CHAPTER
TWENTY-SEVENVacation 1/2
Wala kaming klase ngayon dahil bakasyon daw kami dahil malapit na rin kaming grumaduate ay binigyan kami ng vacation, oh 'di ba ang saya. Dahil nga mapera ang boyfriend ko at trip na trip niyang magwalwal ay sa Tagaytay daw kami magbakasyon, ang tambayan ng mga bakasyunista! Minsan iniisip ko talaga na mahilig magsayang sa pera itong si Ronnel, eh. Kung gusto niyang makita ang Bulkang Taal, pwede naman sa internet. Kung lamig lang din naman hinahanap niya ay marami naman silang aircon.
"Anong iniisip mo dyan ha?" Naputol naman ang pag-iisip ko nang magsalita itong katabi ko sa van. Bakit ba ako sumama dito?
"Wala.." bored na sagot ko at inihilig ang ulo sa balikat niya.
Napasimangot lang ang loko saka marahang inayos ang ulo ko. Hindi na rin siya nagsalita matapos niyang mangulit sandali. Mabilis lang pala ang byahe. Bale, hindi pala ako sure kasi hindi man lang ako nakatulog dahil sa pangungulit ni Ronnel. Hindi ko na rin namalayan ang oras. Maya-maya ay nakarating na nga kami sa resort na pagmamay-ari ng bossy rich boyfriend ko. Lahat na lang pag-aari, kaya pati puso ko eh.
Siya na rin ang nagbuhat ng mga bagahe namin nang magsimula na silang ibaba iyon. Aba alangan naman ako 'no!
"My princess, tabi tayo matulog?" Napatingin naman ako kay Ronnel na ipinapasok na sa isang kwarto ang mga gamit namin.
"Hoy! Sandali lang!" Hinarangan ko siya bago pa niya mailagay lahat ng gamit namin.
"Bakit may problema ba?" Nagtatakang tanong niya. Mukhang 'di siya aware, ah. Masyadong inosente.
"Dito tayo?" Napakamot na ako sa ulo ko.
"Oo, bakit? Ayaw mo ba ng kwartong 'to? You can choose other room. Wait.."
"No, that's not what I mean. I'm just thinking if . . ano . . eh.."
"What?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa pagsigaw niya sa akin. "Sorry.."
Loko 'to, ah.
"Ang sinasabi ko nga, kailangan ba talaga na tabi tayo sa pagtulog ha?" Medyo asar na ako sa pagsasalita.
"Oo, kasi 'di ba? Forty five kayo then we have 300 rooms here, puno na dahil sa iba pang guests kaya tabi tayo!" Inakbayan niya pa ako at halatang pabor sa kanya 'to! Madaya talaga, planado 'to, eh.
Pumasok na kami sa loob at ako nahiga na lamang, samantalang siya ang naglalagay ng mga gamit namin. Ang kulit kasi talaga eh, siya na daw. Eh 'di siya na!
Bigla ko na lang naramdaman ang pagyakap niya sa tyan ko matapos ang ilang minuto. Kung kailan nakakaidlip na ako, saka naman siya natapos sa ginagawa niya.
"My princess, tapos na.." malambing na pahayag niya at halatang napagod ang baliw.
"Oh, ano sunod na gagawin?" Tanong ko na lang dahil nagsisimula na akong ma-bored.
"Maglibot ka muna, papahinga lang ako sandali.." tiningnan ko naman siya dahil hindi ako sanay na pinaaalis niya ako. Nakita ko naman na nakapikit na siya kaya mukhang pagod na nga.
"Okay, lalabas lang ako, ha? Bye. I love you.." hinalikan ko siya sa noo.
"I love you, too. 'Wag kang masyadong lalayo, ha?" Tugon niya habang nakapikit pa rin.
Hindi na ako nag-abala pang sagutin siya at lumabas na. Hindi ako pwedeng magyaya ngayon dahil sure pagod din sila. Lumabas na ako at hindi naman ako naglibot. Tumambay na lang ako dito sa may mga pool. Wala, umupo lang ako.
BINABASA MO ANG
My Bossy Rich Boyfriend
Teen FictionPaano kung makilala mo ang kabaligtaran mo sa lahat ng bagay at na-in love ka sa kanya? Titiisin mo ba ang mga ayaw mo para sa kanya? O siya ang hahayaan mong magparaya para sa'yo? This is a simple story with some twists. Makakayanan ba ng mga chara...