CHAPTER 18: Month-Anniversary Gift

7.2K 152 4
                                    

CHAPTER
EIGHTEEN

Month-Anniversary Gift

Nang makabalik ako sa classroom namin ay medyo natulala pa ako. I didn't know why. Sobrang saya ko. Sobra pa sobra, pero minsan nakakaramdam ako ng kakarampot na takot sa loob ko, na baka balang araw bawiin ang saya ko nang biglaan. Parang kung gaano iyon kabilis dumating, ganoon rin kabilis maglalaho — parang bula. Nilapitan ako ni Mhe na ngiting-ngiti kaya't agad na natigil ang pag-iisip ko. Napangisi na rin ako.

"Sof, kamusta naman ang mahaba ang hair kong best friend? Ang sweet niyo kanina!" Kilig na kilig ang bruha at talagang hinampas-hampas pa ang braso ko.

"Oo na.." sagot ko na lang pero hindi ko mapigilan ang ngiting kumakawala sa mga labi ko.

"Patingin ng regalo niya?" Paalam niya pero syempre, hindi na ako makakatanggi dahil hawak niya na iyon.

Lalong lumawak ang ngisi ko saka natawa na nang makita ang reaksyon niya. Nanlaki ang kanyang mga mata at halos malaglag ang panga niya sa pagkakanganga. Parang baliw lang. OA.

"Wow! Ang ganda!" Namamanghang pahayag niya. Tiningnan ko din ang drawing na iyon ni Ronnel. I didn't even know that he could draw like that.

"Oo nga, eh," napanguso ako. Nakakainggit na kaei. "Parang painting na nga."

"May mga creative pa palang lalaki ngayon.." sabi niya habang tinitingnan naman ang collage.

"Oo naman, marami pa!" May mga kilala pa kasi ako, eh. Ewan ko ba 'dito sa babaeng 'to. Parang trip niyang magdrama today.

"Gano'n? 'Kay. Pero alam mo, ang cute ng first gift niyo sa isa't isa," nakahalumbaba pa siya na akala mo nagde-day dream. Nakatingin siya sa taas kaya't napatingin rin ako.

Wala naman.

"Hindi niya 'yun first.." sambit ko at tiningnan siya.

"Ha? Eh, ano?" Nakakunot ang noo niyang bumaling sa akin.

"Ito, oh. No'ng birthday ko niya ibinigay," itnaas ko pa ang kanang braso ko kung saan nakasuot ang silver bracelet na ibinigay ni Ronnel para makita niya.

"Ah.." sabi niya. Tumingin muli siya sa itaas at bumalik sa pagde-day dream niya.

"Anong iniisip mo?" Pang-uusisa ko. Para kasi syang praning, eh.

"Iniisip ko lang kung anong ireregalo ni Kyle sa akin kapag-" bigla niyang tinakpan ang bibig niya dahil nadulas ang baliw.

"Kyle pala, ha? So, ano na nga palang ganap? Kayo na? Kailan pa?" Palapit ako nang palapit sa bawat tanong ko kaya itinulak niya ako nang kaunti para makasagot siya.

"Ano ba? Last week lang.." nag-iwas siya ng tingin.

"Last week? Grabe ka Mhe, hindi mo man lang ako in-inform! Akala ko ba best friends tayo? Last week 'yun!" Panggagaya ko ng sinabi niya noon sa akin.

"Wow, ha? Para namang in-inform mo ako noon no'ng naging kayo ni Ronnel.." Puno ng sarkastiko na pahayag niya. Nagkibit-balikat naman ako.

"'Yung akin naman, nalaman mo 'yun ding araw na 'yun. Saka, grabe ka makasumbat, ha. Tandaan mo, isang linggo ang pinalipas mo bago ko pa nalaman. Isang linggo, 'te!" Pagdadrama ko. OA ko, grabe!

"Oo na, busy kasi kami sa pagtulong kay Ronnel sa pakana niyang 'yun para sa'yo kaya nga 'di ko na nasabi," pagdadahilan niya.

"Sige, ituon mo sa akin ang sisi. Palibasa, www.palusot.com." Kunwari naiinis pa rin ako.

"Inaartehan mo na naman ako, eh!" Tiningnan ko naman siya at natawa na lang. Bakit ba alam ng best friend ko kung kailan totoo ako?

Niyakap ko na lang siya. Naglalambing lang.

"Mhe.." tawag ko sa kanya.

"Oh bakit?" Humiwalay na siya ng yakap at umayos ng upo.

"Sa tingin mo? Gusto ko na ba si Ronnel?" Tanong ko.

Alam nga 'di ba niya kung kailan ako seryoso o totoo. Baka sakaling masagot niya ang isang bagay na hindi ko naman kayang sagutin.

"Ikaw? Kung ikaw ang tatanungin?" Napabuntong-hininga naman ako. Ibinalik niya lang 'yung tanong sa akin.

"Ako? Sa tingin ko naman, oo.." ngumiti ako sa kanya.

"Eh, 'di yes! Gusto mo na siya, sa'yo na rin naman nanggaling, eh."

"Tama ka," napatingin ako sa regalo niya, his month-anniversary gift.

"I know right. Lagi naman akong tama eh!" Proud pa siya kaya sinamaan ko siya ng tingin nang sabihin niya iyon.

"Baliw.." pagkasabi ko no'n ay saktong dating ni Ma'am Ekonomiks.

Naupo na kami. Pandasdas na naman kami ng hingian ng papel dahil may quiz kami ngayon. Nakapag-aral naman ako kahit late na ako nakatulog dahil sa regalo ko kay Ronnel.

Nang matapos ako sa pagsasagot ay nabaling ang tingin ko sa roses na ibinigay niya.

Three hundred thirty-four days ang bubuuin namin para lang makapag-celebrate kami ng first anniversary namin. Sana makaya namin. Sana tumatag pa kami lalo pa ngayon na gusto ko na siya.

Nabaling naman ang tingin ko sa regalo niya. Pinaghirapan niya 'yun.

His monthsary gift, iingatan ko 'yan at hindi hahayaang mawala o masira. Tulad ng iba pang magiging regalo niya sa akin at ng relasyon namin.

Alam kong kaya ko nang alagaan ang relasyon namin. Kahit pa sabihin nilang, masyado pa kaming bata. Looking at Ronnel and his whole being, I could already see why I was slowly liking him. He was my opposite pole. I was the negative, and he was the positive. I was the south pole and he was the north pole. We would always attract.

My Bossy Rich BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon