CHAPTER 45: I Still Love You

7K 127 3
                                    

CHAPTER
FORTY-FIVE

I Still Love You

Nandito ako ngayon sa bahay, wala paupo-upo lang. Dalawang araw na kasi ang nakalipas simula nang huling maka-usap ko si Ronnel at hindi man lang niya ako kino-contact.

He missed me daw tapos — geez! Naiinis ako sa kanya! Bwisit! Hindi ko alam kung saan part ako naiinis. 'Yun bang naniwala ako o sa katotohanang wala siyang ginagawa para patunayang totoo ang mga pinagsasabi niya.

Tumunog na naman ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha. Naisip kong baka ang sekretarya ko 'to pero alam niya namang sinabihan ko na siya na kailangan ko muna ng ilang araw na pahinga. Alam kong katamadan itong ginagawa ko pero bakit ba? Ako naman ang boss.

"Hello?" Bored na sagot ko sa kabilang linya.

"Sof, ano na? Sasama ka ba?" Oh, si Mhe pala.

Nagkita na kami pagkarating ko pa lang kaya parang wala lang kami ngayon. Mas mabuti iyon dahil baka abutin kami ng isang linggo para lang makapagchikahan kami.

"Saan ba 'yun?" Magpupunta daw kasi ulit kami sa isang bar. Kaysa naman nagmumukmok ako dito sa bahay ay papatusin ko na.

"Sa CloudBar ateng!" Napaayos naman ako ng upo. Sa CloudBar?

"Ha? Ano . . bakit naman do'n? Ayoko.." umiling pa ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Baka makita ko si Ronnel!

"Come on Sof, stop being KJ!" Napairap na lang ako.

Hindi talaga siya aware na ayokong makita si Ronnel kahit gusto ko pala, ay! Ang gulo ko! Ano ba yan.

"Ayoko."

"Alam mo huwag kang bitter ateng! Past is past, move on din pag may time!" Pinaiinit talaga ang ulo ko nito.

"Ah, gano'n? Bitter ako? Eh, kung ingudngud ko kaya ang pagmumukha mo sa CloudBar na 'yun. Ano?"

"Chill. Masyado ka namang hot, Sof. Sof pa naman tawag ko sa'yo!" Humagalpak pa ng tawa ang gaga na para bang ang joke na niya ang pinakanakakatawang joke sa lahat. Napangiwi ako.

"So, tatawa na ba ako? Pwede na ba? Wait.." puno pa rin ng sarkastiko ang pagsasalita ko saka ko iyon sinundan ng sarkastiko ring tawa.

"Okay, waley na nga, so ano na!? Pupunta ka ba? Show us na hindi ka bitter.." hinahamon na naman niya ako.

Habang nag-iisip ako ay nadako ang tingin ko sa kwintas na suot ko. Yes, nakalagay din dito ang promise ring namin. I sighed heavily. Kung bakit kasi nauso pa 'yang relasyon-relasyon na 'yan. Manliligaw tapos makikipaghiwalay din pala. Ah, hindi nga pala niya ako niligawan. Hindi rin siya ang nakipaghiwalay. Ang mundong ito ay isang malaking kabaliwan.

"Fine.." halos pabulong na pagpayag ko.

"Pardon?"

"Yes, fine. I'm going to that freaking bar!" Iritado pa rin ako. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Nanalo na naman siya.

"Okay then. See yah!"

Pinutol na niya ang tawag ngunit nag-text naman siya. Tiningnan ko ulit ang phone ko. Madalas napapaisip ako kung bakit kaibigan ko siya. Wala akong laging nakukuhang sagot dahil kahit kailan naman at hindi pa ako sinagot ng sarili ko.

From: Crazy Mhe

I forgot to say that see you at 7pm. Dapat nando'n ka na ha? I'll wait for you at the entrance. ヽ(●´ε`●)ノ

See? Baliw na nga, malilimutin pa. Napailing na lang ako at tiningnan ang relo ko. It was already 5:30pm. Knowing me, mabagal akong kumilos kaya mag-aayos na ako. Exited lang?

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon