CHAPTER 40: Promise

5.8K 124 6
                                    

CHAPTER
FORTY

Promise

"This one kaya?"

"No, the other one. Mas maganda."

"Can you please choose your own gown for Pete's sake!" Singhal ko sa lintikang best friend ko.

Yes, nandito kami ngayon sa bahay nila at namimili ng gown para sa Graduation Ball. May mga gown siya at pina-deliver galing sa iba't ibang bansa.

Eh 'di sila na nga ang mayaman. Ang hirap nga lang talaga dito ay hindi siya marunong mamili ng gown mag-isa. Magsa-suggest ako, tapos sasabihin niya parang hindi maganda naman daw. Kesyo mukha daw siyang mataba or what siya sa gown na 'yun. Minsan hindi na lang ako nagsasalita kapag pangit ang ipinapakita niya sa'kin na bet na bet niya tapos bigla niyang sasabihin na bakit 'di ako nagsasalita, huwag na lang daw 'yun. Like wtf!

"You choose na rin kaya?" Nakibit-balikat na lang ako sa sinabi niya.

Meron na naman kasi ako, eh. Dad chose that gown for me. The combination of black and violet gown.

"I already have one," simpleng sagot ko at inirapan ako ng gaga. Kung makairap naman itong babaeng 'to! Pagulungin ko eyeballs nito, eh.

"So ano? Pupunta ba daw sila?" Heto na naman 'yung tanong niya about sa pupunta chuchu na 'yun!

"Oo nga! Kung ayaw mong maniwala, why don't you ask him?" Pangungutya ko sa kanya dahil kaya lang din naman ako pupunta because of Ronnel.

He said that he would attend our Grad Ball so I should also be there. Nakakainis nga dahil nga sa ayaw ko nga ngang um-attend. Masyadong bossy.

"Fine. Wala kaya akong date 'no! Tinanggihan ko lahat ng nagyaya sa akin.." tiningnan niya pa ako na akala mo nagtatampo.

"Wow ha? Ako, may date!" Puno ng sarkastiko na pahayag ko.

Napailing na lang siya at bumaba na kami. Kakain daw muna kami dahil wala pa kaming nakakain simula pa noong dumating ako dito. Ang akala ko nga nawalan na siya ng bituka at hindi na nakakaramdam ng gutom, samantalang ako ay panay ang kulo ng tyan.

"Alin kaya do'n 'yung pipiliin ko?" Tanong niya sa sarili. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Kanina pa kaya tayo sa taas tapos ngayon, tinatanong mo sarili mo niyan?" Iiling-iling na tanong ko sa kanya sabay subo ng pizza na hawak ko.

"Eh, kasi naman, ang gaganda-" naputol ang pagsasalita niya nang malakas na tumunog ang cellphone ko.

Ang mukha agad ng gwapo kong boyfriend ang bumungad sa akin. Hindi ko mapigilan mapangiti. Ang cute niya talaga.

"Hala siya. Nabaliw na talaga," dinig kong pang-aasar ni Mhe kaya binelatan ko na lang siya.

In-slide ko ang screen para masagot ang tawag.

"Where are you?" Ang bungad niya sa akin. Wow.

"Hello din sa'yo, Ronnel, oo. Na kina Mhe ako. Bakit, may kailangan ka ba?" Tanong ko agad. Nakatingin lang naman sa akin si Mhe habang panay ang lamon.

"Can you come over?"

"Saan? Bakit?" Tanong ko agad. Biglang siyang nagsimulang umubo.

"Condo.." nakaramdam ako ng kaba dahil sa pag-ubo niya. Para bang hirap na hirap siya. Baka mamaya ay malagutan 'to ng hininga dito tapos pagbintangan ako. Kasi syempre, ako ang huli niyang kausap sa cellphone. Makukulong na ako tapos — "Sofia, still there?"

"Yeah, sorry. Oo. Okay. Okay. I'll be there within . . fifteen minutes! Bye."

Ibinaba ko na ang cellphone ko at inayos ang mga gamit ko.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon