Chapter 20

3.1K 83 0
                                    

"Now tell me everything between you and my cousin. "Ang serious na saad ng kaibigan pagkarating na pagkarating nila sa kanilang condo unit.
Share silang dalawa sa condo, malaki iyon at minsan doon sila nagbi-bake ng goodies dahil nilagyan nila iyon ng complete na kagamitan sa pagbi-bake.
"Not now Kat, I am not yet ready to explain everything. "Tanggi nya.
"Grabe ka nman Pauline! Maglilihim ka talaga sa akin? Ok if you say so. But did you had intimate relationship with my cousin? "Nakataas kilay nitong tanong sa kanya na may pilyang ngiting naglalaro sa labi nito. Nakahalukipkip syang pinagmasdan ito ng seryosohan tila inaarok ang kaibigan sa tanong nitong iyon.
"Gee, of course not! For heavens sake Tinay I'm still pure as coconut oil!"sarkastikong bulalas nya rito na ikinahalakhak ng kaibigan.
Kiss lang nman ang namagitan sa kanila ng asawa. She's still innocent in making love.
Kung alam lang ng kanyang kaibigan ang real na relasyon ng pinsan nito at sya ewan kung anong magiging reaksyon ng kaharap. Sa ngayon ayaw nya munang sabihin rito dahil dadagdag lang ito sa gulo ng buhay nya. Baka ito pa  mismo ang maghatid sa kanya sa bahay ng strange husband nya kapag nalaman nito ang lahat.
"Good!I'm  relieved to know you're still virgin!"napahagikhik nitong wika. Nanlaki nman ang mga mata nya sa nanulas sa labi ng kanyang kaibigan.
" I don't wanna see my cousin's wife making your life hell and miserable if ever she'll come back here. I really don't get it why kuya married her!Gosh! She's so maarte and selosa!"nakaismid nitong  reklamo sabay gigil.  Disgusto talaga ito sa nakilalang asawa ng pinsan nito. Natawa na lamang sya sa narinig ngunit di nagkomento.
Alam nyang nasa labas pa ng bansa ang kapatid dahil nabanggit iyon ng kanyang ama ng minsang nagkausap sila. Ito parati ang kausap nya kapag may signal sila sa barko. Minsanan lang sya tumawag sa ina. Umiiwas syang maungkat na nman ang nangyari noon bago sya umalis. Masama pa rin ang loob nya ngunit kalaunan nawala na rin ,yun nga lang di na pareho sa dati ang nararamdaman nya.
"Kelan kayo nagkakilala ng pinsan ko? Sana ikaw na lang ang naging wife nya baka naging masaya pa ito!"Narinig nyang wika uli nito. Excitement written all over her face when she voice it out.
Napatda naman sya sa sinabi nito ngunit agad ding naitago iyon sa kaharap.
"Kat nman eh. Let's stop this issue. Wala nman talaga kaming matatawag na pinagsamahang matagal nung tao, ok? Kung anu man ang naging koneksyon nmin noon ipapaliwanag ko sayo sa tamang panahon. Kaya easy ka lang muna ,wag kang mainip! "Aniya rito.
"Bruha! Kilala ka ng pinsan ko kaya alam kung may malalim na reason bakit ka nya hila-hila kanina. Di ko nman nakikitang may hila-hilang babae ang pinsan kong iyon noon pa anu!"Anito sabay halukipkip ng braso sa dibdib sabay upo sa sofa na nakasimangot.
"Oo na malalim na kung malalim ang nakikita mong rason. But di pa ito ang right time para malaman mo ok. "Aniya uli rito na napapailing.
"Alam kong noon pa mang una tayong magkita may lihim ka ng tinatago kahit nga ang bahay sa antipolo na pinupuntahan mo di mo pinaaalam sa akin eh dahil ayaw mong pumunta ako doon baka may malaman ako!. "Nagtatampo nitong sabi na nakasimangot pa rin.
"Dadalhin kita dun sa sunod na mga araw"sabi niya lamang ng maungkat na nman ang bahay nya sa antipolo.
"Talaga?! Good! Kasi excited akong ma meet si nanay Cedes na sinasabi mo! "Wika nitong nakapagkit na ang ngiti sa labi. Nawala ang hinampong ipinakita kanina sa kanya.
Nagpahinga na silang dalawa sa kanya-kanyang silid dahil maaga silang papasok sa bakeshop kinabukasan.
Mabuti na lamang at di na ito nangulit pa uli sa kanya sinabi nyang napagod sya kaya matulog na lamang sila.

Nasa baking room silang lima ng pumasok si White.
"Chef Auline, may naghahanap kay chef Kat. "Bungad na wika nito. Napaangat sya ng mukha mula sa kanyang ginagawa.
"Sabihin mong maghintay lang sandali pabalik na kamo iyon. May kinuha lang sandali sa labas. "Aniya saka nagpatuloy sa naudlot na gawain.
"Eh chef, sinabi ko ng nasa labas nga si chef kat. Gusto nyang may makausap na ibang chef. "Napapakamot na wika ng lalaki.
"Anu ba raw kelangan nya? Magpapabake ba sya? Pakita mo na lang yung pictures ng mga cakes natin sa kanya. Busy ako"Aniya uli di man lang nag-angat ng mukha.
"Chef nman lola na yung nasa labas at mukhang istrikta ang dating baka maya magalit sa akin eh. "Alanganing wika nito.  Alumpihit sa kinatatayuan.
"Alright, I'll be out in a minutes.  Let her sit for a while and serve her our goodies treat for our customers. "Aniyang tinapos na ang ginagawa para maidisplay na agad iyon sa labas.
Mayamaya marami na silang customers na magsisidatingan kaya kelangang marami ang mga itong makita sa display nila.
Makalipas ang ilang sandali inayos nya ang sarili saka lumabas.
Paglabas nya nakaupo ang isang babaeng alam nyang may edad na. Bakas sa damit na suot nito na may kaya ito sa buhay. Bahagyang nakatalikod ito sa gawi nya kaya malaya nyang napagmasdan ang babae.
"Excuse me ma'am, how may I help you? "Ang business like nyang wika.
Napalingon ito sa kanya at ganun na  lamang ang pagkagulat nito ng makita sya.
"You're chef Auline right? In a luxury cruise ship? We've met before."Anitong napalitan ng ngiti ang gulat nito. Mas lalo itong na excite ng makilala sya.
Napangiti sya ng maalala ang matandang babae na pinagbake nya ng vulcanic cake.
"Opo. Kayo po ba ang naghahanap kay chef Katrina maam? "Magalang na wika nya.
"Have a seat po uli. "Aniya ng makitang nakatayo pa din ito. Napaupo na rin sya sa kaharap na upuan ng bisita nila.
"Oh thanks. "Matamis ang ngiting wika nito bago muling umupo sa dating kinauupuan. Di sya nito nilulubayan ng tingin kaya nakadama sya ng pagkailang.
"Yes, ako nga. Matagal ko na kasing di nakikita ang apo kong iyan. "Anito may magandang ngiti sa labi.
"Oh sorry ma'am ,di ko alam lola  pala kayo ni Kat. Sandali lang po tatawagan ko sya para makabalik agad-"sabi sabay tayo at akmang iiwanan ito para sana tawagan ang kaibigan ngunit di sya nito hinayaang iwanan ito maagap sya nitong napigil sa pagsalita.
"No need iha. Di nman talaga sya ang sadya ko rito. "Putol nito sa sinabi nya. Biglang naging seryoso ang mukha nito.
"Po?  Kung ganun anu po palang isinadya nyo rito? "Takang wika nya lihim syang nagtaka.
"Ikaw. "Direktang wika nito. Nakatitig sa kanyang mga mata.
"Huh? "Ang gulat nyang nawika.
"Ako po.  Bakit po? "Tanong nya na biglang kinabahan. Ayaw nyang isiping may nalalaman din ito about sa buhay nya.
"You may not know me personally but I know your connection in my family. Ikaw ang best friend ng apo kong si Katrina diba? "Paniniyak ng kaharap.
"Opo. "Ang napapalunok nyang wika sa kaharap. Tila sya biglang pinanuyuan ng laway sa lalamunan.
"Good. At least tama ang taong kaharap ko ngayon. "Anito.
"Anu pong ibig nyong sabihin.? "Kabado pa ring tanong nya. Ayaw nyang pangunahan ito.
"I'll tell you in the right time. "Makahulugang wika nito saka ito nagpaalam na aalis na.
Bago pa ito tuluyang umalis nagulat pa sya ng basta na lang sya  nitong niyakap at hinalikan sa pisngi.
"Take care of yourself iha. Nice to meet you again.. "Sabi nito matapos nitong tapikin ang likod nya saka lumabas at sumakay sa nakaparadang sasakyan nito sa harap ng shop nila.
Napatulala syang napatingin sa pintuang nilabasan ng matanda. Shock sya dahil kahit di ito nagsalita ng malam nyang may ideya na ito kung sino sya.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon