Chapter 3

4.1K 87 0
                                    

Napakunot ang kanyang noo ng papalabas sya sa gate ng kanilang university.
Papauwi na sya noon wala syang kasabay sa pag-uwi dahil may date ang kaibigang si Helen.
Ito lang nman ang kaibigang malapit sa kanya sa kanilang campus. Same course din kasi silang dalawa. Food technology ang napili nilang pag-aralan at ilang buwan na lamang ay magtatapos na rin sila sa ilang taong pag-aaral noon.
Di sya mahilig sa pagluluto pero ewan nya ba at iyon ang napili nyang pag-aralan. Gumagawa sila ng mga dry products na fruits. Minsan nakikipag compete pa ang school nila sa ibang bansa at pinalad na manalo sa competition.
Nakita nyang napatuwid ng tayo ang lalaki sa kinasasandalang sasakyan.
Tumawid ito kalsada pasalubong sa kanya.
Walang salitang kinuha ang kipkip nyang mga books saka hinawakan sya sa isang kamay.
"Wait, bakit ka ba naririto?Wala nman tayong usapan ah! "Ang bigla nyang pigil rito.
Walang kangiti-ngiti sya nitong tiningnan ng masama na nagpaumid sa kanya. Tila ba umatras ang kanyang dila sa iba pa sanang sasabihin nya rito at di na sya muling nakapagbuka pa ng bibig.
Tahimik sya nitong pinagbuksan ng pintuan at pinasakay sa unahan katabi ng driver seat.
Pagkasara agad itong nagtungo sa kabilang side matapos nitong ilagay ang gamit nya sa likuran ng sasakyan saka ito sumakay. Ni hindi lang nman ito nagbitiw ng isang kataga. Tila ba di sya nito naririnig kung umasta ito.
Inis syang napahalukipkip sa kanyang upuan. Para itong kabute na sumulpot sa kanyang school at basta na lang syang hinila ng walang paalam at pinasakay sa sasakyan nito ng di sya tinatanong kung sasama ba sya o hindi! How dare this man?! Nagkukutkot ang dibdib nya sa inis dito!
"Ayusin mo yang lukot mong mukha. Ayaw na ayaw ko yung nakikitang sambakol yang mukha mo! " narinig nyang sita nito sa kanya. Bigla syang napabaling dito at yamot itong tinitigan na tila makakalunok sya ng tao anumang sandali. Nang di man lang sya nito tinapunan ng tingin. Taas-baba ang kanyang dibdib na napatingin sa unahan ng sasakyan at saka muling nilingon ang lalaki at iningusan ito na tila bata. Saka nagpaskil ng pekeng smile sa mukha ng sa wakas binalingam sya nito ng pansin.
"Ayan na Mr! Nakangiti na po ako. Satisfied now?! "Inis nyang saad saka ibinaling ang pansin sa labas ng bintana at muling napahalukipkip.
Di nya alam kung saan sya dadalhin ng lalaki ito!.
"We'll go to the mall. I'll buy something for you. "Maya-maya pagbasag nito sa katahimikang namuo sa pagitan nila. Tila ba nabasa nito ang laman ng kanyang isipan.
Di sya lumingon dito ni umimik sa sinabi nito nakinig lamang sya.
Muling napasulyap si Louie sa babaeng tahimik sa kanyang tabi. Wala itong imik na nakatingin sa labas ng bintana. Alam nyang nainis ito sa pananahimik nya kanina lamang ngayon nga ay di sya nito kinakausap. Lalo syang naaliw pagmasdan ang maganda nitong mukha kapag galit ito. Simply lang ang kagandahan nito ngunit di sya nagsasawang titigan iyon habang tumatagal. Mas lalo pa itong nagiging maganda sa kanyang paningin lalo na kapag nagsusungit na ito.
Ginagap nya ang palad nitong nakapatong sa kandungang nito.
Napangiti sya ng makitang nanlaki ang mga mata nito sa ginawa nya at pilit binabawi ang kamay nitong hawak nya.
Hinila nitong muli ang palad nito ng di nya iyon binitawan.
Di nya alam kung bakit pero di nya mapigilang wag itong hawakan sa kamay. Kanina gusto nya sana itong dampian ng halik sa mga labi ngunit nagpigil sya ng sarili na gawin iyon.
Pinagpawisan nman ang kamay ni Danna ng malamig. Tila may dumaloy na boltahe ng kuryente sa kanyang kamay ng hawakan iyon ng lalaki. Kaya nga pilit nyang binabawi iyon dahil tila sya mapapaso sa kakaibang naramdaman ng pagkakadantay ng kanilang mga balat. Anu ba nman tong lalaking ito? Di ba nito gets na ayaw nyang hinahawakan nito ang palad nya?. Ang lakas nga ng kanyang kaba at tila mabibingi sya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Lalo pa itong bumilis ng maramdamang pinisil nito ang kanyang palad. Gosh! Talagang temptetor ang lalaki ito!.
Pigil ang sariling wag syang mapasingap at tapunan ito ng tingin baka maya matunaw na talaga sya kapag nagkasalubong ang kanilang mga tingin. Alam nyang pareho lang silang nagpapakiramdaman.
Ramdam nyang napapatingin sa kanya ang lalaki kahit nagmamaneho. Panakaw-nakaw ito ng tingin sa gawi nya.
Napabaling sya rito ng tingin ng huminto ang sasakyan sa parking area ng mall hinintay nya ang sunod na sasabihin nito.
Napahugot tuloy sya ng malalim na buntong hininga sa kanyang kinauupuan di pa rin kasi naalis ang kaba sa dibdib nya.
Medyo nagulat pa sya ng bumukas ang pintuan sa tabi at masalubong ang gwapong mukha ng lalaki. Di nya napansin na nakababa na pala ito at lumigid sa kanyang gawi. Ngayon nya lang napansin na maiitim pala ang mga mata nitong nakatitinig na sa kanya.
Makapal rin ang maitim nitong kilay. At may labing tila nag-aayang halikan nya. Gosh! Anu ba tong pumapasok sa kanyang isipan. Nagiging malisyusa na ata ang tinatakbo ng isip nya. Di nya alam na marunong na pala syang mag-assess ng isang lalaki at di lang yun pinagpantasyahan nya rin ito!
"Did I pass in your assessment sweetheart? "Nanunudyong wika nito sa dakong punong tenga nya. Napaigtad sya bigla sa sinabi nito kasabay ng pagtindig ng maliliit nyang balahibo sa kanyang batok.
"H-huh?"ang wika nyang medyo nautal at di agad naintindihan ang sinabi nito dahil lumilipad ang kanyang isipan. Saka sya nagmukhang makupa ng ma realize ang sinabi nito. Napunit ang magandang ngiti nito sa labi habang nakatunghay sa kanya.
Geez! Ang gwapo ng loko. Labas pa ang mapuputi at pantay pantay nitong ngipin!tili ng isipan nya.
Napatikhim ang lalaki kaya wala sa sariling napatingala at napatitig sya sa mata nito. Tila sya hinihigop ng mga titig nito ng sandaling iyon. May kung anung kuryente syang naramdaman ng magtama ang kanilang mga tingin.
"Tititigan mo na lang ba ako rito? Wala ka bang planong bumaba ng sasakyan? " amused nitong wika na ikinapula lalo ng kanyang mukha.
"Excuse me! Paanu nman ako makakababa kung nakaharang ka dyan sa daraanan ko?! "Pagtataray nya na lang rito para maitago ang kanyang pagkapahiya rito.
"Opps! Am sorry sweetheart.. "anito saka humakbang paatras at inabot ang palad nya pababa sa car nito.
Nang tuluyang makalabas agad nitong isinara ang pintuan at saka inilock ang sasakyan. Nakaalalay pa ito sa kanyang bewang ng magsimula silang maglakad papasok sa entrance ng mall.
Napapalingon pa ang mga kababaihang nasasalubong nila. Nasa lalaki ang attention ng mga ito.
Liyad na liyad nman ang dibdib ng hudyo sa paglalakad dahil nasa kanya lahat ng pansin ng mga kababaihan doon. Tila gusto nya itong patirin sa paglalakad para mabura ang magandang ngiti nito sa labi. Nasisiyahan ito sa nakukuhang atensyon sa mga kalahi nya. At di nya alam kung bakit sya nakadama ng selos. Saan galing ang selos nyang iyon?! Ang bulalas ng isip nya. Wag nyang sabihing nagkakagusto na sya rito. Dalawang araw nya pa lang iyong nakikita. Susme! Nagkabakat na agad ito sa puso nya ng ganun kadali?

$LOVING YOU SECRETLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon