CHAPTER 19: Don't Leave

7.1K 149 5
                                    

CHAPTER
NINETEEN

Don't Leave

Linggo, ngayon na lang daw kami magse-celebrate ni Ronnel ng month-anniversary namin. Ang dami talagang arte ng isang 'yun. Gusto pa mag-celebrate samantalang pabonggahan na nga kami ng regalo.

Dahil nga nayon daw kasi nila matatapos ang project nila sa isang subject ay pumunta na lang daw ako do'n sa unit niya. Pabor sa akin 'yun dahil ito ang first time na magpupunta ako do'n. 'Di naman pwedeng panay ang tambay niya sa akin, 'no.

Sumakay ako ng taxi papunta. Dumiretso kaagad ako sa elevator. Pagbukas ng elevator ay lumabas na agad ako at pumunta sa condo niya. Alam ko na naman ang password dahil sinabi niya sa akin last week pa.

Wala akong kahit anong inasahan sa pagbukas ng pinto. Medyo naisip ko din na baka wala na 'yung mga kaklase niya at tahimik na rin ang loob ng unit niya. Lahat ng mga naisip ko ay nawala. As in, parang tumigil ang mundo ko sa tumambad sa aking eksena. Kung may dala siguro ako ngayon, nabitawan ko na 'yun.

Sigawan ng mga kaklase niya ang pumapaloob sa loob ng unit niya. Nagkakantyawan sila at mukhang hindi nila ako napansin na kadarting lang.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung titikhim ako para ianunsyo ang pagdating ko ay masyadong nakakahiya. Bakit naman ako mahihiya? Sila nga ang dapat mahiya!

Bago pa man ako makaisip kung anong sunod kong gagawin ay napansin na ako ng isa sa kanila. Nagsilingunan sila sa akin pagkatapos ituro no'n. Nanlaki ang mga mata nila at nabalot ng katahimikan ang buong lugar.

Naghiwalay naman ang magkahalikan na si Ronnel at ang kaklase niyang nababalitaan kong lumalandi sa kanya. Para silang nakuryente sa isa't isa. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin basta nakatingin lang ako kay Ronnel habang hindi niya maintindihan kung lalapit siya sa akin o hindi. Gulo-gulo ang buhok niya at ayoko nang alamin kung bakit.

Tama, magkahalikan sila.

"Sofia.." narinig kong binanggit ni Harry na kasama sa mga nagsisigawan kanina. Bigla akong nakaramdam ng galit. Kumulo ang dugo ko sa isiping nandito rin ang mga kaibigan ni Ronnel na alam na girlfriend niya ako.

"Hi," nakangiting bati ko kahit pa deep inside pinagsusuntok ko na ang mukha niya.

Tangina nila!

"Sofia!" Sinubukang lumapit sa akin ni Ronnel pero umatras ako.

"Huwag kang lumapit sa akin," seryosong saad ko at agad kong nakita ang sakit sa ekspresyon niya. Naramdaman ko ang kakaibang pagpiga sa loob ng dibdib ko. Hindi ko iyon pinansin.

"Sofia.."

"Nakakadiri ka," mapait na sabi ko. Lumingon ako sa mga tao sa paligid namin. "Lumabas na muna kayo, please. Maiiwan ka dito babae. Mag-usap tayo."

"Sofia.." Narinig ko na naman ang tawag ni Ronnel. Tila nagmamakaawa. "I can-"

"Lumabas na lang kayo!" Sigaw ko sa kanilang lahat. Napayuko ang ilan sa kanila at lumabas.

Ilang sandaling nakatitig sa akin si Ronnel bago siya lumapit sa akin. Hinayaan ko siya. Hindi ko siya tinitingnan kahit pa nang halikan niya aking noo.

"Masarap ba?" Tanong ko sa babaeng kasama ko dito pagkalabas nilang lahat. Hindi siya makasagot kaya lumapit ako sa kanya. "Ano nga ulit pangalan mo? Bitch? Whore? Slut? Or lahat ng nabanggit ko?"

Asar na asar na ako at kaunti na lang masasabunutan ko na siya.

"Sumagot ka!" Sigaw ko dahil nakatungo lang siya.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon