CHAPTER
THIRTY-ONEMeet His Mom
Huminga ako nang malalim saka bumuga ng hangin. Feeling ko naso-suffocate ako. Pinaypayan ko na ang sarili ko gamit ang mga kamay ko para maiwasan ang sakaling pagkakahimatay ko dito.
Kinakabahan ako.
'Yun lang ang masasabi ko. Hindi ko alam kung bakit no'ng Dad naman ni Ronnel 'yung imi-meet ko noon, hindi ako gano'n kakaba. Siguro dahil dati, hindi ko pa siya mahal pero itong ngayon. Grabe, feeling ko tatalon ang puso ko galing sa dibdib ko.
Narinig ko ang pagtunog ng doorbell.
Huminga muna ako nang malalim ulit at saka pumunta sa pinto. Binuksan ko iyon. Muntik pa akong mapayakap sa kanya dahil sa panghihina ng tuhod. Ganito pala 'yung feeling. Nakakamatay.
"Hi," bati ko sa kanya.
"You're nervous," hindi iyon isang tanong. Hindi ako agad nakapagsalita. Isinara ko muna ang pinto ng condo ko bago muli huminga nang malalim.
Nagsimula na kaming maglakad paalis matapos kong ikawit ang braso ko sa braso niya. Kailangan ko lang talaga ng suporta.
"Obvious ba?" Natatawa pero kinakabahan pa rin na sagot ko.
Tumawa na lang din siya at tahimik lang kaming sumakay sa elevator. Kahit nang naglalakad na kami sa parking lot ay tahimik pa rin kami.
"Don't be nervous, my princess.." sabi niya at ikinabit ang seatbelt ko. Marahan niyang pinatakan ng halik ang aking noo.
"Yeah," napabuntong hininga na lang ako.
"You look more beautiful tonight.." ngumiti na lang ako sa kanya at nagsimula na siyang mag-drive.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat sabihin sa ina ni Ronnel. Wala siyang nakwento sa akin kahit kailan tungkol sa kanya. Gusto ko sanang magtanong sa kanya ngayon ng kahit ilan lang sa mga gusto at ayaw ng Mom niya kung hindi lang talaga ako kinakabahan. Kahit yata ihi ko ay lalabas na.
Wala pa ngang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay este mansion nila. Kung bakit ang lapit ng bahay nila ay hindi ko rin alam. Ang ganda ng bahay nila. Shit. Alam kong maganda ang amin pero ito, palaban!
Bumaba na agad ang boyfriend ko sa kanyang sasakyan at umikot para mapagbuksan ako ng pinto. He immediately offered his hand to me and I happily accepted it. Nakasuot ako ng heels ngayon para naman magmukha akong matangkad, syempre.
"Ate Sofia!" Lumingon ako sa kumakaway na si Reachel sa akin.
"Reachel, kamusta?" Tanong ko agad sa kanya. Hinila na lang niya ako basta pero napatigil kami nang maramdaman ko ang hawak ni Ronnel sa kamay ko.
"Kuya! Sandali lang naman kami, eh.." paalam na namimilit na pahayag ni Reachel. Nagbuntong hininga muna si Ronnel bago ako binitawan.
"Ate, ipapakilala ko kasi sa'yo si boyfie ko!" Kinikilig na sabi niya. Napangisi ako.
"Ah, sige. Nasaan ba 'yun?" Tanong ko habang patuloy lang siya sa paghila sa akin.
"Ayon!" Sigaw niya at hinila na naman ako.
Agad naman na naningkit ang mga mata ko nang makilala ko ang boyfie niya daw. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kaya ngumisi na lang ako.
"This is your lucky boyfie, ha?" Dahan-dahan na tanong ko. Naninigurado lang.
"Yes, Ate!" Masayang sagot niya.
"Ayon naman pala!" Lumapit ako sa boyfie niya at bumulong. "Pumapatol ka pala sa kapatid ng barkada mo Harry, hm?"
Lumayo na ako sa kanya at binigyan siya nang nakakaasar na ngiti. Wala, trip lang. Gusto ko siyang asarin. Hindi ko pa yata nakakalimutan ang ginawa niya sa amin ni Ronnel noong bakasyon ha!
"Ang swerte naman pala niyo sa isa't isa, bagay na bagay kayo!" Tiningnan ko naman nang masama si Harry. "Alam na ba 'to ng Kuya mo?"
Malakas ang pakiramdam ko na walang alam dito si Ronnel. Feeling ko kasi hindi niya ito papayagan lalo na at malaki-laki ang agwat ng edad nila.
"Hindi pa nga, eh. Ngayon sana namin sasabihin sa kanya.." nakatungong sagot ni Reachel.
"Don't worry, your Kuya will understand the both of you.."
"Sofia!" Napalingon agad kami kay Ronnel. Speaking of the devil.
"Yes, my prince?" Maligayang salubong ko sa kanya pero agad rin niya akong hinila. Kaumaway itong dalawang magkapatid na 'to. Hinila na ako nang hinila. "Sa'n mo ba ako dadalhin?"
"Kay Mom," napaayos naman ako ng paglalakad at hindi na nagpahila pa sa kanya. "I know Mom will like you."
Alam kong pinapalakas lang ni Ronnel ang loob ko pero sa kasamaang palad ay hindi masyadong effective.
"Sana nga.." nanghihinang sagot ko naman.
Wala pang ilang minuto ay tumigil kami sa harap ng isang nasa mid 40's na babae. Mom niya? Nakasuot ito ng eleganteng white long gown at kumikinang ang mga alahas kapag natatamaan ng mga ilaw. She looked elegant.
"Mom, si Sofia Reyes po, my girlfriend.." bungad agad ni Ronnel.
"Good evening po-" naputol ang sasabihin ko.
"Sofia Reyes?" Napatunghay naman ako sa pagba-bow ko sana dahil tanong niya.
"Yes po!" Masayang sagot ko. May pakiramdam ako na kilala niya na ako.
"Kaano-ano mo si Samantha Cea-Reyes?" Seryong tanong niya. Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit kinabahan pa ako.
"She's my mother, Ma'am.." nakangiting sagot ko na lang sa kabila ng kaba.
Nilingon niya si Ronnel na katabi ko. Seryoso ang tingin niya at mararamdaman mo ang galit sa ekspresyon niya. Hindi ko alam kung anong meron sa aking ina pero siguradong hindi iyon maganda.
"I don't like her."
"Mom-"
"You heard me, Ronnel. Hindi mo ba kilala ang ina ng babaeng 'to? Sabagay, hindi ko naman kasi naikwento sa'yo ang pagpuputa ng babaeng iyon-"
"Mawalang galang na po-" I tried to say.
Humarap siya sa akin. "Huwag kang makisali dito."
"Pinagsasalitaan niyo po nang masama ang ina ko. I think-"
"Still, this is my house! You are here-"
"And, she is my mother-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang isang malakas na sampal ang lamagitik sa aking pisngi.
Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko. Ramdam ko ang pagluluha ng aking mga mata. Pakiramdam ko rin ay yumanig ang mundo ko.
"Mom!" Hinawakan ako ni Ronnel sa balikat para alalayan ako.
"I don't want to see the face of that bitch in my house again. Get out!" Sigaw niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at inalis ko ang pagkakahawak sa akin ni Ronnel.
"Sorry.." 'yun na lang ang nasabi ko at tumakbo na palayo na sa kanila pero bago pa ako makalayo ay narinig ko ang huling sinabi ng Mom niya.
"Huwag mo siyang susundan. Makipag-break ka na sa kanya!"
Kahit hindi ko alam ang dahilan ng galit nila tumakbo lang ako at sa katahangahan ko nadapa pa talaga ako.
"Shit!" Mura ko dahil nasira ang heels ko. Hinubad ko 'to at itinapon kung saan.
Nakakainis!
BINABASA MO ANG
My Bossy Rich Boyfriend
Teen FictionPaano kung makilala mo ang kabaligtaran mo sa lahat ng bagay at na-in love ka sa kanya? Titiisin mo ba ang mga ayaw mo para sa kanya? O siya ang hahayaan mong magparaya para sa'yo? This is a simple story with some twists. Makakayanan ba ng mga chara...