Chapter 7

3K 80 0
                                    

Kay bilis umusad ang panahon hindi namalayan ni Danna apat na buwan na pala syang kasal sa asawang hanggang ngayon ay estranghero pa rin sa kanya.
Sa loob ng apat na buwan nilang mag-asawa every weekend nya lang nasisilayan ang pagmumukha nito. Kapag bibisitahin sya ng lalaki para malaman nito kung anung kanyang pinaggagawa sa loob ng isang linggo.
Di nya maintindihan ang totoong kalagayan nilang dalawa. Gusto nyang tanungin ang lalaki kung anu nga ba talaga ang dahilan ng pagpapakasal nila ng mabilisan noon. Di naman pala nito kelangan talaga ng asawa kung tutuusin so bakit pa sya nito pinakasalan?.
Every week ito nagbibigay ng allowance nya. Kahit anung tanggi nya na wag tanggapin iyon di rin nagsilbi rito. Nag-away pa sila sa bagay na iyon ayun dito iba na ang sitwasyon nya. Di na sya single at lalong di na rin daw sya obligasyon ng kanyang ina kaya kalaunan pinabayaan nya na lang ito kung anuman ang mga pasya nito para sa kanya.
Gusto rin sana nitong bumukod sya ng bahay mabuti na lang at nakinig ito sa pakiusap ng kanyang ina na wag syang pagbukurin.
Parang normal pa rin ang kanilang kilos ng kanyang ina sa harap ng kanyang ama. Tuwing bababa ito sa barko. Mabuti na lamang kapag umuuwi ang ama nakaalis na ang kanyang asawa. Di pa nman nagpang-abot ang ama at kanyang asawa naikinaluwag ng pakiramdam nilang ina.
Dumating ang araw na magtatapos na si Danna sa kolehiyo. At kasabay noon ay ang pagdala sa kanya ng lalaki sa manila. Kung saan sila maninirahan at magsasama bilang mag-asawa.
Simpleng selebrasyon lamang ang hinanda ni Danna para sa pagtatapos nya.
Nakatapos sya ng pag-aaral with flying colors na ikinasaya ng kanyang ina. Wala man ang kanyang ama noon masaya syang ibinalita sa ama ng minsang tumawag ito sa kanya.
Nangako itong babawi na lamang kapag nakababa uli ito.
Napapitlag sya ng tumunog ang kanyang phone sa tabi ng mesang kinauupuan.
Nang kunin nya iyon ay nakita nyang si Louie ang tumatawag.
"I'm on my way. Prepare your things. I can't stay longer because I'm leaving to California tomorrow."anito ng sagutin nya ang tawag nito.
Ni hindi lang man sya kinumusta kung buhay pa sya at humihinga. Naiinis na talaga sya sa kalamigan ng lalaking pinakasalan nya.
Well ,anu pa nga ba nman ang kanyang aasahan sa lalaking di nman talaga kanya.
Ngunit sa kabila ng kanilang sitwasyon minahal na ito ni Danna ng pasekreto lamang. Alam nya nman kung saan sya nakatayo sa buhay ng lalaki.
She will remain as second priority in his life at tanggap nya na iyon kahit baliktarin man ang mundo.
"Hello? Did you hear me?"ang narinig nyang wika nito. Kinabakasan na ng iritasyon ang boses ng lalaki.
"Loud and clear."walang kagana gana nyang sagot. Nakasambakol na ang kanyang pagmumukha. Piling nya tuloy tumanda sya ng dalawang taon sa tunay nyang edad dahil sa lalaking kausap.
Ni hindi nya na nga makuhang makipagtawanan sa mga kaklase nya simula ng maikasal sya rito.
Paanu nya pa gagawin iyon maliban sa parati itong naka monitor sa aktibidades nya mayron pa syang tagabantay ng lihim saan man sya naroroon. Ito ang tagahatid sa kanya kahit saan sya magpunta. Binilhan sya ng lalaki ng sariling sasakyan. Gusto nyang matutong magmaneho ngunit di sya pinayagan ng lalaki.
Kahit ang pag-upo sa sasakyan kelangan nasa likuran sya parati. Para iwas disgrasya raw na di nya talaga maintindihin kahit kulikutin nya ng buong araw ang kanyang isipan sa bagay na iyon.
"Good! Now you need to rest. "Wika nito saka nawala na ito sa linya.
"Shit! Para anu pang nag-pakasal ako kung ganito lang din pala ang kakahinatnan ng buhay ko. Gosh! Di ko pinangarap makasama ang lalaking malamig pa sa ice berg na nasa atlanta ang pakiramdam. Ni wala ngang kalambing lambing!"yamot nyang himutok.
Sa sobrang inis nya sa lalaki wala sa loob na naitaas nya ang hawak na phone ng akmang ibabalibag iyon.
Bigla syang napapadyak dahil tyak hahanapin iyon bukas ng lalaki sa kanya kapag tinapon nya iyon at nawasak!.
Ang pinagbalingan nya na lamang ng yamot at pagkainis ay ang mesa nila. Pinagbabayo nya iyon na tila iyon ang mukha ng asawa nya.
"Danna! Masisira iyang mesa natin sa pinaggagawa mo!"gulat na sita ng ina nya ng makitang malakas nyang pinagbabayo iyon.
Natigil sya sandali at napatingin sa kanyang ina at di napigilang pumatak ang kanyang luha sa pisngi.
"Inay......bakit ganun? Bakit sa kabila ng kagaspangan ng ugali ni Louie nagawa ko pa rin syang mahalin na alam kung di pwede dahil pag-aari sya ni ate Maureen."naibulalas nya sa ina at napahikbi bigla.
Naaawa naman ang ina nya sa kanya. Kaya niyakap na lamang sya nito ng buong higpit saka hinimas ang kanyang likod.
Lalo syang napahagulhol sa ginawang iyon ng kanyang ina.
"Am sorry anak. Di ko ninais na magdurusa ka ng ganito sa sitwasyon wala akong mapagpilian kundi ang sundin iyon."napapaluha ring wika ng ina nya habang yakap-yakap sya.
"Nay, do you think mamahalin rin ako ni Louie pagdating ng panahon?"parang batang naitanong nya sa kanyang ina patuloy na umaagos ang luha sa mga mata nya.
Gusto man sagutin ang tanong ng ina ang tanong ni Danna di nya maibuka ang bibig dahil kahit sya di alam kung anung sasabihin sa tanong na iyon sa kanya ng anak.
"Nanay, ganito pala ang nagmamahal. Kahit nasasaktan ka na di pa rin magawang magalit at kamuhian ang lalaking itinitibok ng puso dahil ito lang din naman ang makapagbibigay ng saya sa puso mo ang lalaking nagdudulot ng sakit sa ating puso."hilam sa luhang wika ni danna sa kanyang ina.
"Kung pwede ko lamang alisin ang lahat ng sakit at paghihirap mo anak. Matagal ko na sanang ginawa. Di ko inakala na mahuhulog ang loob mo ng ganun kadali kay Louie anak. Im sorry...kung may magagawa lang sana talaga ako anak. Kung may magagawa lang ako para ibsan ang pasakit mo gagawin ko ngunit paano? Di ko hawak ang puso ng lalaking lihim mo na palang minamahal."ang napahagulhol din wika ng kanyang ina.
Lalo syang nakadama ng kalungkutan at kahungkagan sa kanyang dibdib. Paano nya ba sisisihin ang kanyang puso na kusang umibig sa taong di nya pwedeng ibigin at sabihan ng totoong nararamdamanm dahil pag-aari pa rin ng kanyang ate ang puso nito? Di man ito magsalita ay ramdam nya iyon.
Siguro kelangan nyang matutunan na unti-unting sikilin ang anumang nararamdaman sa kanyang asawa. Ang mahalin ito ng lihim ay sapat na siguro para sa sarili. Di nya kelangan pang sabihin sa lalaki ang tunay na saloobin . Natatakot sya sa maaari nyang marinig buhat sa bibig ng lalaki.
Ang makasama at masilayan ang mukha nito ay sapat na sa kanya. Pag-aaralan nya na lamang na wag maipahalata or wag syang maging transparent sa kanyang tunay na nadarama sa lalaki.
Sinabihan nya ang ina na ilihim na lamang ang kanyang pagmamahal sa lalaki. Nangako nman ito at alam nyang naaawa ang ina sa kanya . Kelangan nya lang ipakita na masasanay rin sya sa kanyang sitwasyon hanggang dumating ang tunay na may ari ng puso ng lalaking minamahal nya.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon