Narating nila ang bicol after hours na biyahe sa himpapawid. Nang makalabas sila sa airpot agad humanap ng taxi si Danna.
Pinili nya yung familiar ang mukha para di nito maloloko ang kasamang kaibigan. Kahit siguro pabulaanan nyang di ito dayuhan sa kanila di rin sya paniniwalaan ng mga kababayan.
Gustuhin nya mang doon patuluyin ang bagong kaibigan sa bahay nila. Di maari dahil lalo lang magkakagulo sakaling dumating na lang bigla ang kapatid roon. Baka madamay pa si Lewis sa problema nya. Kakahiya nman sa lalaki madadamay pa ito sa gulo nila ng kanyang kapatid.
"Can you help me find a hotel to stay for a days?"narinig nyang wika ng katabing lalaki habang lulan sila ng taxi patungo sa city.
"Sure."tipid nyang wika saka binigyan ito ng tipid ring ngiti. Magaan ang loob nya sa lalaki kaya kampante syang tulungan iti sa pakay nito sa bansa.
"Thanks Pauline."saad nito na gumuhit ang magandang ngiti ng lalaki sa mga labi.
"Dont mention it Lewis. Its my pleasure to help you."aniya.
Narating nila ang city kaya sinabihan nya ang taxi na ihatid sila sa anumang hotel na madaanan nila.
Maya-maya pa huminto iyon sa isang two star hotel na pag-aari ng isang spanish na nakapag-asawa ng pinay.
Mabait ang mga staffs roon kaya doon nya na pina-check in ang lalaki.
"So, i will go ahead. I will call you tomorrow to roam around the town."paalam nya rito.
"Wait, i will come with you. I have nothing to do here. Can i drop you to your house?"anito sa kanya.
Nagdalawang isip sya kasi siguradong magtataka ang kanyang ina kung bakit may dala na syang lalaki pag-uwi galing manila.
"Ok. ."aniya nagpaalam ito sandali para dalhin ang mga gamit nito sa loob ng hotel room.
Pagkapasok nito ng lahat mga gamit sa room na inukupa nito muli sya nitong binalikan sa lobby. Doon nya na kasi ito hinintay.
"Lets go?"aniya na agad napatayo sa kinauupuan ng makita itong papalapit.
"Wait. We need a car. I will go in the reception desk so that I can ask where can i find a renting car."anito na agad tinungo ang receptionist na nakatalaga sa reception area.
Maya-maya pa ay nakangiti na sya nitong nilapitan at may hawak na rin itong car key.
"Hmmmm, you get a car key that fast huh! You charm the receptionist, didn't you?"aniya sa boses nanunudyo sa lalaki.
"What can i do am so charming .."napangisi nitong sagot saka kinuha ang kanyang bagahe at nagpatiuna na itong lumabas sa exit ng hotel.
Nagtanong ito sa guard kung saan naroon ang mga car na inuupuhan. Matapos ituro ng guard sa lalaki ang direksyon pinaghintay sya nito sa labas dahil kukunin ang sasakyan na nirentahan nito.
Wala pang limang minuto nasa harap na ito ng entrance ng hotel at agad syang kinambatan na sumakay sa unahan.
Nang makalabas ito kinuha nito sa kanyang kamay ang bagahe at diniposito iyon sa back compartment ng sasakyan.
Itinuro nya ang way patungong bahay nila. Malapit lang nman ang bahay nila sa mismong city. Nasa isang kilalang subdivision sila nakatira kung saan pare-pareho ang pagkakayari ng mga bahay na may kalakihan lamang. May garden sa harap na pinasadya pa ng kanilang ina na ipaayos. Maraming mga bulaklak na nakatuwaan din ng inang si Sandra na alagaan.
"We are here and thats my house."aniya na itinuro ang bahay na may pintang light blue sa labas ng bakuran.
Inihinto ng lalaki ang sasakyan nito sa gilid ng bakuran nila dahil nakapark din sa labas ang sasakyang bigay ng asawa nya.
Nasalubong pa nila ang driver nya ng papasok na sila sa loob ng bakuran.
"Hi Mang Gardo!"magiliw nyang wika rito sabay ngiti.
"Oh Danna nandito ka na pala. Kumusta si sir Louie?"anito saka lumampas ang tingin sa kasunod nyang kasama na may dala ng kanyang bagahe.
"Ok na po sya manong ,saka friend ko pala na nagbabaksyon dito sa atin. Si lewis, lewis this is Gardo."pakilala nya sa dalawa.
Tinanguan lamang ito ng matanda ng ngumiti si Lewis saka kumaway sa matanda.
Nagtuloy sila sa loob ng bahay, pinapsok nya ito sa kanilang sala at pinaupo muna.
"Have a seat Lewis. Thanks for carrying my luggage too."wika nya at kinuha na iyon sa kamay ng lalaki.
Nagpaalam sya sandali rito para ipasok ang gamit sa kanyang silid saka muling lumabas.
"Danna ikaw na ba yang-" narinig nyang wika ng ina na papalabas sa kanilang sala.
"Oh sino ka?"ang nagulat na wika ni Sandra sa lalaking nakaupo sa kanilang sala.
"Hi! Im sorry I am Lewis friend of Pauline."wika nito saka ngumiti sa ina ni Danna. Hinulaan nya lang ang sinabi ng ginang basi sa reaksyon nito sa mukha na nagulat.
Napakunot noo nman ang ginang may inuuwing kaibigan ang bunso nya at ito ang unang beses na nagdala ito ng kaibigang lalaki sa bahay nila.
"Nay!"tawag nya sa pansin ng ina ng di ito kumilos na nakatitig kay Lewis.
"Danna,bakit ka nagdala ng lalaki rito?"agad nitong sita sa kanya ng balingan sya.
"Nay, kaibigan ko po yan. Na meet ko sa manila at gusto nya kasing magresearch ng mga native foods natin kaya tinulungan ko na."paliwanag nya.
"Sumunod ka sa akin."anito saka muling sinulyapan ang bisita ng anak at pilit binigyan ng friendly smile.
"Lewis, i will prepare some snacks ok. Just feel comfortable in our house."aniya sa lalaki na tumango at napangiti lamang.
BINABASA MO ANG
$LOVING YOU SECRETLY
Romansa#1-denials #1-selfish #1-giveaway #1-giveup #1-confrontations #1-strange #1-loneliness #1-givenup #5-forced #6-familyproblems #6-missing #7-selfish #8-attractions " Ok, I won't chased her anymore. "Anito na tila ibinitin pa ang iba pang sasabihin. ...