CHAPTER
TWENTY-ONEDon't Talk To Me
Hindi mabilis makalimot. Ganyan ang sakit ng mga tao. Kapag gustong makalimutan ang isang bagay hirap na hirap. Samantalang kung ano 'yung importante, iyon pa 'yung panay nakakalimutan at kinakalimutan. I tried to busy myself, but unfortunately for me, I was not really in the mood to do anything, so I just slept. Sleeping made me forget almost everything, minus the fact that even in my dreams, he was there.
So, pagdating ng Monday, tamad na tama akong pumasok. Ayoko talagang pumasok! Pero, ano bang magagawa? Sayang naman ang tuition fees na binabayad ni Dad kung sakaling magbubulakbol lang ako sa buhay.
Kaya papasok ako. Ayoko ring isipin ng kahit na sino na nagpapaapekto ako sa lalaking 'yun. No way!Naghanda ako sa pagpasok ko. I took my sweetest time in putting light makeups on my face. Para pak na pak ako. Paglabas ko ng unit ko, I did not expect anything. Ni hindi man lang nga sumagi sa isip ka na baka nandito na siya.
But he did.
Nandito siya. Nakaupo siya sa may gilid ng hallway. At base sa nakayuko niyang, antok na antok siya. Nang madinig niya ang maingat na pagsarado ko ng pinto ay agad siyang tumingala. Iniwas ko ang tingin ko pero alam kong tumayo siya.
Sa totoo lang, nakakaawa ang itsura niya.
"Sofia!" Tawag niya pero hindi ko siya pinansin. Sinimulan ko nang maglakad. "Sofia, mag-usap tayo!"
Hindi pa rin ako tumigil sa paglalakad at pumasok na sa elevator. Sinundan naman niya ako sa loob, kahit may sasakay pa ay hindi niya ito pinayagan.
"Sofia please, pakinggan mo ako.."
"Don't talk to me," malamig na wika ko sa kanya. I wanted so bad to hurt him physically. So bad.
"Please.." lumuhod na siya sa harapan ko at dahil hindi ko siya makayang makita na nagkakaganito ay itinayo ko siya. "Sofia.."
Bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit, hindi ako gumanti ng yakap kahit gustuhin ko man.
"Sorry. Sorry . . patawarin mo ako.." naririnig ko ang paghikbi niya kaya inihiwalay ko na ang yakap niya at tama ako, umiiyak siya. "Patawarin mo ako. Please, pakinggan mo naman ako ngayon. Kahit ngayon lang.."
Hindi na siya humihikbi pero panay naman ang agos ng mga luha niya Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Pilit kong iniwas ang tingin ko sa kanya. I hated the clench inside my heart, but I knew that what I hated more was the tears streaming down his face.
"I want space.." malamig pa rin na pahayag ko. Tumango naman siya habang patuloy lang sa pag-iyak.
Ang cliché ng linya ko.
"I'll give you a week. I'll give you space at pagkatapos no'n. Pagkatapos ng one week, babawiin kita. Babawiin kita, pangako.." niyakap niya ulit ako at napapikit na lang ako. 'Yung tipong ako na nga itong nasaktan, ang kapal pa rin ng mukha niyang magsabing bibigyan niya ako ng isang linggo. Well, he was Ronnel. "Babalik ako.."
Bumukas na ang pinto ng elevator at lumabas na ako.
Oo, one week. Bawiin mo ako, gawin mo. Hihintayin ko ang paglipas ng one week. Hihintayin ko ang muli mong pagbabalik.
Pumasok na ako sa school at alam kong hindi papasok si Ronnel ngayon. Mukha kaya siyang zombie kanina sa laki ng eyebags niya.
"Sofia!" Nilingunan ko ang best friend kong tumatakbo palapit sa akin. "How are you?"
Magkasabay na kaming naglakad papunta sa classroom namin.
"I'm okay. He gave me a week," alam na niya ang tinutukoy ko do'n.
"Really? So a week? Anong gagawin mo sa isang linggo na 'yun?"
"I just want to feel that I am free again.." sagot ko. Medyo hindi ako sigurado sa part na 'yun. Baka ang ibig kong sabihin na naman doon ay ang pagtulog.
Kalayaan.
"Free? Sounds like that you're back.." may halong sarkastiko ang pagkakasabi niya.
"Hindi naman ako nawala, may nag-alaga lang sa akin kaya nakalimutan ko ang tunay na ako.." sabi ko lamang sa kanya. Medyo nagkatawanan pa kami dahil sa tono ng pagkakasabi ko noon.
Tunay na ako, 'yung walang sinusunod maliban kung gusto kong sundin.
"He changed you a bit but at the same time, he let you to be back to real you.." natawa na lang ako dahil tama siya sa parteng iyon.
Binago nga niya ako at heto ako ngayon, bumabalik sa dating ako dahil rin sa kagagawan niya.
I hated rules, 'yan ako. Sa isang linggo, ipapamukha at ipapakita ko sa kanya ang babaeng binago niya at babalik sa dating siya ng dahil rin sa kanya.
I was Sofia Reyes, a rule-hater. Strong person and brave, that was me! Humanda ka na Ronnel Dela Vega at ang malanding babaeng 'yun. Aagawin ko na sa kanya ang Best Actress Award niya.
BINABASA MO ANG
My Bossy Rich Boyfriend
Teen FictionPaano kung makilala mo ang kabaligtaran mo sa lahat ng bagay at na-in love ka sa kanya? Titiisin mo ba ang mga ayaw mo para sa kanya? O siya ang hahayaan mong magparaya para sa'yo? This is a simple story with some twists. Makakayanan ba ng mga chara...