CHAPTER
TWENTY-SIXI Love You Too
Nakahalumbaba ako ngayon at nakadungaw sa bintana ng room namin. Wala kaming ginagawa at hinihintay lang ang pagtunog ng bell.
Ano kaya?
Kanina ko pa talagang iniisip kung mahal ko siya o hindi. Napatuwid ako sa pagkakaupo ko. Bakit ko ba iniisip? 'Di ba dapat maramdaman ko 'yun? Oo, tama, hihintayin ko na lang na maramdaman ko 'yun o masabi na lang kahit nabigla lang ako, pero kasi hindi gano'n 'yun, eh. Dapat genuine 'yun kapag sinabi ko.
Biglang tumunog na ang bell kaya napangisi ako. Bwisit.
Sa wakas, tumayo na kami at isa-isang lumabas ng classroom. Naabutan ko naman sa labas si Kyle na nakatayo, hinihintay yata si Mhe na nasa loob pa.
"Hi, Sofia!" Bati niya.
"Hello. Hoy, ikaw ha? Mahalin mo 'yung best friend ko! Alagaan mo!" Sigaw ko sa kanya. Natawa naman siya.
"Yeah, I'll do that. Kahit 'di mo sabihin," natatawang sabi niya at ginulo pa niya talaga ang buhok ko. Takte 'to! Manggugulo ng hairstyle.
"Sige na, alis na ako.." kumaway na siya sa akin kaya gano'n din ako sa kanya.
Hindi ko kasi pwedeng sabihin sa kanya na huwag paiyakin si Mhe dahil sa 'di naman 'yun maiiwasan kahit mahal mo.
Napabuntong-hininga na lang ako nang makarating na ako sa library ng school namin. Nakita ko naman si Ronnel na nakaupo sa isa sa mga table dito.
"Ronnel.." tawag ko at umupo sa upuan na katapat niya.
"Hi, my princess. Ano? Anong mga libro ba ang kailangan mo?" Ibinigay ko naman sa kanya ang listahan ng kailangan kong mga libro.
Nagsimula naman akong magsulat ng kung ano-ano nang makaalis na siya. Kailangan ko kasi 'to para sa English project namin.
Wala pa ngang ilang minuto ay bumalik na siya at kumpleto na ang dala niyang mga libro. Nagpatuloy na ako sa pagsusulat at napatigil ulit. Napatingin ako sa kanya na busy ngayon sa pagsusulat rin dahil tinutulungan niya ako.
Napaisip ako, tanggap ko na ba ang lahat ng tungkol sa kanya? Gwapo, hot, maporma, astig, responsable, matalino, maunawain, sweet at marami pang compliment tungkol sa kanya pero —
Kung iko-compare siya sa ibang mga Grade 12, 'di maikakailang kulang siya sa height. Bossy, maarte, padalos-dalos, bipolar at palaging nakaangil, 'yun siya. At oo, tanggap ko ang pagiging gano'n niya. Tanggap ko naman na lahat.
Bakit ko pa kailangang isipin kung mahal ko siya? Naramdaman ko ang pagbilis ng pintig ng puso ko. Napahawak ako sa parteng iyon. Naalala ko ang unang beses na nakita ko siya. Naalala ko rin ang sunod na beses kahit ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang boyfriend ko siya. It was quite impossible for me, that God could give me someone so perfect.
Bigla naman siyang tumunghay at hindi ako umiwas ng tingin kaya nagtataka niya akong tiningnan.
"Bakit?" Nagtataka niyang tanong pero naglalaro naman ang ngiti sa labi niya. Siguro natutuwa siya na nahuli akong nakatitig sa gwapo niyang mukha, kaya naman umiling na lang ako.
"Wala naman, thank you sa pagtulong.." nakangiti kong pahayag kaya gano'n din siya.
"Basta ikaw," napangiti na lang ako nang malawak.
Ang sarap kayang pakinggan ng mga salitang 'yun. Basta ikaw, para bang espesyal ka talaga sa kanya.
Ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko at nag-concentrate na dito. Kailangan ko kasing matapos 'to this week.
Ilang minuto rin kaming naroroon sa library. Natapoa ko naman nang pa-slight. Naglalakad na nga kami ngayon papunta sa parking lot habang magka-holding hands pa.
"Kumakain ka ba ng tatlong beses sa isang araw?" Tanong niya bigla kaya napalingon ako sa kanya.
"Hm, oo, bakit? Mukha bang hindi?" Tanong ko. Nasa tapat na kami ng kotse niya.
Hinawakan niya ako sa baiwang ko at isinandal sa kotse niya. Halos tumalon naman ang puso ko galing sa loob ng ribcage ko.
"Sume-sexy yata ang prinsesa ko.." naramdamn ko naman ang pamumula ko.
"Ewan ko sayo, byuntae!" Pinalo ko nang mahina ang dibdib niya at tumawa lang siya kaya natawa na rin ako.
"Dalaga na ang prinsesa ko oh. I love you.." sabi niya at hinalikan ang tungki ng ilong ko.
Umayos na siya ng pagkakatayo at inalalayan ako. Binuksan niya ang kotse kaya pumasok na ako. Umikot siya at umupo na rin siya sa driver's seat. Nagsimula na siyang mag-drive at nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
Wala pang ilang minuto ay nakarating na kami sa condo. Hinatid na niya ako sa unit ko tulad na lagi naming routine.
"Tama na muna ang projects ha? Tutulungan naman kita, eh, kaya magpahinga ka na muna," bilin niya sa akin.
"Okay. Okay," hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinaggigilan ang mga iyon.
"Ang prinsesa ko talaga! Nagdadalaga na!" Gigil na gigil siya kaya napanguso ako. Ginagago yata ako nito. Hinalikan niya ang noo ko. "I love you. Good night."
Hindi ko alam kung anong trip niya at kanina pa niyang binabanggit na nagdadalaga na ako.
"Good night din!" Sigaw ko sa kanya pero lumingon lang siya at kumindat.
Natawa naman ako.
"I love you too.." mahinang sabi ko at hindi ko alam kung narinig niya 'yun.
"Ano? What did you say?" Dali-dali siyang bumalik sa harapan ko. Hinawakan nya ulit ang magkabilang pisngi ko at iniaangat ang ulo ko. Halata rin sa mukha niya na masaya siya pero may halong pag-aalangan. Masaya rin ako.
"Wala. Wala ng ulitan.." pang-aasar ko sa kanya. Hinalikan naman niya ako nang mabilis sa labi.
"I love you.."
"I love you too.." napangiti siya at pinagdikit ang mga noo namin.
"Wala ng bawian, ha, my princess?" Pangungulit niya.
"Oo na. I love you na, my prince! I love you Mr. Ronnel Dela Vega. I love you!" Niyakap ko na siya dahil nanggigil na ako sa boyfriend kong 'to. Ang kulit!
"I love you more than anything else.." he murmured before capturing my lips again for the one of the sweetest kisses we shared.
BINABASA MO ANG
My Bossy Rich Boyfriend
Teen FictionPaano kung makilala mo ang kabaligtaran mo sa lahat ng bagay at na-in love ka sa kanya? Titiisin mo ba ang mga ayaw mo para sa kanya? O siya ang hahayaan mong magparaya para sa'yo? This is a simple story with some twists. Makakayanan ba ng mga chara...