Chapter 8

3K 82 2
                                    

Kinabukasan napakaaga pa lamang nabulabog na sya ng mga malalakas na katok ng kanyang ina sa labas ng kanyang silid.
"Danna! Anak gising!"sigaw nito sa labas.
Pupungas-pungas pa sya ng pagbuksan ito ng pintuan.
"Bakit nay?"agad nyang sabi rito ng makita nya itong di mapakali sa kinatatayuan.
"S-Si louie....ang asawa mo k-kuwan-"anitong tila hirap itong sabihin ang tungkol sa asawa nya.
"Nandyan na ba sya nay? Wait lang po kukunin ko lang ang mga gamit ko-"aniya ngunit bigla na lamang sya niyakap ng kanyang ina ng sobrang higpit sabay napahagulhol ito.
"N-nay nman eh. Sa manila lang nman ako pupunta di po ako lalabas ng bansa!"nattatawa nyang wika sa ina.
"Danna..., na- naaksidente ang iyong asawa habang patungo sa  kinaroroonan ng private chopper nito. Nabangga ng cargo truck ang sasakyan ng iyong asawa!"wika nito na lalong napaiyak sa kanyang harapan.
Para nman syang itinulos sa kanyang kinatatayuan. Wala syang maisip sabihin sa ina na yakap-yakap pa rin sya.
Tila sya nauupos na kandila na bigla na lamang nawalan ng lakas kaya agad syang nahila ng ina pabalik sa kanyang room at pinahiga sa kanyang kama.
"N-nay , l-luluwas po a-ako papuntang m-manila."wika nya sa ina na pautal-utal.
"Danna...sasamahan na kita baka mapaano ka pa."wika nito.
"Wag na po nanay. Wag po kayong mag-aalala kaya ko po ang sarili ko. Kelangan ako ngayon ni Louie sa kanyang tabi."aniyang pinakawalan na ang mga luhang pinigil nya kaninang malaglag dala ng kabiglaan.
"Ok tatawagan ko si Cerilo ang captain ng chopper ni Louie."anito . Iyon din kasi ang nagbalita sa kanya ng maaksidente ang boss na ihahatid sa bicol.
  Naroon lamang sya buong maghapon sa kanyang silid. Kahit anung pilit ng kanyang ina na kumain sya di nya malunok ang anumang pagkaing isusubo. Na kay Louie ang isip nya. Naglalaro sa kanyang isipan ang seryoso nitong mukha.
  Napangiti sya ng mapait kung bakit kelangan pang madagdagan ang kanyang paghihirap.
  Maaga pa lang kinabukasan lulan na sya ng private chopper ng lalaki. May kabang lumukob sa kanyang puso ng lumapag na iyon sa rooftop ng Montemayor building.
  Agad syang sinamahan ni Cerilo sa hospital kung saan naka confine si Louie. Ang pagkakaalam ni Cerilo kaibigan lamang sya ni Louie dahil nga parati nitong hinahatid ang boss sa bicol.
Wala syang alam kung sinabi ba ng lalaki na mag-asawa silang dalawa. Di nman  matanong ang lalaki ayun dito kelangan raw may magbabantay sa binata di pa raw ito nagigising.
   Nasa ICU pa rin ang lalaki ng makarating sila sa hospital. Hinatid lamang sya roon ng lalaki saka muli rin itong nagpaalam na babalik na sa trabaho nito.
"Excuse me? Are you related to the patient?"ang narinig nyang wika ng isang lalaki sa kanyang likuran.
Pinahid nya ang luhang di nya napigilang tumulo kanina. May benda sa ulo ang lalaki maliban roon meron pa itong mga galos sa braso.
Nilingon nya ito saka kiming ngumiti.
"K-kaibigan nya po ako doc"aniya ng makitang nakasuot ito ng puting damit.
"Oh, wala ba syang kamag-anak rito iha?"anito
Paano nya ba sasabihin rito na kahit sya walang alam sa buhay ng asawa nya.
"Pasensya na po kayo doc. Sa pagkakaalam ko nasa ibang bansa po ang pamilya nya."aniya kahit di tyak ang sinabi rito.
"Oh i see. Sya sige maiwan muna kita at titingnan ko lang ang kalagayan ng pasyente."pagkawika pumasok na ito sa loob.
Naiwan syang di alam ang gagawin. Anu ang gagawin nya? Ni wala lang man syang kaalam-alam sa buhay nito. Ni hindi nya nga alam ang bahay ng lalaki.
Isa lamang ang naisip nya ang magtanong kay Cerilo. Ito lamang ang alam nyang makakatulong sa problema nya.
Kahit bagong salta sya sa manila naglakas loob syang lumabas ng hospital at maghanap ng pansamantalang matutuluyan. Mabuti na lamang may nahanap syang paupahang silid para sa mga dayo sa manila na naghahanap ng matutulugan pansamantala. Isang block lang ang layo sa hospital na kinaroroonan ng lalaki.
   Matapos magbayad ng pauna sa may-ari inilipat nya na ang bagahe na iniwanan nya pa sa guard ng hospital. Mabuti at mabait ang may katandaan na gwardya sa hospital kaya laking pasalamat nya roon.
   Lumipas ang isang week di pa rin nagigising ang lalaki. Ligtas na ito at nailipat na rin sa private room ang binata.
  Araw araw syang nakabantay sa lalaki. Tiningnan ang improvements nito. Ngunit di pa rin nagigising ang asawa. Comatose pa rin.
Tumawag na rin si Cerilo sa pamilya ng amo sa ibang bansa sa sunod na araw raw ang dating ng mga ito. Kaya makadama sya ng pagkabahala sa pagharap sa pamilya ng lalaki.
   
    Nakaupo sya sa tabi ng bed ng asawa ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang taong di nya inaasahang makikita roon.
"A-ate M-maureen?! Ate nagbalik ka na!" Masaya nyang wika sabay tayo at nilapitan ang kapatid.
Akmang yayakapin nya ito ng bigla na lamang sya nitong sinalubong ng malakas na sampal. Lumagapak ang palad nito sa pinsngi nya.
"A-ate bakit?"ang wala sa sariling wika nya sabay sapo ng pisnging masakit ang pagkakasampal ng kapatid.
"Ahas ka! Bakit ka nagpakasal kay Louie?! Bakit?!"galit nitong wika.
"A-ate ...."tanging nasabi nya
"Di ba iniwanan ko sayo ang sulat para ibigay iyon kay Louie sakaling dumating doon Danna? Anu ngayon at ikaw ang nagpakasal sa kanya na dapat sana ay ako! Dahil uuwi  di nman ako matapos ko ang 6 months na work contract ko sa ibang bansa para magpakasal kami ni Louie!"galit na galit nitong turan. Nansisilik ang mga matang tiningnan sya ng masama.
"Ate kahit kami ni inay ay nabigla rin sa naging desisyon ng asawa ko."aniya
"Huh! Ang kapal nman talaga ng mukha mo Danna para tawaging asawa ang nobyo ko?! Mahiya ka na Danna! Di ako papayag na maagaw mo sya ng ganun-ganun na lang. Ako pa rin ang nagmamay-ari ng puso nya kaya kung ako sayo layuan mo si Louie at wag ka ng magpakita  pa sa kanya.!"pagkasabi hinila sya nito sa kamay at pinalabas sa loob ng silid sabay sara at lock niyon pagkatapos.
Napaluha na lamang ang tangi nyang nagawa. Di nya inaasahan ang maagang pagbabalik ng kanyang kapatid.
Alam nyang nagi-guilty sya sa nangyaring kasalan sa pagitan nila ni Louie. Kung ibinigay nya sana ang sulat noon baka di natuloy ang kasal nila at di na sana umabot sa ganito ang nangyari. Ngunit dahil pinigilan sya ng ina na iabot iyun sa lalaki nangyari ang ganitong gulo sa buhay nya. Dahil  sabi ng ina nya  wala rin daw silbi kapag binigay nya iyong sulat dahil matutuloy at matutuloy pa rin daw ang kanilang kasal ni Louie.
     Umuwi na muna sya sa inuupahang bahay saka balak bumalik kinabuksan. Papalamigin nya muna ang ulo ng kanyang kapatid bago kausapin uli.
Pagdating nya sa silid ng lalaki wala doon ang kanyang kapatid kaya nagpasya  na syang pumasok sa loob. Naupo sya sa tabi ng bed ni Louie. Hinawakan nya ang isang palad nito at hinaplos-haplos.
"Louie,ibinabalik na kita sa totoong nagmamay-ari sayo....."aniya. Di na pigilang tumulo ng kanyang luha habang hawak ang kamay ng lalaki.
Nagulat pa sya ng bigla itong gumalaw napatingin sya sa mukha ng lalaki ng dumilat ang mata nito ng paunti-unti at nagsalita.
"S-sino ka?"ang mahinang wika nito ng bumaling sa kanya ang tingin nito.
Napalunok sya ng laway ng wala sa oras. Di nya na kelangan pang tanungin kung anung nangyari sa lalaki dahil isa lang ang nasa isipan nya. May amnesia ito. Nagka amnesia ang kanyang asawa at di sya nito kilala.
    "Inuulit ko sino ka? Bakit di kita matandaan?"anitong halata sa boses ang pagkayamot dahil di nya ito masagot. Di nya malaman ang gagawin at sasabihin dito.
"A-h ...ehhh..."aniyang magsasalita pa sana uli ng biglang bumukas ang pintuan at iluwa ang kanyang kapatid kasunod ang dalawang doktor na nagmomonitor sa kalagayan ng lalaki.
"What are you doing here?"matigas na wika ni Maureen sa kanya ng mapansin nitong gising na si Louie.
"Oh God Louie honey! Thanks god you are awake!"anito na agad lumapit sa lalaki sabay yakap dito ng mahigpit.
"Maureen...you came back"may ngiti sa labing wika ng lalaki.
"Sino sya Maureen?"baling nito sa kanyang kapatid.
Tila nman sya tinarakan ng punyal sa kanyang dibdib dahil ang kapatid nya lamang ang naaalala ng asawa at sya ay hindi nito maalala.
"She is nobody honey. I paid her to watch you. Pwede ka ng umalis dito. Doc,paki check na lang po ang husband ko."wika nito saka sya tiningnan ng masama.
Wala syang nagawa kundi ang umalis sa loob ng silid narinig nya pa ang sinabi ng asawa habang sya ay papalabas doon.
"Doc,but di ko maalala lahat ng nangyari sa akin. Pili lamang ang naalala ko.."wika nito sa dalawang doctor.
"Dont worry Louie, babalik rin lahat ng alaala mo sa tamang panahon sa ngayon kelangan muna nating suriin ang iyong kalagayan."wikang isang lalaki rito.
"Mas makabubuti kung magpatingin ka sa ibang bansa para matingnan ng maigi ang iyong kalagayan."suhestyon nman ng isa pang kasama ng doctor.

"From now on kalimutan mong ikinasal ka sa nobyo ko! Dahil di ka na nya maalala ako na ang tatayong asawa nya. Sana nga makalimutan ka na nya ng tuluyan para di ka na maging sagabal pa sa pagsasama nming dalawa!"diretsang wika sa kanya ng kapatid kahit nasa pasilyo pa sila ng hospital. Sinundan sya nito pagkalabas nya ng silid ng asawa. Ang mga taong napapadaan sa tabi nila ay napapasulyap na lang sa kanila.
"Bukas na bukas rin bumalik ka sa bicol. Kunin mo lahat ng nga importanteng papeles para makalabas ka ng bansa. Ayaw kong makita ang pagmumukha ng ahas kong kapatid. Dont worry di nman ako ganun kasama. Tutulungan kitang mapadali ang pagprocess ng papeles mo. Magtetraining ka sa isang training center sa loob ng ilang buwan. At gusto kong wag kang umuwi dito hanggang di pa kami nagkakayos ni Louie.Mas maigi kung wag ka na ring magpakita pa sa amin. Lalo na ang umuwi sa bicol. Binabalaan kita Danna! Masama akong kalabanin!"mahabang litanya nito. Nakayuko lamang sya sa lahat ng mga sinabi nito.
"Naintindihan mo ba ako Danna?!"muling wika nito na hinawakan pa ang kanyang bisig at bahagya itong pinisil.
"O-oo ate.."aniya. Di napigilang wag tumulo ang kanyang mga luha.
"Wag ka ngang iiyak iyak riyan. Akala mo siguro maaawa at maiisahan mo ako anu? Kahit kailan di kita hahayaang maagaw ang anumang akin  Danna! Now ,umalis ka na nga sa harapan ko bago pa kita hilanin at sabunutan!"inis nitong bulyaw.
Dahil sa kagaspang ng ugali ng kanyang kapatid di nya na kaya pang magtagal sa lugar na iyon.
Patakbo syang lumabas sa hospital kaya nman di sinasadyang nabangga nya ang isang lalaking naglalakad sa labas ng hospital ng mga ding iyon.
"Oh sorry mister.."aniya saka muling nagpatuloy sa pagtakbo. Hilam ang mga luhang lakad-takbo ang kanyang ginawa para makalayo sa lugar na iyon.
Di nya alam na hinabol pala sya ng taong nakabangga dahil nakita pala nito ang kanyang pag-iyak.
Napahinto sya sa palikong kalye kung saan naroroon ang kanyang inupahang silid.
"Miss!"narinig nyang wika ng boses lalaki sa kanyang likuran.
Pinahid nya ang kanyang mga luha bago nilingon ang lalaking nagsalita.
"Ha? B-bakit  may kelangan ka ba?"aniya ng harapin ito.
"I cant understand what you are saying. I don't speak tagalog"anito na may English accent ang boses at tinitigan sya.
Takang napatitig sya sa mukha ng kaharap saka nya lang napansin na di ito isang pinoy.
Napatitig sya sa blue eyes ng lalaki. Matangkad ito at may maamong mukha. Isang tipikal na mukha ng mga banyaga. Maputi iyon na may malakas na appeal. Napapatingin kasi ang mga babaeng napapadaan sa kanilang tabi. At di napipigilang manulas sa mga bibig ng mga ito ang paghanga sa kaharap na lalaki.
"Am sorry sir. Am alright."aniya at tumalikod na rito.
"No you are not fine. I see it in your eyes. You need someone to talk."malumanay nitong wika. Nagdalawang isip sya sa sinabi nito.
Ngunit di na sya nito binigyan ng pagkakataong makatanggi dahil hinila na sya nito sa nakapark na sasakyan limang hakbang ang layo sa kanila.
Pinagbuksan sya ng pintuan at saka ito pumunta sa kabilang side ng driver seat.
   Tahimik syang nakaupo sa tabi nito. Magulo ang kanyang isip kaya hinayaan nya ito kung saan sya nito dalhin mukha naman itong mabait sa palagay nya kaya kampante syang nakaupo doon.

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon