CHAPTER
TWELVEGirlfriend
Isang linggo na ang nakakalipas at iniiwasan ko na si Ronnel, as in iwas talaga. Kapag makakasalubong ko siya, nag-iiba na agad ako ng dadaanan. Kung pwede rin sana ay iniiwasan ko nang lumabas ng banyo ng mga babae. Iyon lang kasi ang alam kong lugar na hindi niya mapupuntahan.
Nasa bahay pa ako ngayon at papasok na kaya nag-iipon pa ako ng lakas ng loob ulit na pumasok sa school. Feeling ko tuloy Grade 1 ulit ako. Kabang-kaba sa unang beses pagpuntang school na wala si Mom at Dad.
Narinig ko ang cell phone ko saka ito kinuha. Tiningnan ko muna ang caller ID at agad akong nakaramdam ng kaba nang mabasa kung sino ang tumatawag sa akin.
"Hello?" Tumikhim pa ako para hindi ako ipahamak ng sarili kong boses.Kinakabahan ako.
"Huwag mo akong iwasan.." ang narinig ko sa kabilang linya bago naputol iyon.
Napatingin ako sa screen ng cellphone ko. He just ordered me. Anong gagawin ko? Susundin ko ba? Kung hindi na lang kaya ako pumasok? Ano kaya?
Sa huli, napagdesisyunan kong pumasok pa rin. Bahala na kung papansinin ko siya o hindi. Ewan! Duh, ano namang karapatan niyang utusan ako? Isang demokratikong bansa ang Pilipinas, ipaglalaban ko ang karapatan ko bilang mamamayang Pilipino!
Straight body. Chin up. Chest out. Stomach in. Naglalakad na ako ngayon papunta sa building namin. Kahit anong postura ko sa paglalakad ay hindi ko maiwasang kabahan. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung kailan ba 'to matatapos. Kainis. May test kasi kami ngayon sa Ekonomiks kaya kailangan kong pumasok.
"Sofia!" Nilingon ko si Harry na tumawag sa akin. Malawak ang ngiti niya habang kumakaway-kaway pa sa akin. Wala sa sariling itinaas ko ang aking kamay para kumaway rin ngunit nang mapansin ko kung sinong kasama niya ay agad na bumagsak ang ngiti at nabato ang aking kamay.
Tipid ulit akong ngumiti para hindi nila mahalata, bago ako pasimpleng nag-iwas ng tingin. Bago pa ako makatalikod ay nakita ko pa ang ekspresyon ni Ronnel. Matalim ang tingin niya sa akin at puno ng pagbabanta kahit wala pa naman akong ginagawa.
"Sofia!" Reflex ko na yata 'yun. Tumigil ako nang marinig muli ang pangalan ko. Ngumisi ako ng bahagya sabay lingon sa kanila. Bwisit.
"Oh, bakit?" Kinakabahan na tanong ko. Ayokong magpahalata.
Nakita ko ang paghakbang ni Ronnel palapit. Nanlaki ang mga mata ko at sinalakay ng kaba ang dibdib ko. Agad akong tumalikod, hindi na naisip ang maaari niyang maging reaksyon. Naglakad ako palayo sa kanila.
"You're mine.." sabi nya na nakapagpatigil sa akin kaya't kinabahan na ako, lalo na nang sumigaw siya. "Attention!"
Shit. Anong ginagawa niya? Nag-panic na ako. Luminga-linga ako sa paligid. Iyong mga tao sa paligid namin ay napalingon na sa kanya. Maski ako ay nanlalaki ang mga matang hinintay ang sunod niyang sasabihin.
"Kami na ni Sofia Reyes!" Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya!
'Yung mga taong nakarinig ay parang matutuklaw ng ahas kapag gumalaw kaya't naestatwa silang lahat. Nilingon ako ni Ronnel na kalmadong-kalmado pa rin.
"I warned you, didn't I?"
"Ah, ah . . ha?" 'Yun na lang ang nasabi ko at hinila niya na ako.
Hindi ko na lang namalayan na nasa room ko na kami at inupo niya ako sa upuan ko. Ilang sandali kong ibinuka at sara ang bibig ko para magsabi ng kahit ano pero wala akong masabi. Parang nahigop o nalunok ko na lahat ng aking salita. Buong minuto kaming magkatitigan lamang.
"See you later.." sabi niya bago lumabas ng classroom.
Nasa state of shock pa rin ako nang lumapit sa akin si Mhe. Natulala pa rin ako nang bahagya hanggang mapansin ko na ang ekspresyon niya.
"Goodness! Why didn't you inform me na kayo na pala? Ni noong nanliligaw siya, hindi mo sinasabi sa akin! Akala ko ba best friends tayo?" Pag-i-emote niya pero tiningnan ko lang siya. "Hoy!"
Niyugyug niya ako habang ang hawak ang magakabilang balikat ko, kaya sinamaan ko na siya ng tingin dahil nahihilo ako sa ginagawa niya.
"Huwag muna ngayon.." sabi ko sa kanya dahil kahit sa akin, hindi nag-sink in na kami na. Hindi ko na alam. Legit ba 'yun? I mean, hindi naman talaga siya nanligaw! Basta na lang siya nag-claim na kami na. Naglolokohan ba kami?
Lumipas ang buong maghapon at nagpapasalamat ako na hindi ko man lang siya nakasalubong o nakita pero masyado pa nga talagang maaga para magpasalamat. Naglalakad kasi ako palabas ng gate at pumarada sa harap ko ang sasakyan niya. Tinitigan ko lang 'to hanggang sa ibaba niya na ang bintana ng kotse niya.
"Sakay," sabi niya pero tinitigan ko lang siya. Sasakay ba ako? Anong ibig sabihin kapag sumakay ako? "Sabi ko, sakay!"
Medyo tumaas na ang boses niya kaya dali-dali akong sumakay sa passenger seat.
"Magpapalit ka ng damit mo," napalingon ako sa bigla niyang pagsasabi no'n. Ang bossy!
"Huh? Bakit?" Wala naman kasi akong makitang dahilan para magpalit ako ng damit, eh. Tiningnan ko ang sarili ko. Uniform ang suot ko kaya walang problema dito. Wala rin namang dumi. Kung magpapalit man ako ay pambahay na 'yun dahil pauwi na rin ako.
"Dad wants to meet you.." sabi niya na parang wala lang.
"Your Dad?" Napagtaasan ko na siya ng boses at bigla siyang pumreno kaya kinabahan ako. "Ah . . ano . . sige! Oo, sasama na nga ako. Ano bang oras? Kailan?"
"Mamaya.." pinaandar niya na ang sasakyan ulit at nakahinga na ako nang maluwag.
Akala ko magagalit na siya. Nakakatakot pala siya magalit. Hindi ko alam kung matutuwa siya na may isa siyang salita o ano, kasi syempre. Naaagrabyado niya ako.
Pero napaisip ako, mamaya na. Mamaya na agad? Hindi pa yata ako ready para do'n. Napabuntong hininga na lang ako at 'di namalayan na nasa building na pala ako ng condo ko.
Dali-dali akong lumabas at nagpaalam sa kanya. Mamaya, 'di man lang niya sinabi kung anong oras talaga. Nagulat na lang ako dahil may paper bag dito sa labas ng unit ko nang makarating ako. Kinuha ko ito at pumasok na.
Wear this. I'll pick you up at eight o'clock.
Nakasulat sa isang papel. Binuksan ko na ang paper bag at ang laman nito ay pink dress. Teka, anong akala niya sa akin? Walang dress? O walang pambili? Tapos pink pa? Hindi ba niya alam na I hated this color? Mukhang hindi niya nga alam.
No choice kailangan ko na 'tong suutin, pero teka . . handa na ba akong maging girlfriend niya nang hindi man lang niya ako nililigawan? He just admitted that he liked me, tapos ngayon? Kami na agad? Ang bilis, ah. Baka isipin niya easy-to-get ako!
BINABASA MO ANG
My Bossy Rich Boyfriend
Teen FictionPaano kung makilala mo ang kabaligtaran mo sa lahat ng bagay at na-in love ka sa kanya? Titiisin mo ba ang mga ayaw mo para sa kanya? O siya ang hahayaan mong magparaya para sa'yo? This is a simple story with some twists. Makakayanan ba ng mga chara...