CHAPTER
THIRTY-SIXI'll Fight For Us
Dahil sa nalaman ko, ipinangako na talaga sa sarili ko na ipaglalaban ko ang relasyon namin. Bago ko siya iwan, gagawa muna ako ng isang bagay para sa aming dalawa. Wala akong masyadong maisip na paraan para lang ipakita ko sa kanya ang pagmamahal ko pero ito lang ang naisip ko. Hindi rin ako sigurado kung gagana ba ito o hindi. Ang mahalaga na lang ay ginawa ko ang makakaya ko.
"Nandyan po ba si Mrs.Dela Vega?" Tanong ko sa babaeng nagbukas ng gate nina Ronnel.
Nagpunta ako dito sa bahay nila at tyinempuhan ko talagang wala si Ronnel dahil ang gusto ko ay makausap ko ang Mom niya nang masinsinan. Ayokong naroon siya. Hindi ko kasi alam kung maduduwag ba ako o magkakaroon pa ng lakas ng loob. Maalin dalawa, hindi ko na malalaman iyon dahil wala naman siya dito.
"Kayo po iyong girlfriend ni Sir Ronnel po, 'di ba?" Nakangiting tumango ako sa kanya. Para siyang gulat na gulat pero nandoon ang pagkamangha. Mukha siguro akong dyosa na naligaw sa lupa at naghahanap ng tulong sa kanya. "Opo, Ma'am! Pasok po kayo."
"Salamat po."
Pagpasok ko pa lamang sa loob ay umahon na ang kaba sa dibdib ko. Ayokong umalis. Kailangan kong panindigan ito.
"Maghintay po muna kayo dito. Tatawagin ko lang po si Ma'am. May gusto po ba kayong kainin o inumin?"
"Okay lang po. Wala naman po. Salamat po," magkakasunod na sabi ko at naupo sa mahabang sofa ng kanilang sala.
Talagang kinakabahan ako. Not on a way na natatakot ako. Oo, natatakot ako pero hindi sa kanya kundi sa sarili ko. Masyadong madalas ang bibig ko. Minsan hindi ko makontrol ang sinasabi ko. Tipong kapag nagsasalita ako pero hindi naman napag-isipan. Hindi ko rin kasi kayang makipag-usap sa nakakatanda sa akin nang sobrang ginagalang ko sila. Pagdating si Mom na Ronnel, syempre pipilitin ko. Kahit mahirap, pipilitin kong igalang ang girl version ng mahal ko.
"What are you doing here?" Napalingon agad ako sa tanong na iyon. Napatayo ako at sinalubong ang masamang tingin niya sa akin. Iyong akala mo gusto na akong ibaon sa kinatatayuan ko.
"Mrs. Dela Vega, good morning po-" bati ko nang mahina.
"Ano namang good sa morning kung ikaw lang din naman pala ang bubungad sa akin?" Putol niya sa sasabihin ko.
Huminga ako nang malalim. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Relax Sofia! This was not only for you but also for Ronnel! Relax lang!
"Gusto ko lang po sanang makausap kayo-"
"Wala na tayong dapat pang pag-usapan!" Napangiwi ako. Humigpit ang hawak ko sa dala kong paperbag. Konting push pa! Konti pa. Isa pang putol nito sa sasabihin ko, naku!
"May gusto lang po sana akong-"
"Wala ka nang dapat-"
"Ano po ba? Paano ko po dedepensahan ang sarili ko kung panay po ang putol niyo sa sinasabi ko-" napasigaw na ako at agad ring naputol ang mumunting litanya ko.
"Ang kapal naman ng mukha mong sigawan ako!" Sigaw niya rin sa akin. Napayuko at huminga nang malalim. "Sino ka ba sa tingin mo ha? Porke girlfriend ka ng anak ko! Tandaan mo 'to, girlfriend ka lang, mabilis kang palitan! Ako ang ina niya at habang buhay niya akong magiging ina. Kaya alamin mo ang lugar mo! Gagaya pa sa ina mong-"
"Pwede bang tumahimik na po kayo?" Mahinahong tanong ko dahilan para manahimik siya.
Gusto kong pigilan ang sarili ko na magsalita ng masama sa kanya, pero sa tuwing nadidinig ko ang aking ina sa kanya ay parang nakakalimutan ko kung ano ang dapat gawin. My mother was already dead but my love and respect for her were still here, pushing me to defend her.
"Tama po kayo, girlfriend lang ako ng anak niyo — madaling palitan — pero ako rin po 'yung babaeng ipinaglaban niya sa inyo. Ako po iyong babaeng handa ring lumaban para sa kanya. I am not a perfect person, but I know my rights, not only as your son's girlfriend but also as a human being. Siguro naman po ayos lang na magsalita ako ngayon. I want to tell you what I am thinking about you. Tutal po ay ilang beses niyo nang naipamukha sa akin kung anong tingin niyo sa akin. I want to respect you, really bad. I want to show to you that I am not the kind of girl who can't respect people older than me, but I want you to also know that I want to be respected. If you can't respect me as my mother's daughter, then don't expect anything from me," paliwanag ko at nanatili lang siyang tahimik. "As I was saying, nagpunta ako para makausap kayo. Gusto ko lang ipaalam na, hindi ako gagawa ng isang bagay para lang sa sarili ko. This is for Ronnel, for us."
"Why are you saying this to me? Diretsuhin mo na ako."
"To defend myself? To clear that I'm not a bitch like what you are saying? For you to respect our relationship?" Tanong ko o pagbibigay ko ng choices sa kanya.
Nanatili lang siyang tahimik. Mas mabuti ang ganito.
"First of all, I'm not a bitch and most especially my Mom. She was your best friend, so I know that you know that my Mom is really a kind-hearted person."
"But she broke her promise," naikuyom ko naman ang palad ko. Paano nagagawa ng isang tao na magbulag-bulagan sa katotohanan?
"Yes, she was. But every person can broke their promise. My Mom died and she told me that I should be thankful to a girl who gave my Dad to us. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin noon. Ni hindi ko iyon pinagtuunan ng ganoong pansin. But I met you and heard about your story. My Mom was really thankful to you because she thought that you gave my Dad to her. Kahit noong mamatay siya ay iyon ang nasa isip niya. For her, you are her best friend, but for you Mrs. Dela Vega, she was just a bitch. Nakakatawa pong isipin kung gaano kung magkataliwas ang inyong iniisip," umiwas na ako ng tingin dahil naalala ko na naman nang mamatay si Mom. "She died still believing to that lie."
"I don't know.." saad niya habang umiiyak. Natawa naman ako nang mapakla. Bigla siyang nawalan ng sasabihin ngayon.
"Of course, you don't! You don't know because you never wanted to know!" Giit ko. Wala siyang karapatang umiyak. Ngayon pa, kung kailan wala na si Mom. Kung kailan ang tagal niya nang naniwala sa isang malaking katangahan.
"I'm . . I'm sorry.." mas lalo pa siyang umiyak.
Siguro nga bato na ang puso ko dahil habang pinanonood ko ang mga luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata, wala akong maramdaman. Ramdam ko ang panlalamig ng sikmura ko at ang panlalamig ng buo kong katawan. Wala akong maramdaman kundi pagkadismaya sa sitwasyon namin.
Hindi ko siya nilapitan. Bakit pa? I didn't care kung ano man ang iniiyak niya ngayon dahil hindi niya alam kung gaano naubos ang luha ko sa pag-iyak ko noon.
"I'm sorry.." nakaluhod na siya sa harapan ko pero tiningnan ko lang siya.
Tawagin niyo na akong walang awa dahil gano'n nga ako. Wala akong awa sa mga taong nasa huli na ang pagsisisi.
BINABASA MO ANG
My Bossy Rich Boyfriend
Teen FictionPaano kung makilala mo ang kabaligtaran mo sa lahat ng bagay at na-in love ka sa kanya? Titiisin mo ba ang mga ayaw mo para sa kanya? O siya ang hahayaan mong magparaya para sa'yo? This is a simple story with some twists. Makakayanan ba ng mga chara...