CHAPTER 33: Past (His)

5.5K 124 2
                                    

CHAPTER
THIRTY-THREE

Past (His)

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto ko dito sa bahay. Hindi ko alam kung bakit bukas iyon o kung may nagbukas ba noon. Kung ano man, sinubukan kong huwag iyong pansinin at bumalik na lang sa pagtulog, pero hindi ko magawa. Sumasakit ang ulo ko. Kahit ang katawan ko ay pakiramdam ko ay sobrang bigat.

Iminulat ko ang mga mata ko. Bumungad sa akin puting kisame ng kwarto ko. I could still feel the heavy feeling inside my chest. It was there. Hindi ko alam kung paano nangyari ito sa akin. Sinubukan kong alalahanin kung may maaari ba akong nagawang masama at nangyayari ito sa akin pero wala naman akong maalala. Maybe, Sofia was correct, I was too bossy. Siguro nakatatak pa rin sa isipan niya noong nabugahan ko siya ng juice noon.

I smiled at the sudden memory. I missed her. Ayoko ng ganito. Noong nag-away kami dati, hindi ko na kinaya. Tapos ngayon, wala akong magawa o siya dahil magulang ko na ang pinag-uusapan.

I sighed heavily before lazily getting up. I went inside my bathroom and took a quick bath. I wanted to go to Sofia as soon as possible. Pagkatapos na pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba para mag-agahan o pwede ring dumiretso na ng alis. Wala rin naman kasi akong gana.

Naabutan ko si Mom sa kusina. She was sitting on her usual seat, so I sat opposite to her. I had this courage to look at her and we battled through cold gazes. Mukhang alam na rin naman niya ang sasabihin o gagawin sa pagdating ko.

Maraming nagsasabi na hindi kamukha si Mom. Ganoon pa man, namana ko ang ugali niya. She was bossy and perfectionist. Aminado kaming mag-ina doon. Madalas rin kaming hindi nagkakasundo at ako lagi ang nagbababa ng pride dahil ako ang anak. Pero ibang usapan na ngayon, gusto kong sabihin ang punto ko sa kanya — na mahal ko si Sofia at sana maintindihan nila iyon.

"I need to go," agap ko bago pa siya makapagsalita. "Please make this quick."

Bumuntong hininga muna si Mom. She looked disappointed by the way I was acting, so did I.

"Ang ina ng babaeng 'yun — si Samantha Cea— ay best friend ko no'ng high school pa lang kami. We are like twin sisters. Hindi mapaghiwalay at laging magkasangga sa lahat ng bagay. We are opposites. Yes, sa ugali at kahit sa mga gustong pagkain, damit, kulay at kung ano-ano pa. Kaya nga nagtaka ako isang araw na parang nagbago ang lahat. I don't really know how to explain this one, but she started acting aloof. Noong una, hindi ko iyon pinansin. Maybe that was just because of the pressure her parents was pushing to her, until one day I discovered why was she acting like that. It was because of a random guy. Unfortunately, that random guy was the one we fell in love with at the same time.." panimula niya.

I gritted my teeth. I still did not know what to say so I stayed quiet.

"Ako ang nauna. I had been in love with Kristoff since then and she knew that. When she told me the truth, that he asked her out. I didn't believe her. Bakit? Ako nga hindi napansin ni Kristoff ng ilang taon, siya pa kaya? Then, I confirmed the news when he personally asked my permission to court my best friend. I was so sad to say no, so I said yes. They went out, and Sam saw how devastated I was. She promised to reject him. She did, at first. Kristoff finally took an interest of me and courted me after being rejected. Akala ko, 'yun na 'yun. Nagkamali ako nang isang gabi ay mahuli ko silang magkahalikan. I was so mad, Ronnel."

Medyo naiiyak na siya pero binaliwala ko lang lahat iyon. Lahat ng sinabi at ginawa niya kay Sofia ay dahil lang sa isang lalaki? Kailangan ko bang makaramdam ng awa?

"'Yun lang ba?" Tanong ko na naging dahilan ng pagtitig niya sa akin. "It was you, not us. Wala na kaming kinalaman dyan. Now, excuse me. I need to go."

Tumayo na ako at tinalikuran siya nang magsalita pa ulit siya.

"Layuan mo siya. Para sa akin, anak. Para sa akin.." naiiyak na si Mom pero hindi ako lumingon. Ayokong makaramdam ng awa sa kanya. Ayokong magbago ang isip ko. Nangako na ako na ang ipaglalaban ko naman sa pagkakataong ito ay ang babaeng mahal ko. Ayokong baliin iyon dahil lang sa kwento nila ng nakaraan.

"Tulad ng sinabi niyo noon, wala na kayong anak.." ipinagpatuloy ko na agad ang paglalakad pero tumigil din agad ako. "One more thing, I love her."

'Yun na lang ang nasabi ko at umalis na sa bahay na 'yun pero napatigil ako nang may humawak sa braso ko, si Dad.

"Anak. Intindihin mo ang Mom mo. Please.." pagmamakaawa ni Dad pero iniwas ko lang ang tingin ko.

May pinag-usapan pa kami bago ako tuluyang umalis. Ayoko sanang makinig dahil baka ipagpilitan lang nila sa akin ang gusto nila, pero iba si Dad. Alam ko iyon. So, I decided to give it a shot. I listened.

Nakatanggap ako ng text galing kay Mhealyn na nasa park daw sila ni Sofia. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at pumunta ako agad do'n. Pagdating ko doon ay nawalan ako bigla ng lakas na magpakita sa babaeng mahal ko. Nanatili akong nakatayo ilang metro ang layo sa kanila.

Paano kapag nawala ka na sa tabi ko? Baka hindi ko kayanin, sana kaya mo akong intindihin sa pagkakataong ito tulad ng pag-intindi mo sa pagiging bossy ko. I wanted to tell her.

Nang una kitang makilala sa bar ko, nainis ako dahil for the first time. There was a person who didn't obey my rules. Nainis ako sa'yo at ipinangakong pasusunurin kita kahit anong mangyari.

Alam ko na noon pa man na sa school ka namin nag-aaral, kaya nga nalaman ko na high school ka lang. Palagi kitang nakakasalubong pero 'di natin pinapasin ang isa't isa.

I know all about you because I made a research about you and then, ibinigay ko sa'yo ang kondisyong aayawan mo talaga.

Ang maging akin ka pero nadulas naman ako nang sinabi kong, I like you.

Iniwasan mo ako at nainis ako noon. Ginamit ko na ang pagkakataong 'yun para maging akin ka, ang huwag mo akong iwasan.

Iniwasan mo ako at sa isang iglap, naging akin ang taong gusto ko. Ipinakita ko sa'yo ang kakaibang ako, nagbabakasakaling baka magustuhan mo rin ako.

Hanggang isang araw nagkamali ako na naging dahilan nang pagka-realize ko na mahal kita.

Minahal mo din ako at naramdaman ko 'yun, hanggang sa ngayon at magpakailanman.

Minahal kita. Minamahal kita. At ikaw lang ang mamahalin ko. Pangako.

Pangako, Sofia.

You were my princess, are my princess and will be my forever princess.

Kinuha ko ang cell phone ko at nag-compose na ako ng text para sa kanya.

To: My Princess Sofia

I miss you, my princess. Mawawala lang ako ng ilang araw pero promise I'll come back. I love you.

Sent.

Tiningnan ko siya sa puwesto niya kung saan siya nakaupo habang binabasa ang text ko at nakita ko ang pagngiti niya na nakapagpangiti rin sa akin. Palagi naman.

Beautiful as always.

Tumunog naman ang cellphone ko at binasa ang text niya.

From: My Princess Sofia

I miss you, too. Okay, take care of yourself. I'll wait for you. I love you, too.

Napatingin ulit ako sa puwesto niya bago tuluyang umalis na doon.

Thanks Sofia. I'll come back, promise.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon