sa tagiliran.
"What?! "Ang mahina pero iritado nyang bulong rito.
"It's a good advertising on our shop. Come on let them interview and feature our shop. I know we kind of well known through our valued customers but still we can get additional advertisements from them! "Excited na wika nito sa kanya.
"Can you do it alone? I really don't wanna get myself talking publicly. You know I hate popularity. "Tanggi nya sa suhistyon nito.
"So am I! I don't want someone invading our private life but its for the sake of our own shops! "Anito
"Alright! But only this time I won't do it again! "Wika nya sabay hila sa kamay nito at naglakad palapit sa lalaking nakatayo sa tabi ng table nila.
"Guys, stay here after the interview we're gonna head home! "Baling nya sa anim na lalaki na tango lamang ang tugon sa kanya.
Pagkasabi sumunod silang magkaibigan sa lalaking nagpakilalang si Gregory. Head publisher ng magazine.
Kapwa sila napanatag ng makitang medyo may kalayuan sa crowded party ang pinili na place para kausapin sila.
Ngunit medyo marami rami pa rin ang na papabaling sa kanilang hanggang sa may isang bisita na lumapit sa kinauupuan nilang magkaibigan.
"Pardon me girls but are you the one who's responsible for the birthday cake of the celebrant? "Ang malumanay na wika ng ginang sa kanila.
"Am afraid we are ma'am! "Tugon ng kaibigan na binigyan ng magandang ngiti ang babaeng nakatayo sa harap nila. Habang ang tauhan ng magazine na mag interview sa kanila ay nag-aayos pa.
"Really? It's beautiful and so artistically made! Even the taste, it's superb! "Masayang pagbibigay nito ng compliments sa harap nila.
Kaya nman ng humingi ito ng calling card ng shop nila. Agad itong inabutan ng kaibigan. Pagkaalis nito nagsulputan ang ibang bisitang gustong kunin ang serbisyo nila.
Naubusan ng card ang kaibigang si tinay kaya napilitan syang utusan ang anim na lalaki na mamigay ng card sa bisita doon. Meron syang extra calling cards sa car at iyon ang ipinamigay ng mga kasamahan nila sa shop.

Akala nila tanging ang magazine lamang ang mag-iinterview sa kanila. Ganun na lamang ang pagkalaglag ng panga ng magkaibigan ng may sumulpot na local newscasters sa harapan nila at kinausap ang nasa magazine crew na kung pwede mauuna silang kumausap sa magkaibigan na agad pinagbigyan ng taga magazine. Dahil kilala rin pala ng mga ito ang mga bagong dating.
Walang nagawa ang magkaibigan kundi ang maupo at sagutin ang mga tanong na akala nila ay related sa cake shops nila.
"Miss Auline, we all knew you are the love interest of famous chef Lewis. Is it true that you have an affair with a married man? "Ang walang kaabog abog na tanong ng isang baklang reporter na ikinapanlaki ng mata nya sa gulat.
Na off guard sya doon. Di sya agad nakapagbuka ng bibig. Mabuti na lang mabilis na nagsalita ang kaibigan.
"I think that is below the belt. We're talking about the cakeshop not the personal life of my friend here! "Mariin at galit na wika ni Tinay na pilit kinakalma ang sariling tinig na wag tumaas sa kaharap na bisita.
"Miss Katrina ,we all knew that your friend here is considered a celebrity chef! She's been famous and doing good in social media. She have lots of followers! Be it students or some celebrity even ordinary people who wanted to learn how to bake a cake. "Ang mahabang litanya ng lalaki.
"Is it true that you are the mother of Lewis twins too? "Ang muling banat nitong tanong.
Nagkatinginan silang magkaibigan. Nagpalitan ng tingin,sunod sunod na ang naging banat ng kaharap na lalaki sa kanya sa kabila ng pananahimik nya. Nakapagdesisyon syang kelangan nya na sigurong ituwid ang maling akala sa friendship nila ni Lewis ngunit wala syang signal galing sa lalaki.
"Whatever relationship we had. I think it is out of your concern guys. "Sagot nya na pilit pinalumanay ang boses.
"Am sorry , just doing my job chef. And lastly, are you having an affair with the birthday celebrant grandson? He is happily married to the beautiful nurse yet you both seen in high class restaurant having dinner. The attention he's giving you is not a friendly gesture but showing intimate involvement with each other. Everyone who saw you can tell you're lovers"Ang makahulugang sabi ng lalaki sa kanya.

Napahigpit ang kapit nya sa gilid ng kinauupuan. Ayaw nyang mahalungkat ang personal nyang buhay ngunit di nya mapipigilang walang umungkat noon or gumawa ng issue about doon dahil sa social media popularity nya.

Napahugot sya ng malalim na hininga saka pinakawalan bago tumingin sa mukha ng lalaki.
"Where did you get that trash chism? "Pormal at walang kangiti ngiting balik tanong nya rito.
"Our source told us. So don't try to deny it!"pakli nitong wika na nagpainit ng kanyang dugo ngunit nagpakahinahon pa rin sya rito.
"And do you believe that am having an affair with him? "Ang di makapaniwalang tanong nya na ikinakibit balikat lamang ng kaharap.
"Am afraid yes! What would be the impact of this unethical behavior of yours chef on the cake shop? Do you think your valued customers still want to purchase or place orders in your shop? Knowing that you're the business man mistress in town?"Ang muling bato nito ng mga tanong na ikinabuka ng bibig nilang magkaibigan.
Naramdaman nyang napahumindig ang kaibigang halatang ubos na ang pasensya at handang sugurin ang lalaki.
Mabilis nyang hinawakan ang kamay nito sabay pisil. Senyales na wag syang gumawa ng anumang hakbang. Bago pa man sya makapagsalita para sagutin ang sinabi nito may narinig na syang boses sa bandang likuran nilang magkaibigan.
"I think that the harsh interview questions I ever heard! "Ang buo at malagom na tinig ni Louie ang kanilanh narinig mula sa kanilang likuran na magkaibigan.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon