Chapter 24

2.8K 69 0
                                    

  Marami ng mga bisita ang  nanduroon makalipas ang ilang oras simula ng dumating sina Danna sa party ng ina ni Katrina.
    Mayron silang sariling mesa na talagang pinareserve agad ng ina ng kanyang kaibigan ng malaman nitong may mga kasama syang dumating doon. Tama lamang sa kanilang walo ang laki ng mesang pinaukupa sa kanila.
  Pinili nila yung table na may kalayuan sa karamihan. Parehong ilang sa party ang magkaibigan kaya iyon ang nagpagpasyahan nilang ukupahin.
    Lahat sila ay nakakuha na ng mga pagkain ng pumuwesto sila sa kanilang table. Maliban roon pinasilbihan pa sila ng mag-asawa sa mga nagcater sa mga ito. Isang waiter ang pinatutok nito sa anumang kaylangan nilang magkakaibigan.
Pinalagay din ng ina ng kaibigan ang lahat ng mga pagkain sa mesa nila kahit todo tanggi silang walo na gawin iyon ng ginang kasi piling nila espesyal sila masyado doon.
Di nman kasi sila talagang foodie eaters. Nasanay sila sa bread lamang not heavy meals.
    Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng biglang may marinig silang ugungan sa bandang gate ng mga Samaniego.
Ang mga kasama nya pati na rin si Tinay ay napako ang tingin sa mga bagong dating na bisita.
Sya kasi ay nakatuon ang tingin sa kanyang pagkain. Di sya mahilig magpagala ng mata habang kumakain dahil nagagalit ang kanilang ina noon. Walang galang daw iyon sa mga grasya na nandun sa hapag kainan nila. Nakatutok lang talaga sa food nya ang kanyang buong atensyon na nakasanayan.
Kaya nman ng biglang syang siniko ni Tinay na syang katabi nya sa upuan ay napasimangot syang napaangat ng tingin rito.
"What? "Aniya. Nabitin tuloy sa ere ang hawak nyang kubyertos.
Ngumuso ito sa main gate ng bahay ng mga ito.
Napakunot noo namang sinundan nya ng tingin ang ininguso ng kaibigan sa kanya.
Tila sya nakakita ng multo ng masilayan ng kanyang mata ang limang bisita na kakarating lamang. Di sya nakatinag ni nakabawi sa gulat sa mga bagong dating na bisita.
  Ang tatlo sa mga iyon ay kilala nya maliban sa magkaabrisyete na pares na kasama ng mga ito sa hulihan ng tatlong nauna.
Bumalatay ang sakit sa kanyang mukha ng mapatutok ang kanyang atensyon sa naunang pumasok. Nakadama sya ng sakit  sa dibdib. Tila may pumunit ng kanyang puso at ginutay-gutay iyon. Para syang tinarakan ng punyal sa dibdib na tila di na sya makahinga ng maayos. Biglang nagsikip ang kanyang pakiramdam sa dibdib. Lumakas ang tambol ng puso at nakakabingi iyon sa kanyang pandinig.
Tila nagkandahiwa-hiwalay ang kanyang puso ng mga oras na iyon sa kanyang nasasaksihan. Possessive kasing nakayakap ang kanyang kapatid sa bewang ng kanyang asawa. Akala nya di na sya makakadama ng anumang sakit kapag muling nakita ang mga ito. Ngunit nagkamali pala sya. Maling-mali dahil hanggang ngayon di pa pala nya matanggap-tanggap ang bagay na iyon.
Bakit ba kelangang pa silang magkita-kita sa iisang lugar? Bakit kelangang nya pang maramdaman ulit ang sakit na dulot nila noon pa?
Kapag babasehan mo sa tingin ang dalawa, masasabi mong they're perfect couple. Nakaplaster ang magagandang ngiti sa mga labi habang sinalubong nman ng mga magulang ng kaibigan.
Nakakapit pa ang babae sa braso ng lalaki ni hindi lang man binaklas iyon sa braso nito.
Di nya malaman kung anung gagawin ng mga oras na iyon. Nabubulagan na nman sya ng kanyang selos. Tila gusto nyang magtago or tumakbo palayo sa lugar na iyon para wag ng maramdaman ang mga ganoong emosyon. Akala nya di nya makikita ang lalaki rito dahil wala raw ito sa bansa ngunit bakit ba tila sya pinaglalaruan ng tadhana at ngayon ay pinagtagpo silang muli. Mapagbiro lang talaga siguro ang tadhana para sa kanilang tatlo ng gabing ito.
   Mabuti na lang pala talaga,di sila pumwesto sa bandang gate ng bahay kundi makikita kaagad sila ng mga taong pilit nyang iniiwasang magkasanga ang kanilang mga landas. Mabuti na lang at may kadiliman sa kanilang mesa kaya di agad babanaag ang mga nakaupo roon.
Naramdaman nya ang paghawak ni Tinay sa kanyang palad na malapit rito. Pinisil iyon ng kaibigan nya bilang pagsuporta sa anumang mangyayari mamaya.
Napatingin tuloy sya rito. May luhang namumuo sa kanyang mga mata na pilit nya sanang ikinukubli sa katabi. Ngunit nakita na iyon ng kaibigan bago nya pa man iyon maitago rito.
"I know you're hurting now but please don't let them see it. Just try to compose yourself and ignore them."Anito saka sya kinabig palapit rito. Niyakap sya nito at hinagod ang kanyang likod para gumaan ang kanyang pakiramdam.
"Di ko pa pala kayang harapin ang binalikan kong problema rito Tinay.. "Mahinang anas nya. Nahulog na ng tuluyan ang luhang kanina nya pa pigil-pigil malaglag sa pisngi nya.
"Hush... Kakahiya kapag mapansin tayo ng anim nating kasama rito na nagiging emosyunal ka na dito. Kalmahin mo muna ang sarili mo. Take a deep breath and release it harshly para mabawasan ang tensyon na iyong nararamdaman. Pagkatapos nating kumain aalis na kaagad tayo rito. It's not the right time para muli kayong magkita ni kuya Dale. Siguradong lilikha ng malaking eskandalo ang babae nya! Kapal talaga ng mukha nyang Maureen na yan!. Di nman pala sya ang real wife! Hmmp! Imbyerna ang gabi ko! "Ang gigil na turan ng kaibigan.
"Guys let's finish our food and headed to the bar! "Agaw sabi ni Tinay sa anim na lalaki ng maayos na ni Danna ang kanyang sarili.
Tila wala syang nakita kani kanina lang.  Na composed nya agad na ang sarili sa tulong ng kaibigan. Handa talaga syang ipaglaban ng babae kahit na sino pa ang kasangkot!
"Chef, kuha muna kami ng Devil little cakes! Then after that I guess it's time to leave the party eh?"Paalam ng mga ito sa kanilang dalawa ni Tinay.
Nagkatinginan sila bago napatango ng walang salita.
Nang makaalis ang anim sya nmang lapit ni Arthur sa mesa nila na kararating lang din pala doon.
"Hi cookies! And bunny girl!"Malambing nitong wika sabay punta sa kanyang tabi at naupo.
"Arthur! "Ang sabay na wika nilang magkaibigan.
Tumayo uli ito at binigyan silang magkaibigan ng tight hugs at kiss sa cheeks saka muling pumwesto sa tabi ni Danna.
"Really kuya? You still call me that silly pet names of yours! Bunny girl huh! "Nakasimangot na protesta ng kaibigan dito.
"Of course! Even if you're already married I will still call you that name! So, cookies kelan ka pa bumaba ng barko?. Di mo man lang ako inabisuhang bababa ka sana nasundo kita sa airport at ng maiuwi agad kita kina mama at papa. "Ang nakangising baling  nito sa kanya matapos sagutin ang kapatid nitong nakatulis na ang mga nguso sa kanyang tabi.
Nanlaki nman ang mata ng katabing kaibigan sa kapatid nito.
"Hoy! Arthuro! Taken na yang sinasabihan mong iuuwi sa atin noh?!"mataray na wika ni Tinay rito na ng mga sandaling iyon ay nakahalukipkip ng nakatingin sa kapatid.
Napataas kilay lang ang lalaki sa tabi nya na at dedma ang sinabi ni Tinay rito.
"You're lying sister. No, she's not ,dahil sa akin sya magpapakasal diba, my cookies. Kahit binasted nya ako noon di pa rin ako nawawalan ng pag-asang masungkit ang malacookies sa tamis nyang OO"anito saka pinapungay pa ang mga mata nito sa kanya.
Napahalakhak nman ang kaibigan nya sa narinig mula sa kapatid. Sya na nakikinig lang din ay di napigilang mapabunghalit sa tawa.
Nahampas nya tuloy ito sa balikat na ikinasubsob nito sa mesa dahil napalakas pala ang hampas nya.
Nasanay na syang hinahampas ito sa balikat kapag dumidiga noon. Kasi yung mga wording na gamit nito ay related sa mga gawang pastry nya.
"Ouch nman cookies! Gusto mo atang pilayin ang balikat ko. Panu pa kita mapapasan kapag nadislocate ang shoulder ko? "Nakapout na sabi nito. Alam nyang naglalambing ito at gusto nitong ipamper nya ang lalaki.
Kaya nman hinila nya ito sa braso at pinalapit sa kanya.
"Alam mo bloody arthur, sakali mang mabalian ka ng balikat don't you worry aalagaan ka nman nmin ni Tinay eh. Di ba tinay? "Sabay kindat na sabi nya sa katabi na napangisi rin sa kanya kaya biglang napatayo ng mabilis si Arthur palayo sa kanilang dalawa. Alam nyang may binabalak ang dalawang babae sa kanya. Kaya bago pa man sya maging alipin ng mga ito ay naisip nya ng layasan ang dalawa. Ngunit akma pa nga lang syang lalayo maagap na syang nahila ni Danna sa isang kamay. Mahigpit ang hawak ng dalaga sa kamay ng lalaki kaya di ito agad nakatakas.
"Why don't you take us out here? We're bored in this party. Let's continue this chatting in the bar. "Nakangiting wika nya rito sabay papungay ng mga mata sa lalaki na lalong ikinakaba nito.
Napapangisi nman si Tinay sa tabi nya. Mayron kasing naisip na kapilyahan ang dalawa para sa lalaki.
"No way! I see it in your eyes you have something in mind cookies. The last time I was with you two I ended up having a bad headache! "Anito saka pilit kumuwala sa hawak nya.
Bago pa man makalas ni Arthur ang kamay ni Danna ay nahawakan na sya ng kapatid sa kabilang braso.
"Oh no! Not now cookies,bunny! I have a plane to catch! "Ang bulalas nitong wika.
Naghagikhikan nman ang dalawang magkaibigan sa tabi ng lalaki.
Pilit nilang hinila ang lalaki paupo sa inupuan nito kanina ng may biglang umagaw sa atensyon nilang tatlo.
"What's happening here ladies,Arthur? "Ang nakataas kilay na tanong  ni Wayne sa kanilang tatlo.
Sabay pa silang tatlo na napatingin sa taong nagsalita. Saka lang nilang napansin kung sinu-sino ang mga magkakasunod na dumating sa likuran ng lalaki kaya napatigil sila bigla sabay bitiw sa braso ng lalaki.
Ang limang dumating kanina at ang mga magulang ni Tinay pala ang nanduroon at di man lang nila napansin ang paglapit ng mga ito sa mesa nila. Nasa likuran rin ng mga ito ang anim na lalaking empleyado nila sa shop,nakatanga sa nadatnang eksena ng tatlo.
"Ah eh..
We're just having fun dad, mom! "Ang naibulalas na wika ni Arthur sa mga ito sabay kamot ng ulo nito. Di rin maitago ang pamumula ng pisngi ng lalaki sa magkahalong hiya. Sila nmang dalawa ni Tinay ay guilty na nagkatinginan.
May nabasa sya sa mata ni Tinay. Di lang sya sigurado kung tama sya .
Bago pa man sya makapagbuka ng bibig nauna na itong magsalita.
   "Mom, dad... Mauuna na po kaming umalis. May session kasi kami bukas ni Auline kaya aalis na kami. "Anito sabay hila sa kamay nya at nagmadaling naglakad palayo sa mga ito ng may pumigil sa kanilang pag-alis.
"Wait! "Ang pigil na sabi ng matandang babae sa kanilang likuran.
Alam nyang kaya ginawa iyon ni Tinay ay para matakasan ang anumang interogasyong mangyayari mamaya. At dahil rin sa mamumuong tensyon sa pagitan ng tatlo mamaya, alam nitong magiging awkward iyon sa parte nya.  Kahit di sya nakatingin sa dalawang pares ng mata na nakatitig sa kanya alam nyang matatalim na titig ang itinapon sa kanya ng kapatid at ramdam nya iyon.  Alam nyang nagulat ang mga ito na makita sya roon. Mabuti na lang walang nagsalita sa dalawa kundi baka nagkaroon ng malaking tensyon sa kanilang paghaharap muli.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon