CHAPTER
THIRTY-TWOWhat? (His)
Hindi ko alam ang nangyayari pero hahabulin ko na sana si Sofia nang magsalita si Mom na naging dahilan ng pagtigil ko.
"Huwag mo siyang susundan. Makipag-break ka na sa kanya!" Nilingon ko si Mom at inis na lumapit sa kanya. Kanina pa ako naiinis pero ayoko lang sagarin dahil kahit anong mangyari ay ina ko pa rin siya.
"What? Mom, I love her. Please! Ano bang problema sa kanya?" I wanted to yell but I decided not to. I wanted to respect her as much as I could. Saka, baka naman kasi may magandang dahilan siya. Ganoon pa man, my love for Sofia would never fade. Ang mas lang nakakaasar ay parang wala lang sa kanya na umalis ang taong mahal ng anak niya.
"Anong what? Hindi mo ba alam na malandi ang angkan ng Sofia na 'yun!" Sigaw niya sa akin na para bang alam niya ang lahat, na kilala niya ang angkan ng babaeng mahal ko. Inis na napasabunot ako sa buhok ko bago ko sila talikuran.
Maraming bisita at hindi ko na kakayanin na marinig pang magsabi siya ng masama tungkol kay Sofia.
Kailangan kong habulin ang prinsesa ko.
"Kapag umalis ka, wala ka ng ina na babalikan!" Natawa naman ako sa narinig. Linya 'yan ni Sofia, ah.
"Happy birthday Mom.." bati ko na lang sa kanya at tumakbo na ako palabas sa lecheng party na 'yun!
Paglabas ko pa lamang ay inilibot ko na ang paningin ko. I did not expect to see her as soon as I stepped out of our house, but I still hoped. Wala siya sa paligid kaya nagpatuloy ako sa pagtakbo.
Shit! Saan na naman nagpunta ang babaeng 'yun? Bwisit.
Hindi ako tumigil. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo pero wala talaga. Nasaan ka na ba? Nasaan ka na ba, Sofia?
Tumigil ako nang marinig ang cellphone kong tumutunog. Kinuha ko agad iyon at umaasang si Sofia 'yun pero hindi, si Reachel. Inis kong sinagot iyon. I did not want to miss the opportunity if it happened that she knew where was Sofia.
"Kuya, si Mom! Nawalan siya ng malay, Kuya!" Nagpa-panic ang boses ni Reachel.
"What? Papunta na ako.." pinatay ko na agad ang tawag saka napamura.
Kainis! Itinapon ko na ang cellphone ko dahil sa inis! Nilimot ko na lang 'to ulit dahil may case naman at hindi naman nabasag. Baka kasi doon tumawag si Sofia. I needed to talk to her.
Labag sa loob ko na tumakbo pabalik ng bahay. Agad kong naabutan si Mom na nakahiga sa kama niya.
"Bakit bumalik ka pa?" Tanong niya agad pagpasok ko ng kwarto niya. Bakit hindi siya dinala sa hospital?
"Lalabas lang muna kami.." paalam ni Reachel at lumabas na sila ni Dad. Kanina pa tahimik si Dad.
"Habulin mo na 'yung Sofia mo," iniiwas niya ang tingin niya sa akin.
"Why are you doing this to me?" Ngitngit na tanong ko kaya napalingon siya agad sa akin.
"Nasasabi mo lang 'yan dahil wala kang alam," sabi niya. Hindi ko alam kung maniniwala ako. Ni hindi ko na alam kung bakit nangyayari ito sa buhay ko. Bakit naging ganito kakumplikado ang lahat? Ang gusto ko lang naman ay mahalin si Sofia. 'Yun lang.
"Tomorrow. Bukas hihintayin ko ang paliwanag niyo. At, oo nga pala, wala na rin akong ina dahil sa ginawa niyo.." pagkasabi ko noon ay ganoon na lamang ang galit na gumuhit sa mukha ni Mom, pero agad rin iyon napalitan ng lungkot.
Hindi nila alam kung gaano ko kamahal si Sofia, kahit ang lahat kaya kong ipagpalit para sa kanya. Lahat-lahat! Kahit ang ina ko, kaya kong iwan. Mas matagal ko na silang nakasama. Si Sofia, sa kanya ko lang naramdaman ang ganitong saya. Ang ganitong pakiramdam. Ayokong mawala siya. Hindi ngayon. Hindi kahit kailan.
Bumalik na ako sa kwarto ko at tiningnan ang relong suot ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang number ni Sofia dahil 12am na.
Nakailang ring na pero wala pa rin. Inis kong naitapon ang cellphone ko nang biglang tumunog ito. Nilapitan ko agad at may nag-text.
From: My Princess Sofia
Good morning my prince.
Naramdaman ko na lang ang ginhawa sa pakiramdam ko. Ayos lang siya . . pero bakit ayaw niyang tawagan ko siya?
To: My Princess Sofia
Good morning my princess. Are you okay? Stop crying please..
Sent.
Alam kong mas lalo lang siyang maiiyak sa text ko pero 'yun lang ang kaya kong gawin sa ngayon para sa kanya.
From: My Princess Sofia
Don't worry about me. I'm okay, good mornight. I love you.
Napabuntong hininga ako sa reply niya. She didn't say that she was not crying so she really was.
To: My Princess Sofia
Okay, my princess. Please, be strong. I'll talk to you, soon. Good mornight. I love you more.
Sent.
Napahiga na lang ako sa kama ko. Ano ba 'tong ginagawa ni Mom sa amin ni Sofia? Nahihirapan si Sofia at ayoko 'yun.
Sorry Sofia, we'll talk about it soon.
BINABASA MO ANG
My Bossy Rich Boyfriend
Teen FictionPaano kung makilala mo ang kabaligtaran mo sa lahat ng bagay at na-in love ka sa kanya? Titiisin mo ba ang mga ayaw mo para sa kanya? O siya ang hahayaan mong magparaya para sa'yo? This is a simple story with some twists. Makakayanan ba ng mga chara...