CHAPTER 34: Spin The Bottle

5.9K 134 1
                                    

CHAPTER
THIRTY-FOUR

Spin The Bottle

Muntik na akong tanghaliin sa pagpasok. Tinanghali kasi ako ng gising dahil hanggang twelve ay gising ako. Paano naman kasi naghintay ako ng tawag ni Ronnel. Kahit naman kasi sinabi niyang mawawala siya ay inasahan ko pa rin na tatawagan man lang niya at hindi 'yung sa text lang siya nagpaalam. Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad dito sa hallway, pero agad ring natigilan nang maagaw ng isang partikular na tao ang atensyon ko. Siya ba 'yun?

"Ronnel!" Sigaw ko sa kanya. Palapit siya sa akin kaya napangiti agad ako. Akala ko ba mawawala siya ng ilang araw? "Akala ko ba-"

Natigilan ako nang lampasan niya lang ako. Sandali, anong problema niya? Hinabol ko naman siya agad.

"Ronnel!" Tawag ko pero hindi pa rin siya nalingon kaya tumakbo na ako papunta sa harapan niya.

Pero muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko nang tingnan lang niya ako at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Anong problema niya? Hindi ba niya ako nakikita? Naging invisible na ba ako? Pero tiingnan pa niya ako kanina!

Biglang tumunog ang cellphone ko. Nakatanggap ako ng isang text. Binuksan ko agad ito nang makitang galing kay Ronnel.

From: My Prince

Walang laman? Pwede palang mag-text ng blangko? Ano kaya 'yun? Napatingin naman ako sa last convo namin.

..I miss you, my princess. Mawawala lang ako ng ilang araw pero promise I'll come back. I love you..

Kung gano'n ito na 'yun? Ito 'yung mawawala siya ng ilang araw pero babalik siya? Gaano katagal? At anong dahilan?

Ilang araw nga ang nagdaan. Sa totoo lang, sang linggo na. Isang linggong 'di kami nag-uusap o hindi man lang nagpapansinan na hindi ko man lang alam ang dahilan. Nakakainis na nga, eh, may alarm ako tuwing 12am. Umaasang tatawag siya pero wala, umaasa ako sa wala.

Iniisip kong siguro dahil iyon sa kanyang ina, na sinusunod niya lamang ito na makipag-break na sa akin. Pero sana naman kasi kung makikipaghiwalay siya ay gawin niya nang maayos. Hindi iyong sasabihan niya akong maghintay tapos sa huli hindi na pala siya babalik.

Ngayong araw na ang birthday ni Mhe kaya pumunta ako sa bahay nila para maki-celebrate. Syempre dahil ako ang bestfriend, ako ang naunang dumating dito.

"Sof.." lumingon naman ako kay Mhe na kasalukuyang nakaharap na sa akin.

"Ano yun?" Tanong ko naman at ibinalik sa laptop ang tingin ko.

"Si Ronnel . . pupunta.." napatingin ulit ako sa kanya at umiwas na lang ulit ng tingin.

"Eh 'di . . okay. Okay ang 'yun 'no! Alam ko namang pupunta siya," mahinang paliwanag ko dahil totoo naman, I was expecting na pupunta siya.

Tumabi naman sa akin si Mhe at hinawakan ako sa kaliwang balikat ko.

"Sof, sana makapag-usap na kayo," ngumiti naman ako sa kanya.

"Ano ka ba? Nagpaalam naman siya kaya naiintindihan ko na 'yun.." kahit 'di ko alam ang dahilan. Okay lang. Magiging okay lang ang lahat, at baka eventually maintindihan ko na rin na hindi niya masabi sa akin ang dahilan niya.

Nakita ko pa rin naman sa kanya ang pag-aalala kaya nginitian ko na siya, 'yung makakapagpatunay na okay lang ako.

Matapos niyang magpalit ng damit ay bumaba na kami dahil nandyan na daw sila at syempre ako nagpahuli. Pabebe, eh. Nagbuntong hininga muna ako bago bumaba. Bababa na sana ako nang may marinig akong nag-uusap, hindi ko naman ugali makinig sa pag-uusap ng iba pero narinig ko kasi ang pangalan ko.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon