CHAPTER
TENI Really Like Her
Inihatid na niya ako sa bahay pagkatapos naming magbar kagabi. Hindi naman ganoong magulo ang nangyari. Hindi rin kami ganoon uminom dahil nga according to him, I was still a minor. Yeah, but alcohols were sometimes good to human body. Isa pa, it was just occasionally. Birthday niya kaya!
At heto na nga ako ngayon, naglalakad sa hallway. Nakainom na ako ng gamot para mawala ang sakit ng ulo ko. Limang tasa yata ng kape ang nilaklak ko para lang mawala ang hangover ko at kahit paano ay magising-gising naman.
Sunday was not the best day to drink.
"Sofia!" Bati sa akin ng sira ulo kong best friend nang magkita kami. Bakit ba siya laging sumisigaw? Nakakainit kaya ng ulo.
"Oh?" Tugon ko at naupo na sa aking upuan. Lumipat naman siya sa upuan sa harap ko.
"Have you already heard the news?" Tanong niya na nakapagpakunot ng noo ko.
"News?" Nag-isip din muna ako sandali, thinking if I heard a news this past few days, wala naman. Hindi rin ako mahilig manood ng balita, kahit nga magbasa, eh.
"About Clark," natigilan ako sandali sa sinabi niya. Nawala yata ang sakit ng ulo ko at napatitig ako sa kanya. Seyoso lang din siyang nakatingin sa akin. Clark — Clark Landicho, my ex. Lalo yatang sumakit ulo ko naman.
"So? I don't care.." I bitterly uttered.
"Talaga ba?" Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
Naalala ko kasi iyong mukha ng tukmol na 'yun. 'Yung lalaking nanloko sa akin. Ikinuyom ko ang aking kamao at pinilit na kinalma ang sarili. I was not angel, and punching his damn face would be so much fun, for sure. Siguro nga, siguro nga mahal ko pa ang malanding lalaking 'yun pero 'yung galit ko alam kong tatabunan ang kakarampot na pagmamahal na 'yun. Maaaring imagination ko lang din 'yun.
"I should.." sagot ko nang hindi pa rin siya tinitingnan. "..not care"
"Fine. Ikaw ang bahala, basta tandaan mo. Huwag mo nang babalikan ang siraulong 'yun kahit lumuhod pa siya sa harapan mo. Masasaktan ka lang ulit," she said then walked away from me.
Tama si Mhe, masasaktan ulit ako. Ayoko na rin naman, eh. Alam kong medyo tanga ako pero alam ko ang limitasyon ng katangahan ko.
Maya-maya pa nga ay dumating na ang teacher namin habang iyon pa rin ang iniisip ko. Mabilis lumipas ang oras at natapos ang morning classes namin.
Naglalakad kami ngayon ni Mhe sa field, wala lang trip maglakad dito. Mahangin kasi at feel na feel naming masalimpad ang mga buhok namin. It felt so refreshing.
Bigla kaming may narinig. Napatingin naman kami pareho ni Mhe sa nagtatawanan at nakita agad ang tatlong ugok.
Naalala ko bigla 'yung sinabi ng lalaking 'yun na hapon pa ang klase niya ngayon kaya siguro sila nandito.
"Hi, Mhealyn! Hi, Sofia!" Bati sa amin ni Kyle at Harry, nginitian lang namin sila ni Mhe.
Nagkatinginan kami ni Mr.BRG at nakita ko ang tipid niyang ngiti kaya napangiti na lang din ako.
Nagsimulang magkwentuhan ng kung anu-ano sina Kyle, Harry at Mhe samantalang ako ngalay na dito sa pagkakatayo. Lumapit na sa akin si Mr.BRG.
"Ano na naman?" Tanong ko dahil hindi man lang siya nagsasalita kahit kanina pa siya nakalapit sa akin. Ramdam ko rin na medyo nakikinig sa amin iyong tatlo. Hinanaan kasi nila 'yung boses nila.
BINABASA MO ANG
My Bossy Rich Boyfriend
Teen FictionPaano kung makilala mo ang kabaligtaran mo sa lahat ng bagay at na-in love ka sa kanya? Titiisin mo ba ang mga ayaw mo para sa kanya? O siya ang hahayaan mong magparaya para sa'yo? This is a simple story with some twists. Makakayanan ba ng mga chara...