Chapter 25

2.9K 59 0
                                    

"Lola! "Ang bulalas ni Tinay ng lingunin ang pumigil sa kanila.
"You didn't tell me Katrina that you'll bring your friends here. "Ang wika ng matanda sa dalaga ng may pag-aakusa sa tinig.
"Sorry po lola. Surprise guests lang po kami sa birthday ni mama. Pati yung mga gawa nmin na pastry surprise din lang nmin sa kanya. "Paliwanag ng kaibigan.
Tahimik lang sya sa tabi ng kaibigan habang magkausap ang dalawa.
Pangatlong beses nya ng nakita ang matandang babae. Sa barko noon, sa shop nila at ngayon ay sa bahay ng mga magulang ng kaibigan.
Nahihiya at naiilang sya sa matanda ng mga sandaling iyon. Alam nyang may alam na ito dahil sa makahulugang sinabi nito sa shop noon ngunit pilit nya iyon ipinagsawalang bahala.
Ngayon nga hindi sya makatingin rito ng diretso. Nagi-guilty sya and at the same time ayaw nyang maging magulo pa lalo ang kanyang sitwasyon. Magulo na nga silang magkapatid masasama pa ang mga ito sa kaguluhan nila.
Panaka-nakang sumusulyap ang matanda sa kanyang direksyon. Nakayuko man sya dama nyang nakatitig sa kanya ang matanda.
"Ay, oo nga pala lola..before we leave I'll let you meet my best friend, si Chef Auline. "Masayang pakilala ng kaibigan sa kanya ng mapansin din nitong napapatitig ang matanda sa kanyang gawi. Napilitan syang magtaas ng mukha para ngitian ito. Nagtama ang mga mata nila ng matanda. Ngumiti ito sa kanya kaya napilitan syang suklian din iyon ng magaang ngiti.
"I already met her in the queen luxury cruise iha. "Nakangiting wika ng matanda sa kaibigan. Napa oh na lang ito sa kaharap na matanda saka isinarili na lamang ang mga katanungan na gusto nyang malaman dito.
Nang makita nilang nagsilabasan narin ang anim na kasamang lalaki muling nagpaalam si Tinay sa matanda saka sila umalis sa party o mas tamang sabihin na umeskapo doon.

Samantalang di napigilan ni Maureen ibuka ang bibig ng makabawi sya sa pagkabigla kanina. Di nya akalaing nasa bansa na pala ang ahas na kapatid. Nauna pa itong bumalik sa kanya sa pinas!
Marahil di pa Ito nakauwi ng bicol dahil walang report ang pinsan nyang binabayaran para magbigay sa kanya ng impormasyon about sa kapatid.
Isa lang ang naisip nyang gawin para muli silang magkaharap na magkapatid.
Mailap ito simula ng paalisin nya ng bansa. Minsanan lang tumawag sa kanilang ina. Alam nyang parati itong tumatawag sa kanilang ama. Kaya nman iyon ang gagamitin nyang rason para mapauwi ito ng bicol.
"Tita, who's with Katrina? "Ang nakataas kilay nyang tanong sa ginang. Pretending she doesn't know her own sister.
"Si chef Auline, best friend ng anak ko. "Si Wayne ang sumagot sa tanong nya para sa ginang na may kaarawan.
"Oh? Di ko akalaing may kaibigan pala si Katrina. "Ang napalabi nyang wika na di nakaligtas sa mata ni Arthur.
"Why you're so interested in her Maureen? Do you know my cookies Katrina? "Ang tanong ni Arthur sa kanya.
"Of  course not! Am just curious! "Ang mabilis nyang pagkaila sa kapatid.
"Mabuti nman dahil ayaw kung mahawaan ang cookies ko sa kaartihan mo! "Pasaring ni Arthur.
"Arthur! "Ang panabay na saway ng mga magulang nito.
"Am sorry mom, dad. I'll go ahead now. Happy birthday mom. "Sabi nito saka kinintalan ng halik ang ina at saka nagpaalam pagkatapos humalik sa lola at tita nya. Sinundan na lamang ng mag-asawa ang papalayong anak.

Samantalang si Louie  ay napakuyom palad lamang sa isang tabi. Napatiim baga sya sa narinig na tawag ng pinsan nya sa kanyang asawa. Cookies? Huh.!Who the hell  permit him to give a pet name on his wife! Baka pandiliman sya ng paningin at masuntok nya ang pinsan kapag muli nyang maririnig ang pag-angkin sa asawa.
   Nagdududa nman sya sa katabing babae. Tila kilala nitong talaga ang totoong asawa nya. Alam nyang may inililihim ang dalawa sa kanya. Pasasaan ba't malalaman nya rin iyon sa kalaunan.
Maghihintay lang sya ng tamang panahon.
Kung di nya kanina napigil ang sarili baka nahila nya ang babae sa isang tabi at parusahan ng halik. Nagselos sya sa nadatnang eksena ng pinsan at ng asawang nakahawak sa braso ng una.
   Kung wala lamang ang mga bisita at mga magulang nya baka naisiwalat nya na ang katotohanang ito ang tunay na nagmamay-ari sa kanya. Ngunit di pa iyon ang tamang panahon.

      Dahil sa sobrang pagod nilang dalawa sa pagwawala sa bar ng makarating ng condo ay para silang lantang gulay na nahiga sa bed matapos makapaglinis ng katawan para magpahinga.
     Di nman talaga sila nagwala sa bar tamang sabihin na uminom ng tama lang din pero sa dance floor silang dalawa nagwala sa pagsasayaw. Ang anim na lalaki ay nakapaligid sa kanilang dalawa habang nasa dance floor sila at nagsasayaw.  Kapag kasi tipsy na ang magkaibigan nakaguard na ang anim na lalaki para walang makapambastos sa dalawang babae.
  Alam nilang kaya nagbar ang mga ito dahil sa mga huling dumating na mga bisita sa party kanina.
   Di nila alam na mayroong problem ang kanilang chef  Auline about sa lalaking nagki-claim ritong husband ng dalaga.
   Kung ang chef nila ang wife my lalaki sino nman ang babaeng kasama ng lalaki kanina sa party. Kapag kasi titingnan ang dalawa di maipagkakailang may namamagitan na sa mga ito.
The way the sexy lady possess the man's waists it tells the man is hers! Marking her possession.
Kahit gusto mang kumpirmahin ang anim ang totoong dahilan kung bakit sa mahabang panahon ay walang na involved ni isang guy sa dalaga maliban sa parating kausap nitong kano ay nirespeto ito ng mga kasama. Kahit nga si chef Tinay na close dito ay masyado ring mailap magbanggit ng buhay nito. Masyadong private ang dalawa sa mga buhay nito.Ni hindi nga ito nagkukwento kung nasaan ang hometown ng dalaga or ang bahay na nabili nito sa antipolo.
     Magaling man ito magtago ng totoong saluobin di pa rin iyon nakakaligtas sa matalas na pandama ng anim. Lalo na kapag may sweet couple na magagawi sa shop nila. Minsan nahuhuli nilang nakatitig si Auline sa mga iyon ng may pagtatangi. Makikita na lamang nila pagkalipas ng ilang oras na may nakabalatay na sakit sa mukha ng dalaga but agad din iyong papalisin ng dalaga at papalitan ng praktisadong aura nito. Ang sweet at masayahing babae na may magandang ngiti sa kanilang customers ngunit di iyon talagang umaabot sa mata ng dalaga.

    Naalimpungatan si Danna ng tumunog ang kanyang phone. Nakapikit pa ang mata nya ng makapa ang Mobie phone sa taas ng kanyang bed side table. 
Sinagot nya ang tawag ng di man lang  tiningnan ang caller na tumatawag.
"Ate Danna! "Ang narinig nyang bungad na wika ng 18years old nyang pinsan na nakatira sa bahay nila sa bicol.
"Bakit Dedeth? "Paos ang boses na sagot nya rito.
"U-uwi ka ate k-kasi si tita biglang i-inataki ng Alta pression nya! "Ang pautal utal na sambit ng pinsan nya.
"What?! Are you serious?! "Ang biglang naibulalas nyang wika rito.
Napakunot noo syang napaupo sa bed bigla. Masakit ang kanyang ulo dahil may hang-over ata sya sa pagbar hopping nila kagabi.
Pagkakaalam nya wala nman sakit ang ina na alta pression. Nakausap nya ito noong minsang tumawag sya at malakas pa ang ina kahit nga di nya ito nakikita.
Plano nyang umuwi sa bicol kapag bumaba na ang ama nya sa sunod na week sa barko saka sya uuwi doon para sabay silang makakauwi ng bicol.
"Opo ate.. Nasa hospital nga kami ngayon eh."Anito tila di mapakali ang babae sa kabilang linya.
"Ok. Uuwi na ako dyan.  Update mo lang ako sa kalagayan ng nanay ha. "Aniya saka agad tinapos ang tawag nito.
Mabuti na lang at sunday bukas walang pasok kaya pwede syang umuwi saglit sa kanila.
Unang beses na  tatapak syang muli sa bicol simula ng umalis sya doon mahigit tatlong taon na ang nakakaraan.
   Napahugot sya ng malalim na bungtong hininga saka bumaba ng bed at tinungo ang sariling banyo para mabilisang maligo.

"Good! That's good Dedeth! Uuwi din kaagad ako dyan ngayong araw. Linisin at ayusin mo ang aking silid. Ayaw Kong may makitang maliliit na dumi sa silid ko. Don't tell mama ok? I'll surprise her!"Ang narinig na utos ng babae kay Dedeth.
Matapos nya kasing tawagan si Danna ito nman ang tinawagan nya. Di nya maintindihan kung bakit sya nito inutusang magsinungaling about sa tiya nya. Nagulat pa sya ng tumawag ito kagabi at sabihing tawagan nya si Danna at sabihin ang kasinungalingang pinapagawa nito sa kanya. Sinabi nitong nasa manila na ang pinsan at ito nman ay kadarating lang ng bansa. At gusto nitong mapilitang umuwi si Danna sa bicol ng ura-urada.
   Alam nyang di maganda ang ugnayan ng kapatid ngunit bakit kelangang pang palabasing may sakit ang ina ng mga ito para makauwi si Danna ng bicol? Ang naguguluhang sabi ni Dedeth sa isipan.
She smell trouble and she won't doubt if the next day the two will hit the battle ground.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon