CHAPTER 22: I Hate Rules AGAIN

6.9K 143 2
                                    

CHAPTER
TWENTY-TWO

I Hate Rules AGAIN

Nagpatuloy na kami ni Mhe sa paglalakad. I held my head hell high. Chin up. Breast out. Stomach in. I walked like a confident woman as I was, kaya halos mapangisi ako nang mamataan ang isang pamilyar na tao. I felt my adrenaline rushed inside me. I wanted to run to hug this person, but hell, that was too insane.

"Hey!" Bati ko sa kanya. Isang ngiti ang iginawad ko nang tumingin siya sa akin. Luminga pa siya sa paligid namin bago niya ako kunot-noo muling nilingon. I laughed. "C'mon! I'm talking to you! Anong ginagawa mo dito?"

Kung pwede nga lang ay ingudngod ko sa pagmumukha niyang sayang-saya akong makita na rin siya sa wakas ay nagawa ko na. I was starting to enjoy this damn drama.

"Sofia.." She muttered under her breath like I was some kind of ghost.

"Oh . . you can still remember me? I'm so touch naman.." hinawakan ko pa ang kaliwang dibdib ko, parang nata-touch talaga ako sa kagaguhan niya.

"Stop messing around.."

"Oh? Am I messing your life? Ano ba yan, hindi pa ako nagsisimula, eh!" Ngising-ngising saad ko pero may kasamang tono ng panghihinayang.

"Huwag mo 'kong subukan," awtomatikong napataas ang kilay ko sa banta niyang 'yun.

Wow! Just wow!

"Gosh! Muntik na akong matakot. Kaunti na lang. Well, that was my line. Huwag mong gayahin, baka maiwan ka rin," mapang-asar na ulit ang tono ng pananalita ko.

"Walang hiya kang babae ka!" Hindi man lang siya nagdalawang-isip na atakihin ako dahil sa inis niya. Sinimulan niyang hilahin ang aking buhok.

Gumanti din ako. Hinding-hindi ako magpapatalo! Hindi rin kami inaawat ni Mhe dahil alam niyang kaya ko pa ang babaeng 'to.

"Sofia!" May bumuhat sa akin palayo sa babaeng 'yun at alam ko na kung sino 'yun.

Sino pa ba? Eh 'di ang aking prinsipeng nakalimutang sumakay sa puting kabayo niya. Dinala niya ako sa ilalim ng puno sa field. Ni hindi ko na namalayan kung paano niya ako nadala dito! Tiningnan ko lang siya nang masama, akala ko hindi siya papasok!

"Sofia, what the hell!" Napasabunot pa siya sa buhok niya sa sobrang frustration. "Huwag ka namang makipag-away nang gano'n! Paano kung masaktan ka?"

"Ako ba talaga o ang babaeng 'yun?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya. "Y'know what, Ronnel, you don't have to act like you really care about me! Hindi naman-"

"I care for you!" Pagputol niya sa mumunting litanya ko. "Alam mo naman 'yan! I always care for you!"

"Talaga? Alam ko ba talaga? Siguro noon, alam ko! Sigurado ako! Pero ngayon, parang ilusyon na lang lahat na 'yun."

"Sofia," he tried to reach my hand. I swatted his hand away and glared at him.

"Stop this, Ronnel. Sanay na akong masaktan. Huwag ka na lang mangialam."

Sanay na sanay..

"Huwag ka na ulit makikipag-away.." halos mapanganga ako sa narinig.

"Inuutusan mo ako?" Tiningnan ko siya sa mga mata at kita ko ang lungkot doon. Pake ko ba?

"No, it's a request.." mahinang sagot niya. Halos pabulong na. "Please."

"Please? Request? Request man 'yan o utos, wala akong pakialam dahil tandaan mo, ako nga na nagmakaawa sa'yo, binaliwala mo!" Dinuduro ko ang dibdib niya habang sinasabi 'yun.

"Sofia.." malungkot na tawag niya sa pangalan.

Why did everyone keep on calling my name?

"No! Stop calling me! Stop calling my name! One week! Space in one week, give me that! Just a week!" Hinihingal na ako sa pagsigaw sa kanya.

"Okay, hindi kita lalapitan but always remember, I'm always here watching anywhere you go.." niyakap niya ako at hinalikan ang gilid ng noo ko. Hindi ako pumalag. Wala akong lakas na pumalag pa. "Take care of yourself para 'di ko na kailanganin pang magpakita sa'yo."

Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin at umalis, hindi na siya lumingon pa kaya napaupo na lang ako.

Bakit kailangan mo 'tong gawin? Bakit ka ba laging nag-aalala sa akin? Bakit ba ayaw mo na lang mawala sa buhay ko? Bakit?

I actually expected the worst, like being kickout of the school. It did not happen, at least not now. Siguro balang araw pero sa guidance office na lang kami pinatawag ng puta na 'yun.

"Ms. Reyes, anong dahilan mo para sabunutan si Ms. De Leon?" So De Leon pala ang surname niya? Hindi bagay, dapat De Puta!

"Ma'am, because she's a flirt, slut and whore.." mahinahon na sagot ko. Nanlaki naman ang mga mata ng teacher na ito.

"Ms.Reyes! According to our Rules and Reguㅡ"

"Ma'am, can you please shut up? Alam ko po, bawal po ang ginawa ko at sinabi ko, so anong gagawin niyo sa akin, suspend? Kickout? Or detention lang?" Tanong ko habang pinipilit na maalala na dapat igalang ko siya.

"Wala. Wala, Ms. Reyes, pinagbawalan kami ni Mr.Dela Vega na galawin ka.." nakayukong paliwanag ni Ma'am kaya napangisi ako.

Pera. Pera ang dahilan.

"Ang swerte ko naman po pala 'no? So, can I leave now, Miss?" Tanong ko dahil hindi ko na yata kakayanin na nandito sa isang kwarto kasama si Ms. De Puta at baka mahawaan pa ako ng kalandian niya.

"Yes, you can leave now.." saad niya kaya umalis na nga ako sa walang kwentang guidance office na 'yun.

Naglakad muna ako at pumunta sa isang puno kung saan kami nag-usap ni Ronnel. Umupo ako sa ilalim ng punong 'yun.

Salamat Ronnel.

Salamat pinaramdam mo sa akin kung gaano kasarap ang inaalagaan. Salamat pinaramdam mo sa akin ang pakiramdam ng may nag-aalala.

Salamat kasi lagi kang nandyan para sa akin. Salamat sa pagiging ikaw.

Salamat. Salamat talaga.

Pero sorry..

Sorry kasi minsan, 'di kita sinusunod. Sorry kasi nakakalimutan ko ang mga resposibilidad ko.

Sorry kasi ang tigas ng ulo ko. Sorry kasi hindi kita pinakinggan. Sorry kasi ayokong makita mo ang mahinang ako.

Sorry kasi pinaiyak kita. Sorry kasi ang tanga ko. Sorry kasi hindi ko matanggap ang sorry mo.

Sorry. Sorry talaga..

Sana kaya kong sabihin ang lahat ng 'yun pero hindi. Hindi ko kaya. Hindi ko makakaya dahil natatakot ako. Takot ako, hindi ko alam kung bakit. Pero alam ko..

Magiging okay din tayo, after a week. This week would be our cool-off, my space and my time to breath.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon