CHAPTER 30: Second Month-Anniversary

5.7K 120 0
                                    

CHAPTER
THIRTY

Second Month-Anniversary

Dumaan ang mga araw. Maraming nangyari, nagkaroon kami ng misunderstanding, na-realized namin na mahal namin ang isa't isa at marami pang iba. I was not expecting a perfect relationship. Hindi rin naman iyon ang ibinigay sa akin ng boyfriend ko pero kuntento ako kung anong meron kami. I felt like we were one.

May mga balita na hindi ko na nakayanang sabihin sa kanya dahil ayokong makita kung anong magiging reaksyon. Kahit alam ko na kung ano iyon, I still did not want to see it. Pero ngayon, napag-isip-isip kong kung patatagalin ko pa ang hindi pagsasabi sa kanya ay baka maging huli na ang lahat. Iyon ang pinakaayaw ko na mangyari.

"Happy second month-anniversary!" Masayang bati ko sa kanya at niyakap siya.

"Happy second month-anniversary, my princess."

Nandito kami ngayon sa isa sa mga pagmamay-ari naming restaurant kasi itong boyfriend ko may katangahan. Hindi alam na amin na naman 'to. Hindi rin 'yung maraming pasabog ang aming second month-anniversary dahil sinabi kong simplehan na lang.

"Sofia.." lumingon ako sa kanya nang tawagin niya ang pangalan ko. Napangiti ako nang matamis sa tunog noon sa mga labi niya. Bumibilis ang tibok ng puso ko at parang unti-unti akong lumilipad sa alapaap.

"Hm?" Tugon ko sa kanya.

"Tomorrow is my Mom's birthday. She's inviting you. Okay lang ba sa'yo?" Nakangiting saad niya pero naroon ang kaba sa tono pa lamang niya. Halos matawan naman ako dahil mas kinabahan ako dahil first time kong mami-meet ang Mom niya.

"Okay, pupunta ako," sagot ko at iniwas ang tingin.

Tumingala ako. Ang ganda kasi ng kalangitan ngayon. Kumikislap dahil sa mga dyamanteng bituin.

"Ang ganda 'no?" Tanong ng katabi ko kaya nilingon ko siya. Nakatingala rin siya sa kalangitan at sandali akong namangha sa kanya. Iyong kagwapuhan niya parang ewan. Sobrang perpekto, na para bang kapag naging babae siya ay mas maganda pa siya sa akin. Umiling ako sa naisip ko. Mabuti na lang at lalaki siya.

"Oo. Sobrang ganda," masaya kong ibinaling muli sa kalangitan ang tingin ko.

"Sabi nila ang mahal mo daw parang bituin, masarap tingnan pero ang hirap abutin. Kaya nga nagtataka ako eh.." naramdaman kong nakatingin siya sa akin kaya humarap na rin ako sa kanya.

"Bakit naman?"

"Kasi bakit ang mahal ko? Hawak ko na ngayon?" Mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa akin kaya natawa na lang ako.

Korni, eh. Hindi ko alam kung pumi-pickup line o ano.

"Masasabi kong sa loob ng isang buwan, maraming nangyari kaysa sa first month-anniversary natin pero 'yun 'yung mga nangyaring nagpatibay sa atin kaya sana.." pabitin niya. "Sana kapag may problema, sabihin mo lang sa akin, ha?"

Napatitig ako sa mukha niya na nakatingin lang sa akin. Ngumiti siya at bahagyang pinisil ang kamay ko, naghihintay ng sagot.

"Oo naman. Walang problema.." sagot ko at niyakap siya.

Hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko at naiyak na naman ako. Nakakainis kasi itong mga luhang 'to. Kung kailan ang ganda ng moment namin dito, saka lalabas at sisirain ang lahat.

"Sorry.." bigla na lang lumabas sa bibig ko. Huli na, para bawiin ko pa.

"Sorry? Para saan naman 'yan?" Tanong niya pero hindi ako nakasagot. Ilang beses pa ba akong nakapagsinungaling sa'yo? "Ang prinsesa ko talaga, napakaiyakin. Okay lang po. Huwag mo muna sa'king sabihin ang dahilan, pero balang araw malalaman ko din 'yan for sure. Tahan na."

Lalo lang humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Oo, balang araw. Ipapaalam ko sa'yo.

Humiwalay na ako ng yakap nang maramdaman kong okay na ako kahit papaano.

"My princess.." tawag niya sa akin habang ibinibigay ang isang stuff toy na cheese. Allergic ako do'n ah?

"Cheese?" Naguguluhan kong tanong pero tinanggap ko pa din. Basta galing sa kanya, tatanggapin ko.

"Yup. 'Di ba allergic ka dyan and that's my favorite so I decided that will be yours and this is mine.." ipinakita niya ang isang stuff toy na chocolate. He hated chocolates and I loved that.

"Ah. Okay, fine. This!" Inabot ko naman ang regalo ko na ceramic half part of a heart.

"This?" Kinuha niya ito at nagtataka itong tiningnan.

"A ceramic half of a heart, nasa akin 'yung partner niyan. Ceramic kasi para alagaan mo at huwag mong hayaang mabasag like how you'll take care of my heart. Hindi mo binasag at minahal pa kaya sana alagaan mo 'yan at kapag nabasag, it's a sign.."

"Sign?"

"Sign that you already don't care about my love for you.." seryosong pahayag ko at ngumiti sa kanya.

Ang theme kasi namin sa regalo ay couple things. Wala ako maisip eh! Lakas maka-theme rin 'no?

Saka, may reason naman 'yun. Nakaukit pa nga do'n 'yung pangalan namin. Akin 'yung Ronnel Dela Vega at kanya 'yung may pangalan ko.

"I'll take care of this.." napangiti na lang ako sa binitawan niyang mga salita.

"Ronnel.." tawag ko sa kanya habang nililikot 'yung cheese stuff na bigay niya.

"Oh?" Tugon niya.

"Kapag may nagawa akong kasalanan sa'yo, papatawarin mo ba ako?" Seryoso ko siyang tiningnan at gano'n din siya.

"Alam ko naman na hindi mo magagawang gumawa ng kasalanan sa akin.." napangiti ako nang mapait sa sinabi niya.

"I love you.." 'yun na lang ang nasabi ko.

"I love you, too.." at niyakap namin ang isa't isa.

Trust. Iyon ang laging ibinibigay niya sa akin. Hindi ko alam kung ilang beses ko namang naipagkait 'yun sa kanya. It was quite simple. All I had to do was tell him what was happening to me, but I couldn't. I was so afraid. Para bang handa na ako pero kapag nakita ko na siya, nagbabago ang lahat. Nagdadalawang-isip ako at nawawala lahat ng tapang sa katawan ko.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon