CHAPTER 25: Confused

6.8K 136 0
                                    

CHAPTER
TWENTY-FIVE

Confused


"I love you.."

Pagpasok ko pa lamag sa loob ng unit ko, napasandal na ako sa pinto. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa part ng dibdib ko kung nasaan bands ang puso ko. Mahal? Mahal niya na ako? Pero ako ba, mahal ko na ba siya? Paano kung katulad lang din siya ng iba? Iyong tipong sobrang dali para sa kanilang sambitin ang mga salitang iyon.

"I love you.."

Napailing na lang ako, bakit ko ba iniisip 'yun? Pumasok na lang ako sa kwarto pagkatapos magluto ng dinner ko. Nag-shower rin muna ako at kumain na. Pagkatapos ay humiga na ako sa kama ko. Napahinga na lang ako nqng malalim dahil kahit anong gawin ko, 'yun ang naiisip ko.

Na mahal niya na ako, samantalang ako. Hindi ko pa alam kung mahal ko na siya.

Ano bang big deal do'n?

Siguro kasi . . kalokohan lang ang love? Hindi ko alam.

Matutulog na lang siguro muna ako at hindi rin naman ako makakapagsimula sa projects namin dahil hindi ako makakapag-concentrate.

Tumagilid ako.

Tumagilid ulit ako sa kabila.

Tumihaya na ako.

Pikit na pikit ang mga mata ko at nangungunot na ang noo ko.

"I love you.."

Iminulat ko ang mga mata ko at napasigaw. Bumalikwas ako ng bangon. Hindi ako makatulog. Great!

Narinig ko ang pagtunog ng alarm clock ko.

"Five minutes pa!" Sigaw ko at nagtalukbong ng kumot ko pero syempre nagpatuloy ito sa pagtunog niya.

Bumangon na ako at kinuha ang alarm clock sabay bato. Takte! Kailangan ko na naman ng bagong alarm clock. Teka nga. Napabangon ako napatingin sa oras sa cellphone ko, 11:55pm pa lang.

Ah, sabi ko nga pala. Uunahan ko si Ronnel na mag-good morning ang kaso 'di ko yata kaya, eh. 'Yun lang ang sasabihin ko? Good morning?

Napalingon ako sa aking cell phone saka nanlaki ang mga mata. Ang bilis ng five minutes, ha! Kinuha ko na ang cellphone ko at sinagot ito.

"Hello?" Bati ko.

"Good morning, my princess.." ang aga-aga, ang sigla na ng boses niya.

"Good morning, my prince.."

"Sige na matulog ka na ulit dahil baka mapagod ka na naman sa buong maghapon,"  sabi niya. Napanguso ako.

Aw. Ang sweet niya.

"Okay.."

"Good mornight."

"Good mornight.." napangiti ako. Ganito siya tuwing umaga, pinapatay ako sa kilig.

"I love you.." nanlaki ang mga mata
ko at hindi nakasagot na naman. Anong dapat kong isagot? "Sleep now, you don't need to answer that."

Hindi na lang ako nagsalita para magkunwaring tulog na pero napatingin ako sa screen ng phone ko. Hindi pa niya binababa. Bakit kaya?

"My princess?" Hindi ako sumagot, nagkukunwari pa ring tulog. "Sana kaya ko 'tong sabihin habang gising ka pero 'di ko yata kakayanin ang maaari mong isagot."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. Magdadrama pa yata siya.

"I love you, I just realized it when you got mad at me.  I was really hopeless that time, pero napag-isip-isip kong hindi ko kayang mabuhay siguro kung mawala ka sa akin kaya nasabi ko sa sarili ko na, I really love this girl. You, my princess. Sofia Reyes, I love you sana balang araw marinig ko din na sabihin mo 'yan sa akin. This time, hindi ko pwedeng iutos 'yun sa'yo. I don't want to."

Matapos niyang sabihin 'yun ay narinig ko na ang nakakabinging pagkamatay ng linya.

Napatitig ako sa phone ko, bakit niya ba kailangan pang ulit-ulitin?

Tumingin ako sa cellphone ko, 6:30am na. Dadating na si Ronnel. Humarap muna ako sa salamin at nagsalita.

"Kaya mo 'yan Sofia! 'Di naman niya hinihingi agad ang sagot mo eh! Hwaiting!" Nag-aja pa ako nang marinig ko na ang doorbell ko kaya dali-dali akong pumunta sa pintuan at binuksan 'yun.

Ngumiti ako sa kanya at inakbayan na niya ako. Naglakad na kami papunta sa elevator. Walang nagsasalita sa amin dahil wala naman kaming masabi, eh.

Sumakay na kami sa kotse niya at nag-drive na siya papunta sa school. Wala pa namang ilang minuto ay nakarating na kami. Bababa na sana si Ronnel ng sasakyan pero agad ko siyang pinigilan.

"Thank you!" Masayang pasasalamat ko sa kanya. Ngumiti naman siya.

"You're always welcome," sagot niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

"Hm, thank you for loving me and sorry for not responding. Don't worry, I'm still a bit confused about my feelings for you but maybe later, tomorrow or someday I'll answer that. Hm?" Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"I know. Thank you for being honest, I love you.." ngiti niya at lumabas na nga siya ng sasakyan.

Pinagbuksan niya ako ng pinto as always at hinatid niya rin ako sa classroom ko. Nagpaalam na siya kaya umupo na ako sa upuan ko nang lumapit na naman sa akin si Mhe, ang best friend ko talaga!

"Mhe.." tawag ko habang nagse-cell phone siya.

"Hm?" Tumunghay na siya at tumingin sa akin nang seryoso.

"What are the signs that you're in love?" Tanong ko. Mukha naman siyang nagulat no'ng una pero nag-isip din agad.

"Hm, kapag feeling mo nabaligtad ang tyan mo kapag nakikita siya, feeling mo slow motion ang lahat kapag magkasama kayo, kapag may-"

"Sandali nga! Alam ko na 'yan, wala na bang iba? Yung pinaka-sign?" Pagputol ko sa litanya niya. Nag-isip na naman siya.

"Kapag kaya mo na siyang tanggapin," seryosong saad niya.

"Huh? What do you mean?"

"Kung kaya mo nang tanggapin ang weakness or negative sides niya. Kung 'yung mga ayaw mo, handa mong palitan just for this person. You can do everything for him.." paliwanag niya kaya napatango na lang ako.

Tanggap? Lahat na? 'Yun ba talaga 'yun? Kasi kung oo —

Hindi ko pa rin alam.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon