Epilogue

10.8K 254 42
                                    

EPILOGUE

"Mommy!" I laughed when I saw my daughter running towards me. Para siyang manikang tumatakbo. Bakit ba ang cute-cute ng anak ko? Well, kanino pa ba magmamana?

"Yes, baby? What happened?" Sinalubong ko siya ng yakap. Niyakap niya rin naman ako. Hinalikan ko ang pisngi niyang basang-basa dahil sa luha niya. Pihinarap ko siya sa'kin pagkatapos saka marahang pinunasan ang mukha niya.

"Kuya Air is annoying me. He got my phone and throw it," she pouted her lips.

"Oh? And where's your Kuya now?" I asked softly.

Kahit ang totoo naloloka na ako dahil sa cellphone! Binato na naman. Na naman!

She was my daughter Cloud Hyun Dela Vega. Syempre, maganda itong anak ko dahil nagmana sa'kin. Okay, huwag na ngang magbolahan. Halos lahat ng physical traits niya ay namana niya sa kanya ama. Well, okay lang. Gwapo si Ronnel, maganda si Cloud.

"Air!" I called her twin brother.

He was Air Myeon Dela Vega. She called her Kuya Air dahil nauna si Air sa kanya ng two minutes. Magkamukhang-magkamukha silang dalawa pero lagi namang nagkakagulo. Hindi naman ako ganito kalikot sigurado noong bata pa ako.

"Mom!" He also ran towards me and then . . I saw my husband after him, grinning at me.

"Where's Cloud's phone?" I asked him.

Ang bata-bata pa, natuto na agad magtapon ng mga bagay at ang malala pa cellphone pa ang itinapon! Buti sana kung free lang 'yun sa tindahan, hindi naman!

"I threw it there," ngumiti ako nang pilit sa narinig ko sa simpleng sagot niya.

Wow ha? 'Yung sagot, extraordinary. Talagang wala man lang siyang pakialam.

"And why?" Mahinahon pa rin na tanong ko. Aba syempre! Anak ko pa rin 'to. Kailangan ko nang mahaba-habang pasensya dito.

"Hm, I don't know?" Alanganing sagot niya pero hindi mo makikitang nagsisinungaling siya.

Ay grabe! Trip lang niya. Lakas ng trip ng batang 'to. L

"Okay. Okay. I'll buy you another one Cloud, okay? So don't mind that one.." napaismid ako sa narinig ko.

Ibang klase naman kasi itong si Ronnel, ini-spoil niya ang mga anak namin. Hayaan na nga! Ginusto nila 'yan, eh.

"Hay naku talaga!" Nasabi ko na lang at lumapit kay Ronnel.

Nginitian niya ako nang pagkalaki-laki saka ako inakbayan at hinalikan sa gilid ng aking ulo. Pinigilan ko namang mapangiti. Kasi naman. Kinikilig pa rin ako dito sa asawa ko.

"Kaya nai-spoil eh.." bulong ko sa kanya saka niya ako niyakap sa baiwang.

"Hayaan mo na naman prinsesa ko.." hinalikan niya ulit ako sa gilid ng ulo ko kaya't sumimangot na ako. Binabaliwala niya 'to!

"Bahala ka.." naiiling na sabi ko.

"Sus! Gusto mo ba ikaw ang i-spoil ko?" Tanong niya kaya hindi ko maiwasang mapangisi. Naglalambing eh, binatukan ko nga!

"Puro ka kalokohan, ano? Tara na sa bahay at baka makaisa ka pa ulit . . ng batok!" Ngumuso naman siya kaya pinisil ko ang pisngi niya. Ang kulit!

"Tara na nga! Uwi na tayo para makaisa pa ako . . ng batok," sinamaan ko siya ng tingin pero nakatakbo agad siya sa mga bata at inalalayan na ang mga ito sa paglalakad.

This was my family. Yes, maybe we were not a perfect family, yet we were still happy and that was what more important.

Love was like this. We never knew where, when, who or how it would come in our life and would make us feel this kind of feeling. The feeling that you didn't even care about yourself; you never wished for more because it was more than enough; you could sacrifice all just to make your love one's happy. That was how selfish love was, we could forget everything . . anything just for this, because for us, the most important thing in our life was them. That was life. That was love.

And yes, I found and still experiencing this love with my bossy rich boyfriend, until now that he was already my bossy rich husband and of course, together with my twins. I would love them now, until forever..

"Mommy!" Nabalik ako sa realidad sa sigaw ng mag-aama ko.

Napangiti ako at saka humabol sa kanila. Hinawakan ko ang kamay ni Cloud at saka sumabay na sa kanila sa paglalakad.

-END-

Thank you for the reads and votes! You are all awesome. Mahal na mahal ko kayo! ^^

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon