CHAPTER
EIGHTStop That
Ang sakit ng mga mata ko. Parang feeling ko nababad sila sa ilalim ng mataas na sikat ng araw habang mulat na mulat ako. Gusto kong ipikit pero hindi ko naman magawa. Kanina pa akong nakatitig dito sa kisame ng unit ko. Kung pwede lang 'tong matunaw, malamang kanina pa akong walang kisame.
Nilingon ko ang orasan sa gilid ko. 11:38pm na. Ano na?
Hindi talaga ako makatulog, eh. Ipinikit ko muna sandali ang mga mata ko. Kailangan ko lang mag-concentrate, tapos think happy thoughts. Dapat 'yung alam kong nakakaantok. Teka, saan ba ako inaantok? Magbilang kaya ako ng tupa? Sabi nila, effective 'yun. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim —
"Or else, you'll be mine.." napabalikwas pa ako ng bangon sabay sigaw nang marinig ko ang boses ng lalaking 'yun! Mababaliw na ako!
Ano ba, Sofia? Matulog ka na. Pinu-frustrate mo ang sarili mo! Bakit kasi kailangan pa niyang sabihin 'yun? Hindi na nga ako makatulog mukha pa akong zombie for sure, buti sana kung mukhang panda kasi kahit paano, cute sila, kaso zombie, eh. Baka kuhanin na akong cast ng Train to Busan 2 kung magkakaroon man.
Tumayo muna ako sandali at iinom muna ako ng gatas. Iika-ika akong pumunta sa kitchen at pabalik sa kwarto. May sprain pa kaya ako kaya nga hindi muna ako papasok bukas. Kailangan ko rin ng matinding beauty rest.
Matutulog na talaga ako. Hindi ko muna iisipin yun. Hindi muna —
"Or else, you'll be mine.."
"Ha," napangiwi ako. Ibinalik ko ang gatas sa loob ng ref. "Bwisit na lalaking 'yun."
Bumalik na ako sa aking kama. Nagkumot ako at binayuot ang aking katawan. I prayed silently for a good sleep, then the last thing I heard was still that line before finally closing my eyes.
"Sofia.." lumingon ako sa kanya. Anong ginagawa niya dito? Si Ronnel 'to, 'di ba?
"I thought you're already going to follow my rules?" Nagtataka naman akong tumingin sa kanya. "I said that you should follow my rules, right?"
Dahan-dahan naman akong tumango sa tanong niya. Anong nangyayari? Bakit siya nandito? Ako. Nasaan kami?
"Or else, you'll be mine," nag-echo ang boses niya sa aking tainga. "Paano ba 'yan? Did you follow the rules, Sofia?"
Natigilan ako, saka marahang umiling. "I-I don't know. Hindi . . Hindi ko na maalala."
"Kung gano'n, dapat ko palang ipaalala sa'yo.." he said stepping forward —
Napasigaw ako.
Bumalikwas ako ng bangon at hinihingal pa ako. Lumingon ako sa paligid. Nasaan siya? Bwisit siya! Kinalma ko ang aking sarili at natigilan. Teka, wala siya paligid. Nasa loob lang ako ang aking kwarto. Tama. Kung ganoon at panaginip lang iyon? No, bangungot! Susko naman! Pati sa panaginip, hinabol pa talaga ako!
Okay, fine! I would already follow him. Siya na — siya na ang kauna-unahang susundin ko. Nakakainis.
Natigilan ako sa pag-iisip nang tumunog and doorbell. Bakit sa tuwing nag-iisip ako ay may istorbo? Kaloka na, ha. Napatingin ako sa orasan ko, 7:00am na. Hindi naman ako papasok, eh. Sino kaya 'yun?
Tumayo na ako at binuksan ang pinto para malaman kung sino 'tong nagdo-doorbell agang-aga, dahil wala naman akong inaasahan na bisita.
"Hi, Ate Sofia!" Nakangiting bungad sa akin ni Reachel, kailan pa ako naging Ate niya?
"Hello. May kailangan ka ba?" Tanong ko agad. Wala akong panahon sa fomalities na 'yan. Nakita ko naman na bumaba ang tingin niya sa sprain ko at agad na napangiti na akala mo kinikilig.
BINABASA MO ANG
My Bossy Rich Boyfriend
Teen FictionPaano kung makilala mo ang kabaligtaran mo sa lahat ng bagay at na-in love ka sa kanya? Titiisin mo ba ang mga ayaw mo para sa kanya? O siya ang hahayaan mong magparaya para sa'yo? This is a simple story with some twists. Makakayanan ba ng mga chara...