CHAPTER 1: I Hate Rules

17.9K 302 3
                                    

CHAPTER
ONE

I Hate Rules

"Bumalik po kayo dito, young lady!" Narinig kong tawag sa akin ng bodyguard ko. Nagbelat lang ako sa kanya para asarin pa siya lalo kahit alam kong asar na asar na siya sa akin. Kanina ko pa kasi siya tinatakbuhan, eh.

Ako si Sofia Reyes. Simple rich girl who never wanted rules. Duh! I hated rules. Bakit pa 'to ginawa kung masaya namang gawin ang mga bawal? Kaya nga heto ako ngayon, tumatakbo at tinatakasan na naman ang walang kwenta kong bodyguard.

Sa totoo lang, ayoko naman talaga ng may bodyguard pero ewan ko ba sa Dad ko at ikinuha pa talaga ako. Kainis nga eh! Para namang anak ako ng presidente o ano. Sino ba namang magtatangka sa buhay ko? Oo, alam ko namang maganda ako pero grabe na ha.

"Sandali lang, young lady!" Naririnig ko pa siya kaya naman mas binilisan ko pa aking pagtakbo.

Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang hindi ko na siya natatanaw o naririnig. Tumigil lang ako sandali at hinihingal na talaga ako. Nakaka-stress pala ang pagtakbo.

Nakakapagod.

Grabe, feeling ko mukha na akong yagit, eh. Naglakad na ako at nag-isip ng magagawa. Syempre nakatakas na ako, might as well enjoy this freedom. Sayang oportunidad!

Naalala ko naman 'yung sinabi sa akin ni Mhe, best friend ko, tungkol sa bagong bukas na bar. Parang two weeks ago lang daw 'yun binuksan. Kaya naman para kahit paano ay maging productive ang araw ko ay agad kong kinuha ang cell phone ko. I dialed her number and waited for her to pick up her phone.

"Hello Mhe!" Mhe talaga, parang kambing lang pero 'yun talaga ang nickname ng babaeng ito. Her full name was Mhealyn Valdez.

"Oh, ikaw pala, Sof! May kailangan ka?" Tanong niya kaagad na para bang nagmamadali siya. Alam ko na kaagad kung bakit nang marinig ko ang pagbubunganga na naman ng lalaki niyang kapatid sa kanya. Lagi na lang silang nag-aaway.

"I was thinking kung pumunta kaya tayo ngayon sa bar na sinasabi mo noong isang araw?"

"Now na?" Gulat na gulat pa talaga siya.

"Oo, ayaw mo ba?" Alam kong hindi 'to tatanggi lalo na ngayong galit na naman ang Kuya niya sa kanya. Mas gugustuhin niyang lumayas sa kanila dahil ayon nga sa kanya, baka magkapatayan pa sila ng Kuya niya.

"Anong ayaw? Gustong-gusto! Gusto ko ng umalis sa lugar na 'to!" See? I knew her.

"So see you na lang sa dating kitaan ha? Bye!"

"Okay, bye. See you!"

Ibinaba ko na ang cell phone ko at saka napangiti nang pagkalawak-lawak. New bar, here we go!

Nagkita nga kaming dalawa at agad dumiretso sa bar na hindi ko naman inakalang may kalayuan pala. Tapos, inabot pa kami ng trapik. Ayos!

Sa wakas, nandito na kami ngayon sa tapat ng bar, pumasok na kami at nagbayad ng VIP. Honestly, bawal kami dito dahil fifteen pa lang kami at junior high school pa lang. At sa pagkakaalam namin, senior high school at college students lang ang pwede dito o 'yung mga seventeen, pero kailan ba ako sumunod sa rules? Never.

Pumasok na kami at wow, as in wow ha, ang ganda dito. Marami kasi sa mga napupuntahan kong bar, eh, magkakatulad lang pero ito? One-of-a-kind!

Maingay ang tumutugtog na kanta na pinili ng DJ ngayong gabi. Panay ang pagpapalit-palit ng kulay ng mga ilaw. Hindi ganoong mausok. Ang maganda dito ay hindi mabaho ang usok nila, hindi katulad sa iba na para kang sinusubukan kang i-suffocate.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon